Chapter 17

58 5 0
                                    

Chapter 17

Caricia Faye's

Habang naglalakad papunta sa classroom ay nasampal ko yung sarili ko. Ako yung nagfirst move tapos pota first kiss ko yun. Gusto kong murahin yung panaginip ko kasi kasalanan niya 'to lahat. Nakakainis. Gusto kong maiyak na ewan. Kapag iiyak naman ako, anong point eh kasalanan ko yun.

Nadala lang po ako sa bugso ng damdamin. 1 second kiss lang naman po yun, smack lang. Pero masakit. Parang natanggalan ako ng virginity. Pakshet.

Winala ko yun sa akin isipan. I remembered leaving him dumbfounded there. Nagulat lang siguro. Pero baka wala lang yun sa kanya kasi ibang culture naman yung kinamulatan niya. Baka nga di na 'yun virgin eh.

Ang layo ng classroom namin. Idagdag pa na ang bilis ng tibok ng puso ko. Kaya ayon, hingal na hingal ako pagdating ko sa classroom. Nadatnan ko ro'n na naglilinis pa yung mga cleaners.

Tinignan ko yung chair ko dahil baka nilabas na nila yung mga gamit para maayos yung paglilinis nila.

"Thea, nasa'n yung mga gamit ko?" I asked.

"Nand'yan sa corridor, Faye. Nilabas na namin yung mga gamit kanina," she answered habang inaayos yung arrangement ng mga upuan.

"Okay, thank you," sabi ko at tinignan kung nasa corridor ba yung mga gamit ko.

Nakita ko naman yung bag ko doon pero hindi ko nakita kung nasa'n yung gitara ko. Kinabahan ako slight.

"Thea, yung gitara ko?" pinilit kong iwakli yung kaba sa boses ko.

"Huh? Tabi lang 'yon ng bag mo, ah?" she answered me.

Napaatras ako at nakabunggo. Paglingon ko ay nakita ko si Vintage na mukhang hinihingal pa sa paghabol sa'kin. Hindi ko na siya pinansin.

Agad kong nilapitan yung bag ko. That's when I found a note.

'this is what you get for ruining everything'

That was what was written on the piece of paper. Naiiyak na ako. Baka kung anong ginawa nila sa gitara ko. Bababa na sana ako para hanapin kung saan yung gitara ko o sana ay puntahan ang classroom nina Reia. Sila lang naman yung nakaaway ko eh. Pero nakita ko yung bag ng gitara ko sa hagdanan.

Kaagad ko itong hinawakan kahit alam ko namang wala sa loob nito ang gitara ko. My tears won't stop from falling. Naiinis ako. Ba't kelangan pang damayin yung mga gamit ko. Ang petty nila. Ang childish!! Wala bang lugar ng maturity sa buhay nila?

Pagliko ko sa hagdan ay doon ko nakita yung gitara ko. Hindi ko alam kung gitara pa ba 'to kung tawagin. Shit, halatang hinampas sa pader. Yung strings eh naputol na! Nagpakawala ako ng isang malutong na mura.

Napaupo ako sa hagdanan dahil sa kawalan ng lakas. Tinitigan ko nalang yung gitara ko. Umaasa na sana sa pagtitig ko ay maayos pa ito. May pera naman ako para ipaayos 'to. Hindi nga lang sure kung maayos pa ba 'to.

Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko alam kung kasalanan pa ba 'tong ginagawa ko. Pero oo, naiisipan ko nang pumatay. Gusto kong ilabas lahat ng frustrations ko. Sana ako nalang yung sinampal or whatsoever, tatanggapin ko yun. Ani bang ginawa ng gitara ko sa kanika pari kawawain nila ng ganito?

Bigay pa ni Nikko to!! Nakakainis. Wala na talaga. Alam ko nang di na to maayos pa.

Naramdaman kong may umupo sa gilid ko. Alam kong si Vintage 'yon pero wala akong pakealam. Kapag nakita ko talaga yung pagmumukha no'ng Reia na 'yon!!!

"Di maayos 'yan kung iiyakan mo lang," he said.

"Wala kang pake," I answered him.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now