Chapter 1

1K 35 10
                                    

"Pangit! Pangit! Pangit," sigaw ng mga bata sa tabi ng eskenita ng dumaan si Leslie. Hindi na siya nanibago sa pagkakadinig ng salitang yun. Ayun ay naging parte na ng kanyang buhay, at sadyang natanggap niya na yun. Araw-araw, dahil siya ay naninirahan lang sa Tiya Lucy niya, na isang embalsamador, siya ay napaguutusan na pumuntang palengke para bumili ng mailuluto sa umaga. Eto ay naging routine na ng kanyang buhay bago pumasok sa unibersidad kung saan siya nag-aaral. Kahit papaano, naging sobrang mabait naman ang kanyang tiya simula ng siya'y kinupkop dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. Siya ay lumaki sa probinsiya at dinala ng kanyang Tiya sa Maynila.

Drecho lang ang paglakad ni Leslie na nakayuko. Wala siyang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Ang sa kanya lang ay makauwi agad siya dahil kelangan niya pang magluto ng umagahan at maghanda papasok.

"Tiya, andito na po ang pinabibili niyong gulay at isda," sigaw ni Leslie pagpasok na pagpasok niya sa loob ng bahay. Tabi mismo ng kanilang tinitirhan ay ang Funeral Shop ng kanyang tita. Nasanay na din siya sa amoy ng bagong pinturang kabaong at ang malakas na amoy ng formaline.

"Pakiluto na lang ng talong," sagot na pasigaw ni Tiya Lucy dahil eto ay naliligo pa sa banyo. Rinig ang pag-agos ng tubig mula sa gripo.

"Sige po." Nagmadaling nagluto si Leslie ng inutos ng tiya.

Pagkatapos ng niluluto niya saka naman lumabas si Tiya Lucy sa banyo. Sobrang tagal talaga maligo ang kanyang tiya, minsan ay inaabot ng isang oras. Kaya minsan ay napapatanong siya bakit ganoon na lang siya katagal sa banyo.

"Tiya, luto na po," Bati niya kay Lucy. "Mauna na po kayong kumain at ako ay maliligo na din po," dagdag pa niya.

"Sige. Sige." Sagot ni Tiya Lucy. Maaninag mo sa mga mata niya na parang may lungkot na dinaramdam. Tuwing nakikita niya ang tiya na lumabas ng banyo ay sadyang iisang reaksyon lang araw araw - yung malungkot at matamlay na mga mata.

Pagpasok ni Leslie sa banyo nakita niya na may picture sa sahig. Pinulot niya eto at nagulat sa nakita. Yuon ay picture ng kanyang Tiyo Mario, ang asawa ni Tiya Lucy na namatay isang taon na ang nakakalipas. Siguro ang dahilan ng matagal  na pagligo ng tiya ay gawa nun. Isinabit niya na lang ang basang picture sa sampayan ng mga underwear at naligo na.

Pagkatapos maligo, nagbihis at kumain na agad siya sabay paalam kay Tiya Lucy, "Tiya, alis na po ako."

"Sige, mag-ingat ka." Pasigaw na sagot ng tiya mula sa kwarto niya.

Ilang minuto lang at nakarating na siya sa unibersidad na pinapasukan. Sa kung paano siya magdamit at kung ano hitsura niya ay hindi mo aakalain na estudyante siya dun gawa nang may pagkaprivate din ang school na yun. Simpleng jeans ang suot, plain tshirt at buhaghag ang buhok, kasi may pagkakulot. Sa edad niyang 18 ay hindi niya minsan naranasan ang magdamit ng maayos at desente.

"The monster is here!" Sigaw ng maarteng babae na si Michelle, pagpasok na pagpasok niya sa classroom. Nagtawanan pa ang mga kaklase niya mapalalaki't babae. Payuko na lang siyang dumerecho sa may likuran para doon umupo kung saan nag-aantay ang kanyang kaibigan na si Sarah.

"Hayaan mo na sila. Akala mo kung sinong magaganda," sabi ni Sarah na pinapalakas pa din ang loob ng kaibigan. Simula pumasok si Leslie sa unibersidad na yun ay sila na ang naging matalik na magkaibigan. Si Sarah na laking probinsiya din ngunit maganda at morena. Siya ay lumaki sa kung anu anong mga paniniwala. Kaya minsan ay napagtutuksuan siyang "witch" dahil sa Siquijor siya nanggaling. Ang pamilya niya ay malapit sa tiyahin ni Leslie kaya din siguro naging magkaibigan sila agad.

"Sanay na ako diyan," banggit ni Leslie. Siya ang tipong babae na tinatago at kinikimkim ang sakit at ayaw ipahalata sa mga taong nakapalibot sa kanya.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon