Chapter 15

144 17 2
                                    

"Mahal mo ba ako?" ang malambing na sabi ni Renz kay Leslie. Nakahiga ang dalawa sa kama ni Leslie. Si Renz na nakatihaya habang nakadantay ang ulo sa kanya ni Leslie sa kanyang braso na nakatagilid paharap sa kanya.

Tinititigan lang ni Leslie ang kanyang mga mata. Maaninag dun ang liwanag at sigla sa mga mata niya. "Hindi ko alam," ang tanging nasambit ni Leslie ngunit nung narinig niya ang tanong ni Renz ay siya namang bilis nang pagtibok ng kanyang puso.

"Paanong di mo alam?" ang pagtataka na tanong ni Renz.

"Hindi ko alam, kasi...." napatigil si Leslie. Hindi niya alam kung dapat ba siya mahulog sa panandaliang ligaya na sa bandang huli ay alam niya sa sarili na mawawala. Hindi niya alam dahil kahit alam niya kung paano panitilihing ganun si Renz ay hindi niya maipapangako sa sarili na hindi niya mahahalikan ang gwapong lalaki na ubod ng kasweetan sa kanya. Ang mga katagang yun na kanyang iniisip ay hindi niya masabi kay Renz.

"Kasi ano?" Ang pag-aantay ni Renz sa karugtong.

"Kasi..." napapaisip ulit si Leslie. Umayos siya nang pagkakahiga at tumihaya na ngayon at nakatingin lang sa kisame. Hindi niya maisip ng mabuti kung dapat ba niyang sabihin na ang totoo. "Basta." Ang tanging pagpatuloy niya.

"Basta tandaan mo, ikaw lang ang mahal ko," hinawakan ni Renz ang baba ni Leslie para lumingon at ibaling nito ang atensyon niya sa kanya. "At ikaw lang ang mamhalin ko habang buhay." dagdag pa niya.

Napangiti si Leslie. Tumagilid ulit siya at niyakap niya si Renz. "Salamat. Ikaw lang ang kauna-unahang tao ang nagsabi sa akin ng ganyan." Maluha-luha si Leslie sa reaksyon niya, may halong saya at lungkot. Pero nabubukod tangi ang sobrang pagkatuwa niya na nararamdaman na may nagmamahal at nag-aalaga sa kanya ng walang kapantay na parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo.

"Gusto mo ba sa rooftop tayo?" Sabay bumangon si Renz at umupo sa kama at ganun din naman si Leslie na nakayakap pa din kay Renz.

"Bakit? Para ano?" Ang pagtatakang tanong ni Leslie.

"Para makita ang mga bituin. Para makita mo kung gaano kalayo ang lalakbayin ng ating pagmamahalan," nakangiting sabi ni Renz.

Kinilig naman si Leslie sa narinig. "Aba, may paganyan ganyan ka pa, panay ang banat mo ha. Kanina ka pa," pilitin man ni Leslie na huwag ngumiti ay masyado naman halata sa kanyang mga mata.

"Hindi yun banat," ang sabi ni Renz. Tumigil ito at inilapit niya ang mukha kay Leslie. Si Leslie napapikit nangg hinawakan ang baba niya ni Renz at dahil alam na niya ang kadunod na mngyayati.

Sa mga oras na yun, nakalimutan na ni Leslie na hindi sila pwedeng maghalikan kung gusto pa niya na tatagal ang pananatili ni Renz. Napanguso si Leslie na siya namang tinignan ni Renz.

"Ooopss." Ang basag ni Renz sa kanilang maemosyonal na paghaharap at inilayo ang mukha kay Leslie, "mukhang gustong gusto mo a?"

"Ah.. anong gusto," sabay yuko si Leslie at napakamot ng ulo. Tumayo at umalis siya ng kama, "halika na nga. Tara na sa roofdeck."

Natawa naman si Renz sa kanyang nakita. Umalis na din siya ng kama at sinundan na si Leslie papunta sa roofdeck na may dala dalang kumot.

Pagdating sa taas ay inilatag ni Renz ang kumot na kanyang dala-dala. Umupo na siya at si Leslie naman ay nakatayo sa may dulo ng rooftop at nakatanaw ng malayo.

"Halika na babe," ang yaya ni Renz kay Leslie habang pinapagpag ang uupuan ni Leslie sa tabi niya.

Lumapit na si Leslie na nakangiti at umupo sa tabi ni Renz. Inakbay ni Renz ang kanyang braso sa balikat ni Leslie at si Leslie naman ay hiniga ang ulo sa may balikat ni Renz.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon