Hinihiling ni Leslie na sana hindi para sa kaniya ang bulaklak. Ayaw niya na malaman ni Sarah na inlove siya sa isang lalaki. "Papaano ko sasabihin sa matalik kong kaibigan na ako ay inlove sa isang patay? Sasabihin ko lang ba na dahil sa kapangyarihan ng kanyang nanay? Ganun ba yun kadali? Ngayon lang ako naging masaya ng ganito, papayag kaya si Sarah o magiging hadlang siya sa kasiyahan ko dahil hindi ito tama?" Yun ang mga tanong ni Leslie sa sarili kaya hindi niya masabi sabi sa kaibigan ang tunay na kanyang nararamdaman at kung sino ang nasa likod ng lahat ng yun.
"Hindi ba kaya galing na naman to kay Josh? Bakit kaya ganyan siya? Medyo nakakahalata na ako na may something talaga sa kanya, something na parang sa ligaw dederecho o baka assuming lang ba talaga ako?" ang mga tanong ni Sarah sa sarili niya.
"Sino po sa inyo si Michelle Krista?' ang tanong ng batang kalye sa kanila. Nagkatinginan ang dalawa at nagtawanan. Nag-appear pa ang dalawa at nag-assume sila na para sa isa sa kanila ang bulaklak. Napahinga din ng malalim ang dalawa at nagpasalamat na hindi para sa kanila yun. Lumingon ang dalawa para tignan kung nakasunod sa kanila ang bitserang kaklase na si Michelle. Nakita nila si Michelle na palabas pa lang ng unibersidad at papalapit na sa gate.
Tinuro ni Sarah si Michelle para sa bata. "Ayun siya o, ang pangit na nagiging maganda gawa ng make-up" ang paglarawan nito kay Michelle.
Tawanan na naman ang dalawa nang umalis na ang bata at nag-antay para kay Michelle. Nag-antay naman ang dalawa ng taxi para makauwi na agad.
Nagpara sila ng dalawang taxi at naghiwalay na ang dalawa. Ilang minuto lang ay nakauwi na ang dalawa sa kani-kanilang bahay.
Nag-aantay si Renz kay Leslie sa bahay. Mabuti na lang at hindi pa nakakauwi ang tiya Lucy niya at baka matagalan pa daw sa probinsya. Tuloy pa naman ang pagpapasok ng pera ng tiya niya sa kanyang ATM card.
"O bakit ka andito?" ang tanong ni Leslie nang pumasok ng bahay. "Diba sabi ko sayo pag-alis ko ay bumalik ka na agad sa shop at punta ka na lang dito kung nakarating na ako," ang paalala ni Leslie.
Nakangiti lang si Renz sa kanya at hindi sumagot. Lumapit si Renz kay Leslie at akmang hahalikan nito pero lumayo si Leslie sa kanya. Dumerecho agad si Leslie sa kwarto para magsuot ng pambahay.
"Si babe talaga, iniiwasan halik ko. Nakakapagtampo," ang lungkot lungkotan na pasigaw na sabi ni Renz.
"Aba, e nakakailan ka na sakin ah, at hindi pa tayo no," ang pasigaw naman na sagot ni Leslie na lumabas na ng kwarto. Naka-pusod ang buhok nito at naka-oversized shirt siya at maliit na shorts na parang ginagamit din pang-exercise ng mga babae.
"Witiwew," ang tukso ni Renz sabay tingin sa mga hita ni Leslie, "sexy ah. Nakakabighani," ang panuksong dagdag niya.
"Ulol! Tigilan mo nga ko. Maligo ka na kaya nang mahugasan naman yang katawan mo at ako'y maghahanda na ng makakain." ang utos ni Leslie.
"Opo."
Dumerecho na si Renz sa banyo para maghugas ng katawan habang si Leslie naman ay dumerecho sa kusina para magluto ng makakaing tanghalian.
Nagluto lang siya ng bacon mula sa ref at ininit niya lang ang kanin na niluto niya kaninang madaling araw. Mas maaga siyang nagising kanina gawa ng lamig na lamig siya sa katawan ni Renz at hindi na niya nagawang bumalik pa sa pagtulog. Kahit gustong gusto niya na nahahawakan si Renz ay hindi niya naman matiis minsan ang lamig na sinasabayan pa ng hangin mula sa electric fan. Minsan ay napag-iisipan niyang patayin na lang ang electric fan at huwag nang paandarin.
Nilagay na niya ang nilutong pagkain sa mesa at siya naman ang paglabas ni Renz mula sa banyo. Suot-suot lang nito ang shorts ni Tiyo Mario at walang suot na damit. Kitang kita na nalinis niya ang katawan ng maayos. Lutang na lutang pa din ang kanyang pagkaputla. Walang kupas pa din ang kanyang magandang katawan at halata pa din ang mga sugat sa kanyang katawan. Kahit na patay na ito ay hindi nangangamoy ang kanyang katawan, hindi pinagpapawisan at higit sa lahat hindi siya tulad ng mga ibang patay na naagnas.
Napatingin na naman si Leslie sa katawan ni Renz. Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot pa din sa mga nakikitang sugat, o ifocus na lang ang atensyon sa kung gaano kaganda ang kanyang pangangatawan. Natulala ng bahagya si Leslie dahil sa kagwapuhan at kakisigan ni Renz.
"Ayan ka na naman Babe, palagi kang natutulala diyan pagnakita katawan ko, sige ka baka matunaw na yan." ang pabiro namang sabi ni Renz.
Si Leslie ay kunwari pang di nakatitig at nagdahilan pa, "hindi no. Nagaayos kaya ako dito ng mesa," nagkunwari din na nagaakma ng kakain nang napansin niya na baliktad ang paghawak niya ng kutsara. Napahiyang tumingin siya kay Renz at balik sa plato sabay ayos ng kutsara. Nakangiti lang si Renz at lumapit sa kanya. Tumayo ito sa likod ng kanyang kinauupuan. Inilapit nito ang mukha sa batok ni Leslie na exposed naman gawa ng pagkakapusod ng kanyang buhok.
"Oops," lumingon siya sa likod ng naramdaman niya na akmang hahalikan na siya ni Renz sa leeg, "bawal ang kiss." Nakapagdecide na nga si Leslie na ipagpapatuloy pa niya ang kasiyahan na kanyang nararamdaman, na iwasan din ang mga halik na magmumula kay Renz at nang hindi mabawasan ang laman ng kanyang kwintas.
"Naku naman, si babe talaga palaging ayaw na," ang sagot ni Renz.
"O maupo ka na dun," ang turo ni Leslie sa harap niya sa kabilang side ng mesa.
"Opo." Yumuko na lang si Renz na parang dismayado. Nahalata naman yun ni Leslie ngunit hinayaan niya lang.
Tinitignan lang siya ni Renz habang kumakain. Bawat subo niya ay siya namang ngiti sa kanya ng lalaking kaharap. Namula ang pisngi ni Leslie at nahiya ito. "O masanay ka na," ang panguna ni Renz, "ganito lang ako at di ko kailangan kumain."
Pagkatapos kumain ay dumerecho na ang dalawa sa sala. Umupo na sila sa sofa ng pumasok sa isip niya na wala pa din damit si Renz. "Ano ganyan ka na lang?" Ang tanong ni Leslie na may landing titig.
"Gusto mo ba?" ang palambing na tanong ni Renz na nakatitig din sa mga mata ni Leslie. Nanunukso ang mga titig nito na kumikinang sa saya.
'Bakit ba kasi ganyan ka kung tumitig. Nakakaloka!' Ang mga katagang naiisip ni Leslie. Hindi niya alam kung paano magreact. Kung dapat ba niyang isagot na Hindi dahil kailangan o Oo dahil gusto niya ang nakikita.
"Ewan ko sayo, bahala ka," kahit ganoon pa man ang kanyang sinabi ay parang sinabi niya na din na gusto nga niya ang nakikita at yun naman ay hindi niya maipagkakaila.
Inakbayan siya ni Renz ng nakaupo na sila ng maayos sa sofa at nakapili na ng channel na mapapanuod. Biglang tumunog ang cellphone nito. Nagmadali siyang inalis ang braso ni Renz sa pagkakaakbay at pumasok ng kwarto para kunin ang cellphone. Akala niya si Tiya Lucy ang tumatawag, si Sarah pala.
"O bes napatawag ka?" Ang bungad niya kay Sarah.
"E andito ako sa harap ng bahay niyo, wala ako magawa sa bahay." Nagulat si Leslie sa narinig. Napahinto siya na parang sabay tumigil ang mundo. Nanlamig at namutla siya bigla na parang nakakita ng multo. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin. Ang tanging alam niya lang ay si Renz nakaupo sa sala, ang lalaking patay na patay sa kanya at patay na patay na din sa totoong buhay.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...