Chapter 8

275 21 1
                                    

Nagising si Leslie ng alas syete na ng umaga na katabi si Renz. Ang matindi ay nasa loob pa din sila ng shop na magkasama. Pumaligkas siya nangg nagulat siya na tinignan ang oras. Alas syete y media ang kanyang pasok at nagmadali na siyang pumunta sa kabila. Nagulat din si Renz ng pumisik ito mula sa mahimbing na tulog sa braso niya. Napahiga sila nung gabi sa sahig. Nakadantay ang kanyang ulo sa malaman na braso ni Renz habang nakapalibot naman ang isang braso niya sa tiyan. Buong magdamag ay ganun lang ang posisyon nila at hindi lang naman nagpalit.

Agad-agad na naligo si Leslie. Nakailang buhos lang siya at lumabas agad. Paglabas na paglabas niya ay nakita niyang nakatayo sa harap ng pinto si Renz. Binoblock niya ang dadaanan ni Leslie at nakaspread pa ang mga braso nito na parang yayakap. Nakatitig lang sa kanya na parang isang hischool student na sobrang bighani sa kaklaseng sikat at maganda. Nahiya naman ng bahagya si Leslie gawa ng nakatapis lang ito ng tuwalya. 

"Huwag ka nga diyan at ako'y nagmamadali," ninanais niya na ang pagkakasabi ay tunog galit at asar, pero ang kinalabasan ay parang galing sa isang babaeng maarte kung magasalita, malumanay, boses babae talaga na nagpapakyut.

"Muah muah," akmang lalapit pa si Renz sa kanya at nakanguso na gustong gustong halikan si Leslie. Naalala na naman ni Leslie ang kwintas. Naalala din niya na naghalikan sila ni Renz nung gabi at hindi niya pa nakikita mismo na nabawasan na ang laman ng isa pang guhit. Kahit hindi niya tignan ay alam na niya sa sarili niya na nabawasan na talaga yun.

"Oi, malalate na ako," ang nasabi na lang ni Leslie. Binilisan niya ang paghakbang na parang tatakbo na sa pagmamadali at tinulak si Renz para makadaan.

Nagmadali ng bumihis si Leslie sa kwarto niya. Sinigurado niya talagang naka-lock ito. As usual blouse at jeans lang ang suot nito papuntang school. Hindi pa siya nakasuklay ng buhok at mamasa masa pa nito na nagmumukhang straight. Paglabas niya ng kwarto ganun na naman si Renz. Nakapwesto na naman na ayaw padaanin si Leslie at sabay nang nakanguso. Gusto talaga ni Renz na mahalikan siya.

"Ano ka ba? Bawal!" Ang matinding sagot ni Leslie at tinulak ulit ito. Tumigil si Leslie sa may pintuan ng bahay at ibinaling ang tingin  sa likod para makita si Renz. "Kailangan mo ng bumalik sa shop. Hindi ka pwede dito. Baka kasi may biglang dumating," ang pagbabawal ni Leslie sa kanya.

"Opo," ang sagot ni Renz na may tunog ng kalungkutan. Yumuko na lang ito na hawak hawak ang mga kamay at naglakad na patungo sa pinto. Mukha talagang disappointed si Renz. Naunang lumabas si Leslie at sumunod si Renz.

Bago umalis ng tuluyan si Leslie isinara na niya ang pinto ng bahay at inantay na pumasok si Renz sa shop. "Bawal lumabas," ang utos niya kay Renz.

Hindi na sumagot si Renz at dumerecho na sa loob ng shop. Naramdaman naman ni Leslie ang pagkadismaya ng lalaking kagabi lang ay yakap yakap niya. Pero wala siyang choice kundi ang hindi sabihin nito kay Renz na bawat halik ay lumalapit sa kanya g pagkawala kasi baka lalong madismaya ito pagtotoo talaga na mahal na siya ni Renz.

Alas otso na ng nakarating si Leslie sa classroom. Nasa loob na din ang prof nila at nagdidiscuss na.

"I'm sorry I'm late," sabi ni Leslie sabay pasok sa classroom. Dumerecho na siya sa likod hanggang makatabi si Sarah
Bago pa siya makaupo tinanong agad siya nito,"Bakit ka ba late?" pabulong na tanong ni Sarah.

"Mamaya," pabulong din na sagot ni Leslie nang makaupo na. Nakinig lang sila sa kung ano ang dinidiscuss ng prof. Ito pa naman ang pinakahindi nila gustong dalawang subject, ang literature. Kung anu ano na mga matatalinghaga at malalalim na mga linya sa mga popular na stories sa ibang bansa at kung anu ano din na mga classic and epic stories ang pinapabasa.

"Class, I need you to read these lines," tinaas ng prof ang dala-dala niyang mga papel, "get one and pass," sabi niya ng ibinigay niya ito sa taong nasa unahan niya.

"These lines are coming from one of the most classic stories, Romeo and Juliet. I need everyone's idea and thoughts on how they understand the lines," ang sabi ng prof.

"Eto na naman, turuan mo ko ha," pabulong na sabi ni Sarah sa kaibigan.

"Ano ba alam ko dito, kwentong pag-ibig to at for sure hindi ako makakarelate sa mga linya," pabulong na sagot at nagtawanan pa ang dalawa.

Binasa ni Leslie ang unang linya:
"But, soft! what light through yonder window breaks? It is the east, and Juliet is the sun!"

Hindi niya masyadong maintindihan. Binasa niya ito ulit. Doon niya napagtanto na kung paano ikinumpara ni Romeo ang pagmamahal niya kay Juliet at kahit na hindi nakikita ni Juliet si Romeo sa bintana sa mga panahong yun.

Habang nagsusulat siya, bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Nakangiti lang siya habang sinusulat ang mga katagang: Romeo always associate Juliet with light, on how he feels about her, how warm, bright and sunny it is to love such person and for that moment she misses him not showing outside her window.

Parang hindi maipaliwanag ni Leslie sa mga panahong yun kung ano ang kanyang nararadaman. Pakiramdam niya alam na alam niya ang story ng Romeo and Juliet o di kaya pakiramdam niya alam na alam niya na ang salitang pag-ibig. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa naiisip. Nabalikan niya ang gabing puno ng saya at pagmamahal. Doon niya naramdaman ang mga yakap at yapos ng isang taong ayaw siyang bitawan hanggang sa sumikat ang araw. Ang pagkakaiba lang kaso ay lamig ang nararamdaman niya habang yakap-yakap siya ni Renz.

Marami pang linya mula sa Romeo and Juloet ang nakasulat sa papel at lahat yun ay kanyang nasagutan at napaliwanag. Yung tipong basta na lang gumalaw ang kanyang ballpen at parang ito ay konektado sa isip at puso niya.

"Guys, pass your papers finish or not finish,"ang sigaw ng prof. Nagmadali naman siyang ipasa ang kanyang sinulat at mukhang komportable siya sa mga nilagay dun.

"See you class tomorrow," ang paalam ng prof pagkatapos makuha lahat ng mga papel.

Nagsilabasan na ang ibang studyante at break na nila. Pero si Sarah at Leslie ay nagpaiwan sa loob. "Bes, tapatin mo nga ko, ano nangyayari sayo at iba talaga ang glow ng mukha mo?" ang pagtatatakang tanong ng kaibigan.

"Ano ka ba bes, may bago ba?" ang sagot ni Leslie na nakangiti.

"Ayan, ayan mismo... yan nga.." ang matinding reaksyon ni Sarah na parang naeexcite sa kaibigan. Tinuturo niya ang mga ngiti nito ni Leslie sa labi, "yang mga ngiti na yan mismo... at ayan pa," turo-turo naman nito ang mga mata ni Leslie, "kumikinang sa saya e. Meron ka talagang di sinasabi sa akin."

"Wala nga bes. Ano ka ba? Pinipilit ko lang talaga maging masaya," ang paliwanag ng kaibigan.

"Naku. Malalaman ko din yan at kung malaman ko lang na may lalaki ka na at di mo sinasabi sa akin, kukulamin kita," birong pagbabanta ni Sarah at nagtawanan ang dalawa.

Nang palabas na sila ng classroom, nahalata ni Leslie ang bagong bracelet ni Sarah. "Bes kanino galing bracelet mo?" tanong ni Leslie. Isa siyang magandang bracelet na gawa sa silver at meron itong isang pendat na nakasabit na hugis luha at ito ay kulay asul.

"Ah eto ba?," sabay taas ng kanyang braso, "bigay lang to sa akin ni Inay."

"Hindi kaya katulad din yun ng kwintas ko? Mukhang may laman e. Hindi kaya humihingi din ng magpapaligaya sa kanya si Sarah? Ano naman kaya yun? Gusto din ba niya ng may magmamahal sa kanya?" mga tanong na pumasok sa isip niya.

"O ano bes tara na," palambing na hinampas ni Sarah si Leslie kasi parang natigilan ito ng ilang segundo.

Umalis na ang dalawa at pumasok na sa mga sumunod na klase.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon