Chapter 34

45 4 0
                                    

Chapter 34

Caricia Faye's

"What?" I mocked what I read habang papalabas ng classroom.

I couldn't concentrate kanina. Even with my blockmates reporting, all I could hear were murmurs and blabbers. Hindi naman ako makapagreply kay Vintage dahil baka mahuli ako ng Prof na nagti-text sa klase. Isa pa, wala rin akong maisip na reply.

"Sef," I heard while I was preoccupied while walking on the hallway.

Nilingon ko yung tumawag sa agad napakunot-noo nang makita kung sino ito. Panira ng araw.

"I don't like chocolates with raisins and almonds. Sorry," I said nang nilahad niya ang Dairy Milk na gano'n. I tried to continue walking but he was persistent. Sinabayan niya akong maglakad. Mabuti na lang at hindi napansin ng ibang estudyante.

"Let's go out together. Bibilhan kita ng Toblerone," pambawi niya.

JC is quite persistent. He expressed what he feels towards me. Simula pa lang ata ng sem yun but I said I wasn't ready for a relationship yet. I need to focus on my youth. Alin ba do'n ang hindi niya maintindihan?

"Sorry, I already have plans," I said at nagmamadaling umalis.

I saw Red walking towarda me. Mabuti naman. Kaagad niya akong inakbayan.

"San ka par?" tanong niya sa'kin.

"Magre-review para sa finals," bulong ko sa kanya.

Lumingon si Red sa likod.

"Ikaw sa'n ka?" he asked JC. For unknown reasons, he hates JC. Aniya playboy daw ito. Marami nang nabiktima sa mga kaibigan niya.

Hindi makasagot si JC pero nagpaalam na lang siya. Nakahinga naman ako ng maluwag do'n.

"Ihatid mo na lang ako sa bahay," I said. On the way lang naman eh. Tsaka dala niya rin sasakyan niya ngayon. Wala na siyang magawa dahil mapilit ako.

I uttered my thanks nang dumating kami sa bahay. Medyo malayo yung subdivision sa school kaya nakisabay nalang ako. Hassle talaga magcommute.

Maaga pa naman at mamaya nalang ako mag-aaral. I just freshen myself up at kumuha ng snacks sa ref. Wala pang tao maliban sa maids. Alas tres pa lang kaya sa tingin ko ay nasa school pa si Amarah. Si Ate naman ay kadalasang ginagabi. 

Habang inaayos ko yung mga gamit ko para sana ay makapagsimula nang mag-aral ay biglang nagvibrate yung cellphone ko. Nakita kong kuya Dan is calling me through messenger. Naexcite naman ako dahil matagal na nang huli kaming nagkausap!

"Dan!" bungad ko sa kanya. I wasn't expecting him or them to call me. Nalaman ko kasing magkasama pala sila ni Will ngayon.

"Namiss naming tumugtog kasama ka," intro pa lang yan pero alam ko na kung anong pakay nila.

They want me to come back. Nakwento ko sa kanila ang mga nangyari sans the lovelife though. Ang awkward ikwento no'n. I said that I stopped playing. Hindi na ako tumutugtog. Hindi na ako nagpe-perform.

"Dan..." nahihirapan akong magdecline. Bumalis sila sa pagpe-perform nitong nakaraan pero kailangan daw nila ng vocalist.

"Sef, passion mo 'to diba?" I heard Will in the background.

Yes, it was my passion. But it was long gone. Dati, kapag pawisan habang nagpe-perform, you can think of it as the warmth of the passion that drives you to move on with life. Performing was my escape... sa lahat. It was my comfort. It was the thing that kept me living.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now