Chapter 25
Caricia Faye's
"Anong ginagawa mo rito?" mariing sabi ko.
Halos mapudpod na yung ngipin ko sa sobrang higpit ng pagkakadikit. Doon ko pinapalabas yung inis ko.
"Bakasyon lang," kalmadong sabi niya. Nililipat pa niya ng channel yung tv. Akala mo naman siya yung nagbabayad.
Hindi naman namin bahay 'to sa Davao pero nakakaramdam ulit ako ng suffocation. Na para bang iniipit yung lungs ko. Na may pumupigil sa oxygen na makadaan sa trachea. Her presence alone is suffocating enough.
I was breathing real hard. Namuo na yung luha sa mga mata ko but I tried my best para hindi ito tumulo. I hate showing signs of weakness. Nilapag ko yung bag ko sa gilid.
"Ang dami namang lugar para mapagbakasyonan, bakit dito pa?" Isa pa, pa'no niya nalaman na nandito ako?
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko ulit.
"Ang ingay ingay mo! Alam mo yun?! Paano ko nalamang nandito ka? Para saan pa't may mga koneksiyon ako? Isa pa, ba't ka ba nangingialam kung dito ako magbabakasyon?" she answered.
"Ayokong nandito ka!" I shouted thay with all my might.
Ayokong nandito siya. Hindi ako kumportable. Hindi ko maexplain pero parang paulit-ulit akong sinasakal. Bumabalik lahat ng mga sinasabi niya sa'kin. Na wala akong silbi. Lahat ng mga tinakasan ko... lahat yun bumabalik.
Vivid memories kept replaying on my mind. I was abused not just physically but also emotionally. Nasasampal, minsan nga natatadyakan o kaya ay iniipit niya gamit ang isang kamay niya ang pisngi ko. Lahat 'yan nangyayari sa tuwing umuuwi siyang lasing lalong-lalo na kung talo siya sa tong-its.
Emotional abuse was the worst. Shit happens in life at ako ata yung 'shit' na yun sa buhay ng nanay ko. She repeatedly said na wala akong silbi sa buhay niya. Yun ang tumatak sa isipan ko.
Kung hindi naman siya lasing, wala lang. Hindi nananakit pero balewala lang naman ako. She never... as in never in this entire existence treated me as her daughter. O kung mayroon mang pagkakataong gano'n... ni minsan hindi ko naramdaman.
Bakit gano'n? She's my mother. Sa kanya ko dapat nasasabi lahat ng mga problema ko sa buhay. I never experienced going home from school.being excited of telling my mother if my day went well. Kasi kahit kailan, hindi naman siya nakipag-usap sa'kin ng gano'n. Magbibigay ng pera paminsan-minsan. Kinakausap lang ako kapag magtatanong kung nagpadala na ba si Daddy.
Sa halip na gano'n yung maramdaman ko, ba't parang nasasakal ata ako?
"Ang kapal nga talaga ng mukha mo ano! Matapos kitang iluwal rito sa mundo, 'yan ang isusukli mo?!" napatayo na siya sa kanyang sigaw. Naagaw ko na ang pansin niyang kanina lang ay nakatuon lang sa tv.
Narinig ni Manang ang alitan namin pero hindi niya kami napigilan. She's too old. Alam kong kaya siyang balian ng buto ng Nanay ko. Sa edad ni Mama, hindi halatang 40 plus na siya, malapit nang mag 50. She maintained her body well, probably to tempt her boytoys for money. I signalled Manang na lumayo sa'min. Mabuti naman at nagets niya.... but I saw her using her phone. Sa tingin ko tinatawagan niya si Daddy.
"Ilang beses mo pa bang isusumbat sa'kin yang pagluwal mo?! Naririndi na ako! Wala na bang iba? Wala na diba? Kasi 'yan lang naman yung ginawa mo para sa'kin! "
Tumayo siya sa sinabi ko. Pero hindi ako tumigil.
"Sana nga! Sana pinalaglag mo na lang ako gaya ng paulit-ulit mong sinasabi! Hindi lang ikaw ang nahihirapan, ako rin!" Isang malutong na sampal ang naramdaman ko. Narinig ko pa ang singhap ni Manang.
YOU ARE READING
Worse Fates | ✓
RomanceAs the universe conspires, I'd be together with you. (Completed)