Chapter 14

63 4 1
                                    

Chapter 14

Caricia Faye's

Nandito ako ngayon sa office ng prefect of discipline. Nakaupo naman sa harap ko si Reia. Nakakainis yung pagmumukha niya. Halata sa mukha at kilos na spoiled brat siya. Pero wala akong pake. Wala rin naman kasi akong maling ginawa? Duh?

Ilang beses ko na siyang minurder sa isipan ko. Pareho kaming matalim na tinititigan ang isa't-isa. Hindi ko maexplain basta nakakainis pagmumukha niya. Feeling maganda, mukha namang tarsier.

"Can someone explain what happened earlier?" mahinahong sabi ng POD.

Hindi ako sumagot dahil di ko rin naman gets yung mga pangyayari. Basta ang alam ko lang ay nasabunutan ako, naconfront ako na hindi ko alam kung bakit o kung may mali ba akong ginawa? Kasalanan ko bang ayaw na ni Zild sa kanya? Kasalanan ko bang nagsawa na siya sa pinalit niya kay Zild? Hindi diba? Ba't niya pa ako idadamay?

Kung ano mang nagawa ko, ganti ko na yun kasi ayoko nang magpaapi pa ulit. Caricia Faye's not that weak anymore. Natutunan ko nang ipaglaban ang sarili ko. Charge that to my experience.

Walang sumagot sa POD. Tanging pag-irap sa kaharap ko ang aking nagawa. Shainna is beside me. Nasa likod ko naman sina Zild at Vintage. Ang katabi naman ni Reia ay yung mga kaibigan niyang parang bubuyog.

Nainis yung POD kaya nahampas na niya yung mesa.

"Answer me or I'll call your parents! Lahat kayo!" sigaw niya.

"I don't know the reason sir but I'm sure it was Reia who made the first move," sagot ni Vintage.

"Ikaw Tristan? Ba't ka nadamay rito?" the POD asked.

"I tried stopping them, Sir. Caricia Faye is a close friend of mine," he answered at tumango ang POD.

Sunod na sumagot naman ay ako. I explained things based on my point of view. Na bumili lang ako ng tubig then poof! Gano'n na ang nangyari.

Zild was quiet. Sino ba naman ang hindi maaawkwardan kung ikaw yung dahilan ng away diba? The POD lectured us.

"I will not call for your parents since this is the first time pero kung mangyayari ito ulit... just prepare for the consequences," he said bago kinuha sa amin yung handbook namin.

He signes something there pero huminto siya nang handbook ko na yung pinipirmahan niya.

"How are you related with Victor Hidalgo?" he asked.

"He's my father, sir," I said in a small voice. Tumango-tango siya na para bang hindi makapaniwala.

Nakita kong umirap si Reia as if I'm bragging my name.

"He actually donated the new building and at the same time designed it," he said at nginitian ko nalang because I don't know how to react.

Hindi na niya kinuha yung handbook ni Zild at Vintage dahil naexplain naman namin na pumigil lang sila at hindi na sila nakisali sa gulo.

Pagbalik namin sa classroom ay nagsimula na yung first period. Sabay kami ni Zild dahil magkaklase naman kami. Kahit hindi magkaklase si Reia at Vintage ay nagkasabay pa rin sila dahil same direction lang naman yung classrooms ng STEM.

We greeted our first period teacher at umupo na kami sa aming upuan. Kaagad kong kinuha binder ko para makacatch-up sa lessons. Nanghiram ako ng ballpen kay Shainna kasi nawala na naman yung akin.

I was in the middle of taking down notes nang may nilapag na papel si Zild sa armchair ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakatuon na ngayon ang atensiyon niya sa pisara acting as if he didn't put anything on my desk.

Nakatupi yung papel kaya binuksan ko at nabasa ko ang sulat.

Sorry  :(

Nilingon ko ulit siya pero focused pa rin siya sa guro namin sa harap though obvious naman na acting lang yun. I wrote a reply saying that it's not his fault and I hate the fact that he's blaming himself. Ayoko kasing nagso-sorry yung mga taong walang kesalanan habang yung mga taong at fault ay walang pakialam at wala man lang guilt na nararamdaman.

The buzzer rang implying na magsisimula na yung second period. Pumunta na ako sa kagrupo ko. I didn't have the chance to talk to Zild dahil dumiretso na rin siya sa grupo niya. Sabi kasi ni Sir ay kahit na hindi pa siya nakakarating ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming grupo para hindi na masayang yung oras.

Ngayon pa lang ay pinag-iisip na kami ng research title. Hindi pa nga kami official na nagsisimula ay nakakastress na. Mabuti na lang at mabait naman yung isa kong kasama. Tatlo lang naman kasi kami. Maswerte nga at si Shainna yung isang kasama ko. Si Angelica naman yung isa.

Naubos namin yung oras sa paghahanap ng research topic. Nang magring yung buzzer at nakapagpaalam na kami kay sir ay diretsong lumabas si Zild sa classroom. Parang iniiwasan niya akong kausapin when I tried to approach him. Nagugutom ako pero Shainna is not in the mood to go to the canteen kasi nga daw may bad memory na siya doon. Mas bet niya pa raw na matulog sa classroom.

Wala akong choice kundi lumabas mag-isa. I took my wallet with me at nagpaalam na kay Shainna. Tinanong ko pa nga siya kung may ipapabili pa siya pero wala naman daw.

Paglabas ko ay siya ring pagpababa ni Vintage sa hagdan. I looked at me. Sungit wala naman akong ginagawa. Balak ko sanang wag siyang pansinin ngunit sinundan na niya mga yapak ko.

"Sa'n ka papunta?" tanong ko sa kanya at nakita kong yung dalawang kamay niya nakatago sa bulsa niya. He's throwing the boring but cool look.

"Sa'n ka ba pupunta?" he shot back.

"Canteen," I answered,

After seconds of silence ay tinanong ko ulit siya.

"Ba't mo ba ako sinusundan?"

Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao. Nakakaconscious kaya. Kaninang umaga pa 'to ah. Kung sino sino na yung naiissue sa'kin wala naman akong ginagawa.

"Baka biglang may manabunot na naman sa'yo," he answered coolly as if it was just nothing... kasi I felt something on my stomach when he said that.

Bumili na ako ng pagkain sa canteen kahit na may bodyguard akong sumusunod sa'kin. Umupo kami pareho sa table. He's so handsome kaya imposibleng hindi mapupunta rito yung gawi ng mga estudyante. Mygod, di na ba pwedeng magsama yung babae at lalaki ngayon?

Isinauli ko na yung mga utensils na pinagkainan ko. Pagkatapos no'n ay tumayo na si Vintage at sinalubong ako. Medyo naiilang pa ako dahil hanggang classroom ay hinatid niya ako.

"Susunduin kita mamayang dismissal," he said.

"Cleaner ako," I answered kahit pa nabigla ako sa sinabi niya.

"I'll wait. I don't care. No more excuses," sabi niya at umalis na nang walang pasabi.

Umupo ako sa chair ko kahit pansin ko ang pangungutya sa hitsura ni Shai.

"Luh, ano 'yon? Ba't may pahatid??? ayiee yie yi," sabi niya.

"Bagong hired bodyguard," pilyong sabi ko at nagkibit-balikat.

The hours past by a blur. Pagkarinig namin ng buzzer ay sabay-sabay kami ng mga kaklase kong bumuntong-hininga. Ang boring naman kasi ng last subject namin. Like legit umiikot na yung words sa paningin ko sa sobrang antok.

Kumukuha pa lang ako ng walis ay nakita ko na agad si VIntage sa may pinto. Bumulong sa'kin si Shainna na may bag nang bitbit dahil hindi naman siya cleaner.

"Taray, hatid sundo ka ghorl? Fetch me daddeh,"

Sabi niya bago nagmamadaling lumabas ng classroom bago ko siya mabatukan. 

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now