Announcement: As we celebrate Christmas on an earliest date possible we are excited to announce that the Early Christmas Ball is moved this coming Saturday. Prepare yourselves as we embrace the season of love and giving.
Yun ang nabasa ni Leslie nang dumaan ito sa isang bulletin board. Nakita niya agad ito dahil sa makulay na sulat at may nakapalibot pa na neon green na border. Kahit peripheral view pa lang ay siguradong mapapabasa ang kahit sinong dumaan.
"Masyado naman ata yun maaga," ang sabi ni Sarah na nakasunod lang pala sa kanya sa likuran niya at parang hinahabol ang kaibigan at binilisan ang paglalakad nito.
Napalingon si Leslie nang narinig ang boses ng kaibigan. "Oo nga e. Parang hindi na siguro ako aatend."
Hinampas ni Sarah ang braso ng kaibigan, "Anong hindi aattend? Pupunta tayo no."
"E ano? Pupunta ako mag-isa?" Naisip na din ni Leslie na isama si Renz sa ball pero nagdadalawang isip pa din siya dahil baka mahalata ng ibang tao. Isa sa mga solusyon na naisip niya kunsakali ay make-upan na lang si Renz na hindi magmukhang masyadong maputla. Isa din sa mga problema niya e kung paano niya sasabihin sa kaibigan. Sasabihin niya ba na kaibigan ngunit hindi man lang minsan naipakilala kay Sarah? Sasabihin niya bang boyfriend niya na kahit siguro ibang tao ay hindi maniniwala sa kanya? O sasabihin niya ba ang totoo? Kung ano ang dati rati pa niyang iniisip. Hindi niya alam kung papaano.
"Ako din naman a, walang partner." Biglang sabi ni Sarah, "kaya magsama na lang tayo.
"E? Ano nangyari sa sinabi mong sasama sayo? Diba nga nung last month mo pa yun sinabi?" Ang pagtatakang tanong ni Leslie. Excited na excited kasi nun si Sarah nung sinabi yun sa kaibigan.
Si Mike ang siyang tinutukoy ni Sarah na isasama niya sa Ball. Napagplanuhan na yun ng dalawa at nun pa ay na pagdesisyonan niya na sabihin at ipakilala na sa kaibigan ang kanyang tinatagong boyfriend. Ngunit dahil sa nangyari, hindi na ito posible.
"Nagbackout bigla e," ang pilit na pagngiti ni Sarah sa pagsagot ng tanong ni Leslie.
"Ganun ba?"
Nagmadali na ang dalawa papasok sa kanilang unang klase.
Pagkatapos ng ilang oras lumabas na ang dalawa sa classroom. Ang hindi nila alam ay nag-aantay pala sa labas si Josh.
"O Josh, kamusta?" Ang unang pagbati ni Sarah na nakangiti nang nakita ito. Maaaninag sa mukha ni Sarah na parang iba ang ngiti na kanyang pinapakita, yung parang isang tao na matagal na niyang inaantay at matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang kaharap.
"Ayos naman ako,ikaw ba okay ka na?" ang tanong ni Josh na siya namang kinabigla ng kaibigan.
"O bakit bes? Kelan ka ba hindi naging okay? Mukhang meron akong hindi alam a," ang pagtataka ni Leslie.
"A.. e- wala. Ano kasi.. ano," hindi niya alam kung ano idudugtong. Napatingin na lang si Sarah kay Josh na parang nagmamakaawa at humihingi ng tulong na siya na magpatuloy at hindi niya talaga alam kung ano sasabihin.
"Ano bes?" ang ulit na tanong ni Leslie.
"A.. kasi ano.."
"Kasi kahapon nadapa siya nang nakita ko siyang lumalakad pauwi." Ang alibi ni Josh.
"Oo bes, nadapa kasi ako. Kung may ano ba naman na bigla akonh nadulas. Nakakahiya nga e." ang pagsakay naman ni Sarah sa sinabi ni Josh.
"Ano ba naman yan bes. Pero infairness at least andun si Josh." Nakangiti si Leslie kay Sarah na parang nanunukso. Yung tipong isang highschool na magkaibigan na tinutukso sa crush.
"Mas lalo ngang nakakahiya e at may nakakita."
"Okay lang naman yun. Buti nga andun ako at naalalayan kita."
"Oo nga. Buti na nga din yun siguro."
Ang pagkakasabi ng dalawa ng mga salitang yun ay parang iba na ang ibig nilang sabihin. Ang mga sinasabi nila ay siya ding comparison sa kung ano ang totoong nangyari kagabi. Nagkangitian na lang ang dalawa, this time ang mga ngiti at titig na nagtagumpay sila sa paghanap ng alibi.
"Siya nga pala Sarah," ang pagkuha ni Josh ng atensyon niya nang nagsimula silang maglakad papuntang cafeteria.
"O ano yun?"
"Gusto sana kita makasama sa Ball sa Saturday?"
Napahinto si Sarah at Leslie sa paglalakad. Ganun na din si Josh. Nagkatinginan lang ang magkaibigan na parang nabigla sa narinig.
"Ah... e... " nauutal na naman si Sarah na hindi alam kung papayag siya o hindi, gawa ng plano nila ni Leslie na silang dalawa ang magkasama sa ball.
"Oo Josh. Sasama siya sayo." ang sagot ni Leslie para sa kaibigan.
"E pa-paano na ang.." hindi niya natapos ang tanong niya at nagsalita na naman si Leslie.
"I'll be fine," sagot ni Leslie na alam na niya ang tanong ng kaibigan.
Ngiting ngiti si Josh sa matagumpay na pagyaya niya kay Sarah. Nakangiti naman si Sarah ngunit may kunting pag-aalala sa kaibigan.
"Basta promise mo sa akin pupunta ka ha," ang paninigurado ni Sarah.
"I will. Promise."
"Oh siya, mauuna na ko ha. May klase na kasi ako. Salamat Sarah at pumayag ka." ang ngiting aso ni Josh.
Hindi na sumagot si Leslie at ginantihan na lang din ng ngiti.
"Ingat ka Josh," makikita sa mukha ni Leslie na parang siya pa ang kinikilig para sa kaibigan. Pero hindi din naman maitatago ang pag-blush ni Sarah.
Umalis na si Josh at nagpatuloy na ang dalawa sa paglalakad papunta sa cafeteria. "Hoy tumigil ka nga sa ganyan ganyan mo," ang sabi ni Sarah na tinatapik ang kamay ni Leslie dahil sinusundot niya ang gilid ni Sarah na parang kinikiliti.
Tumawa na lang si Leslie.
Nakahanap agad ang dalawa ng mauupuan. Hindi gaano matao ang cafe.
"Gusto mo bes hanap kita ng makakasama mo sa ball?" ang tanong ni Sarah.
"Aba... wala kang tiwala sa akin?"
Nagtawanan ang dalawa.
"Hindi naman bes no, so makakahanap ka nga? O baka naman kasi meron na? Ikaw ha."
"Hoy wala no. Maghahanap ako. Maghahanap." Ang madiin na sabi ni Leslie na parang desidido na sinasabi sa kaibigan.
"Sige ha. Ayusin mo ang paghahanap."
"Ako pa ba bes? Choosy kaya ako."
Tumawa si Sarah dahil ni minsan hanggang artista lang ang pinagpapantasyahan nito at ni kahit crush ay hindi lang naman nagkaroon sa school. Kaya minsan pumapasok sa isip ni Sarah na baka choosy nga talaga ang kaibigan.
Namili at bumili na sila ng kanilang makakain. Habang kumakain ay napagdesisyonan ni Leslie na si Renz na nga ang kanyang isasama. Gagawin niya na lang ang naisip kani-kanina lang, ang make-upan si Renz na magmumukhang normal sa mata ng iba. Sasabihin niya na lang na long lost friend niya iyon at nagkita lang ulit sa Manila.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...