Chapter 31

53 5 0
                                    

Chapter 31

Caricia Faye's

This is War by 30 Seconds to Mars was playing habang naglalakad ako patungo sa next class ko. Nagmamadali ako dahil nakakahiya naman kung unang pagkikita pa lang ay late na kaagad ako. I spent the whole summer sa bahay nina Daddy dito sa Davao. Pinakuha niya na rin yung mga natitirang gamit ko sa bahay. Inutusan niya yung driver namin at si Manang. Narinig ko pa na sabi no'ng driver ay may kasama rawng lalaki doon si Mama. Bahala siya sa buhay niya.

I heard na bumalik daw si Vintage sa US. Madalas kasi silang magkausap ni Amarah tapos kung makikita niyang papalapit ako ay agad siyang umiiwas eh halata naman. Kapag open mic rin tapos naglalaro sila, naririnig ko rin naman siyang nagsasabing ' You're so nakakainis Kuya Tristan!'. Hindi ko alam kung anong point ng pagtatago niya. I couldn't deprive her naman, magpinsan sila kaya bakit ko ipapatigil communication nila? Isa pa, it's been years! Sila na lang ata ang di pa nakakamove on. Akala siguro nila na hindi ko napapansin na pinag-uusapan lang nila si Vintage kapag wala ako.

I took the seat sa last column, last row. My usual seat. Kapag dito ka kasi nakaupo, malapit ka sa bintana ibig sabihin pwede kang mag muni muni. You can also avoid unexpected conversations. Change is the only constant thing in the world. Marami mang pagbabago na ang nangyari sa akin, hindi pa rin nagbabago na hindi ako magaling makipaghalubilo sa ibang tao. Ilang minuto pa kaming naghintay. I was just listening to music habang yung iba ay busy nakikipagchikahan ay hindi pa rin dumadating yung prof namin. I felt someone sat beside me kaya nilingon ko siya.

He looked familiar kaya medyo napatitig ako sa mukha niya just to recall where I met him. Agad kong iniwas yung paningin ko sa kanya nang mahalata niya ata at tinignan niya ako. He's gwapo but he's not my type. I don't really like mestizo, no offense meant but it's not included in my preferences in men. Pero gwapo naman kapatid ko kahit pa mestizo 'yon.

"Alam kong gwapo ako miss pero may bayad ang bawat pagtitig sa'kin," he said cockily. Yabang ah.

His voice seemed familiar too. Sino ba 'to?

I just glared at him and continued with my business. Inadjust ko yung earphones ko at pinikit na lang sa mata.

"Months passed, ang taray mo pa rin Caricia Faye," he said kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Pa'no mo nalaman pangalan ko?" I asked.

"Tinanong ko kaklase mo," he said then whistled after.

"Who are you ba?!" I hissed.

"Aray naman, kinalimutan mo kaagad yung mukha ko?" hindi makapaniwala niyang sabi. "It's me, Red at your service," he continued.

What the heck, oo nga pala! He must've noticed the recognition on my face."Months passed annoying ka pa rin," I said.

"How can you say that? That was just one encounter then I left an annoying impression? I'm hurtened," he answered.

"Nagreklamo ba akong mataray yung impression mo sa'kin?" I rolled my eyes at him at hinarap na yung mukha sa bintana to avoid further conversation. Nabusy na rin naman siya sa pakikipag-usap sa iba. Pwede na ata siyang manalo bilang Mr. Friendship. Ewan ko anong tawag do'n. Girls flocked around him at minsan pa nababangga ako kaya nakakainis. If they want to flirt, they should atleast be mindful of their actions!

Someone announced na free cut na raw. May emergency yung prof kaya even though others were not yet ready ay dumiretso na ako sa pintuan para makaalis. I stopped midway nang may tumawag sa'kin. I had the irritated look nang makita kong si Red yun. His name suits him well. All I see is red sa tuwing nakikita ko siya. Parang gusto kong maging kriminal. Nagsalubong yung kilay ko nang winagayway niya phone niya.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now