Chapter 30
Caricia Faye's
Life must go on. I must move on and in order to do that, I need to cut ties. I need to disconnect from things that's keeping me from moving on. I was different from before. I guarded my heart better.
"Sef, canteen muna tayo," Shai said na nababagot ata.
Vacant kasi namin ngayon at wala akong ibang ginawa kundi tumunganga sa bintana. Hindi naman kasi ako gutom.
"Magpasama ka nalang sa boyfriend mo," sagot ko.
"Busy! Inaasikaso yung papeles nila para sa liga," yamot niyang sagot sa'kin.
"Alam mo, hindi ko talaga alam ku g paano naging kayo ni Zild," I chuckled at nag-iba agad yung hitsura niya.
"Duh, hindi ko nga alam pa'no naging kayo ni ano," sabi niya at inisnaban pa ako.
Hindi niya rin alam kung ano daw pumasok sa isip niya at naging magjowa sila ni Zild. Yes, you read it right. Si Zild boyfriend niya. Ako nga hindi makapaniwala eh. Naging missing in action lang naman ako buong summer.
I stayed at Mati for the whole summer. Mabait naman pamilya ni Nikko. They didn't treat me as 'others'. They made me feel warmth. Kasi wala rawng kasama si Nikko do'n kaya pumayag na rin ako na doon muna. My summer wasn't boring. Most of the time pumupunta kami sa Dahican to unwind. Mahilig rin kasi sa dagat si Nikko.
Sa Davao naman kasi pansamantalang tumira yung Mommy ni Nikko though hindi talaga siya yung biological mom. She wanted Nikko to come with her pero hindi rin pumayag si Nikko. May pagkamatigas rin yung ulo. Mas gusto daw niyang sa Mati magtraining ng Taekwondo kesa sa Davao. Ewan ko ba don ang daming katarungan. Kaya hinayaan na lang siya. Besides, nasa Mati naman Dad niya, palagi nga lang busy dahil nga Mayor.
I didn't open any social media account during summer. It's my way of escaping. Baka may makita pa ako do'n. Pero hindi ko naman kayang i deactivate. Kahit yung youtube account ko, ilang months na ring walang pagbabago. Let's just say, I shut everyone out during summer.
Pero nang bumalik sa klase, I've got no other choice but to socialize. Pero sina Shai and Zild lang yung kinakausap ko talaga. Others were just for formality.
Wala akong choice kundi samahan si Shainna sa canteen kahit wala naman talaga akong balak bumili ng pagkain. I just sat there, nakatulala lang sa labas. Wala masyadong estudyante. Senior high lang yung gumagala ngayon dahil wala namang vacant period yung lower grade levels. Tinignan ko yung mga dala kong papel. Kanina ko pa sinusubukang i balance to pero kahit anong subok ko hindi ko talaga ma balance. Kahit anong adjust pa. Nakakainis.
"Kumain ka kaya muna," sabi ni Shai.
"Busog pa ako," I answered.
"Alam mo, ang payat payat mo na. Di ko na maexplain. Mabuti na lang at maganda katawan mo. Sana hoalz. Ako kasi maganda lang,"
"Ingay mo, kala mo naman nakabalance na," sabi ko sa kanya.
"Duh, malakas kutob ko makakagraduate pa rin ako!"
Graduation is just around the corner kaya kelangan ko talagang magtino. Sa lahat ng kagagahang ginawa ko, ito na lang yung alam kong paraan para makabawi kay Daddy. He tried to hide me from the world pero in the end, he chose not to. Siya na yung bumuhay sa'kin dito. Life's a living hell. Naibsan naman dahil may mga taong tinuring akong pamilya.
Even once, hindi ako nagtanong kay ate Ash ng patungkol sa kanya. If that's the end for us. Edi 'yon na. Hindi ko ugaling mamilit. People make their own decisions. I don't think I have the right to change what they decide it to be. Kasi nakakapagod yun. Nakakaubos.
YOU ARE READING
Worse Fates | ✓
RomanceAs the universe conspires, I'd be together with you. (Completed)