Chapter 14

200 19 0
  • Dedicated kay Ma Maie Alexis Eguaras
                                    

Pinara ni Sarah ang taxi sa harap ng bahay nila. Tumigil ang taxi at nag-abot siya ng bayad. Pagbukas ng pinto ng taxi ay siya namang dumaan si Josh.

"Hi Sarah," ang bati nito. Tipong nagtatakbo si Josh at parang nadaanan lang ang bahay at kunwari'y pawis na pawis.

"O Josh," nagulat si Sarah nang narinig niya ang boses ni Josh at nang lumingin siya. Humarurot na ang taxi sa harap niya, "gabing gabi na a, ano ginagawa mo?"

"Di pa ba obvious?" Ang kunwaring nagjojog lang siya dun sa kabilang kalye. Sinadya talaga ni Josh na mag-antay kay Sarah. Alam niya na wala ito sa bahay kanina at nagdesisyon siya na antayin hanggang makarating pauwi. At para hindi halata ay nagdamit ito na parang magjojoging sa isang subdivision. Nakasuot lang ng fit na blue jersey shirt at naka.gym shorts na itim, sinabayan pa ng running shoes niya na kahit sino makakakita sa kanya ay sasabihin talagang nagjojoging siya.

"Seryoso ka? Sa oras na to?" Tinignan ni Sarah ang relo sa kanyang kamay, "alas syete na talaga." medyo tumaas ang kanyang boses at hindi siya makapaniwala sa ginagawa ni Josh.

"Oo. Ang tagal kasi ng alas dose, para maisara ko na ang gate ng parke. E wala naman akong magawa, kaya napagdesiyonan ko na magjogging na lang muna. Nakailang kanto na din ako ha." Yung totoo nun ay dun lang siya nagtatakbo pabalik balik sa harap ng bahay nina Sarah kaya pawis na pawis din siya.

"Gusto mo samahan mo ko? Para may kausap naman ako," ang yaya niya. Sa buong buhay ni Josh ay first time niya lang magyaya ng babae, ni hindi pa siya nakapagyaya ng babae sa isang date. Nakapagyaya nga siya pero para naman samahan siya magjogging at si Sarah pa lang. Sa tindig at mukha ni Josh, isa siyang torpe. Para bang galing probinsiya at sa bundok tumira na parang hindi nabigyan ng biyaya ng ligaw.

"Ah - eh... ayaw ko naman magjogging," ang sagot ni Sarah na parang nahiya sa pagkakaalok sa kanya ni Josh.

"Oh siya sige... di tayo tatakbo. Maglakad-lakad na lang tayo, gusto mo?" ang todo yaya niya kay Sarah na gusto talagang isama. Simula kasi ng pagpayag ni Sarah na ihatid siya sa bahay nito ay doon na nabuild up ang confidence niya para ituloy-tuloy ang ginagawa sa babae. Nagkaroon na din siya ng lakas loob para kausapin ito.

"Sige na nga," hindi na pumasok si Sarah. Tumigil na din sa kaka-jog si Josh. Lumapit si Sarah kay Josh at sabay na silang naglakad papuntang parke.

"Kamusta ka naman?" ang pangangamusta ni Josh.

"Eto, okay naman. Masaya." ang pagkakasabi ng masaya ni Sarah ay labas sa ilong, hindi ito lumabas na masaya kundi ay isang tunog na malungkot na parang may problema at pilit na binanggit ang salitang masaya.

"Alam mo ba na parang nakakapagbasa ako ng emosyon ng tao," ang sabi ni Josh habang tinititigan niya si Sarah nang naglalakad sila, "kaya alam ko ang masaya sa hindi, at ngayon, hmmmm..." kunwaring nag-isip pa nang sasabihin, "at ngayon sigurado ako na hindi."

"Paano mo naman yun nasabi?" Ibinaling ni Sarah ang tingin niya kay Josh at si Josh naman ay biglang tumingin sa daan. Nagkukunwaring di natingin kay Sarah at kunwaring di niya tinititigan.

"Kung paano mo sinabi ang salitang masaya," nagkatinginan ang dalawa at napatigil sila sa paglalakad, "ang masaya ay masaya," ngumiti si Josh na gusto niyang maipakita kay Sarah kung paano natunog ang boses masaya at ang mukhang masiyahin, "at ang malungkot ay malungkot" sabay lungkot lungkotan si Josh na parang nanlulumo sa sakit.

"Gets mo na?" ang nakangiting tanong ni Josh habang nakatitig ito kay Sarah. Kumikinang kinang pa ang kanyang nangungusap na mga mata.

"Ahmm... Oo na nga," ang pag-amin ni Sarah, "ikaw pa lang ata ang nakanotice e."

"Matagal na," ang bulong na pagkakasabi ni Josh.

"Ano sabi mo?" Hindi narinig ni Sarah ang sinabi ni Josh dahil nang sinabi nito ay nakalingon ang ulo sa kabilang gilid at masyadong mahina. Tyming naman na may dumaan na nagpapahurot ng motor.

"Ang sabi ko, sadyang malungkot ka lang talaga ngayon," ang palusot ni Josh, "at kitang kita ko."

Natahimik na bigla ang dalawa ng hindi na nagsalita si Sarah. Mas lalong lumabas ang pagkalungkot niya. Nahalata ito ni Josh ngunit hinayaan niya na muna at hindi nagsalita.

Pagkadating nila sa parke ay agad silang umupo sa bench. Mayroon tao dun pero mga dalawa o apat lang. Wala masyadong nagala ng Martes ng gabi at halos ay galing school o trabaho at siguradong derecho bahay para magpahinga.

"O okay ka lang," tanong agad ni Josh nang nakaupo na sila ng maayos.

"Ahm..." hindi makapagsalita si Sarah. Namumula ang kanyang mga mata. Yumuko siya at ayaw niya itong makita ni Josh.

"Oi, okay ka lang?" Hinawakan ni Josh ang baba ni Sarah at pinipilit na paharapin sa kanya para makita niya ang mga magaganda at sensitibong mata ni Sarah.

Bigla na lang lumuha si Sarah. Kinuha agad ni Josh ang towel na dala-dala niya na hindi naman pa masyado napawisan. "Oh..." ang alok niya ng kanyang bimpo.

"Naalala ko lang kasi boyfriend ko," bigla siyang humagulgol sa pag-iyak. Ayaw man ni Josh pag-usapan ang boyfriend niya ay hindi niya na pipigilan si Sarah para mailabas ang lungkot nito.

Idinampi ni Josh ang kanyang kamay sa likod ni Sarah habang hinihimas himas ito para patahanin. "Okay lang yan... ilabas mo lang,"

"Akala ko siya na talaga, akala ko siya na ang panghabang buhay ko na mamahalin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit hindi yun alam ng pamilya ko ay gumagawa naman ako ng paraan para mabigyan siya ng oras, halos lahat ng free time ko ay sinispend ko kasama siya." Bawat salita niya ay napipiyok siya dahil sa pag-agos ng kanyang luha.

"Pagkatapos ano lang ang nangyari? Bigla na lang siya nawala. Bigla na lang siya hindi nagpakita. Ano ba ang nagawa kong mali at ni isang sulat o message ay wala man lang siyang iniwan. Gagawin niya ba akong tanga at gusto niya na mag-antay ako sa kanya? Hanggang kailan? Hindi ko alam," hagulgol na naman siya sa pag-iyak. Sa mga oras na yun  ay ang pinakaunang beses na umiyak si Sarah dahil sa lalaki. Hindi alam ni Josh ang kanyang sasabihin ngunit napaluha na lang ito. Medyo may pagkalambot din ang damdamin ni Josh at mahina siya pagnakikita niyang umiiyak ang mga minamahal niya sa buhay.

Nakita ni Sarah ang pagtaas ng kamay ni Josh na akmang pupunasan ang luha sa mukha. Tinignan siya ni Sarah at nagkatinginan ang dalawa.

Bigla na lang niyakap ni Sarah si Josh at nagpasalamat, "ayaw ko talaga umiyak,pero hindi ko napigilan. Salamat sayo at nailabas ko din sa wakas ang sama ng loob ko. Kahit kaibigan ko ay hindi alam ang pinagdadaanan ko, ang alam nila ay isa akong matatag at masayahing babae."

"Okay lang yan, paminsan minsan ay kailangan mo lang talaga ilabas ang lahat. Hindi mo dapat iniisip ang sasabihin ng tao sayo, sa umiyak ka man o hindi, hindi naman sila ang nakakaramdam kundi ikaw lang." ang payo ni Josh.

Inalis na ni Sarah ang pagkakayakap niya kay Josh. Tapos pinunasan niya ang kanyang mukha at tumigil na din siya sa pag-iyak. Pinipilit niyang ngumit at sabay sabi, "salamat ulit."

"Walang anuman," ang sagot ni Josh.

Umupo pa ang dalawa at nag-usap ng kahit anu-ano. Nagsimula na silang magkwentuhan ng mga tungkol sa pamilya nila,sa kung saan sila nanggaling at kung ano ang mga gusto nilang gawin. Inabot sila ng alas dose sa paguusap hanggang sa oras na para isara ni Josh ang parke.

"O tara na," ang sabi ni Josh, "hatid na din kita sa inyo.

"Sige," ang tanging sagot ni Sarah na hindi man lang nagdalawang isip sa isasagot.

Isinara na ni Josh ang gate ng parke at inihatid na si Sarah sa bahay nila. Pagdating kina Sarah ay nagpaalam na din si Josh para umuwi.

Akmang tatalikod na si Josh nang hinawakan ni Sarah ang kanyang balikat at binigyan ito ng halik sa pisngi, "salamat".

Namula ang pisngi ni Josh at parang kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. Para siyang isang patay na biglang nabuhay sa kilig. Naramdaman niya ang malambot na labi ni Sarah na kahit saglit lang ay ninamnam niya ang segundong nakadikit iyon sa kanyang pisngi.

"Salamat din," ang tanging nasabi ni Josh. Umalis na si Josh at saka naman pumasok si Sarah sa loob ng bahay.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon