Nakaupo pa din sa sofa ang magtiya. Dahil sa mga katanungan ni Leslie sa sarili ay hindi niya napigilang tanungin ang tiya tungkol sa mga narinig kanina.
"Tiya, ano po pala nangyari kay Tiyo Mario?" Ang tanong ni Leslie.
"Anong kay Mario?" ang gulat niyang pagbalik ng tanong. Lutang ang pagkaiba ng kanyang expresyon na parang alam na niya bakit tinatanong yun ni Leslie.
"Yung sinabi po ni Tita Teresa kanina." ang paliwanag niya.
Nakayuko lang si Tiya Lucy nang nagpapaliwanag kay Leslie sa totoong nangyari. "Matagal ko nang kilala ang nanay ni Sarah. Naging matalik kaming magkaibigan nung kami ay mga dalaga pa lang."
Maigi na nakikinig si Leslie sa bawat salita na binabanggit ng kanyang tiya.
"Hindi pa kabisado ni Teresa ang mga kung anu anong ginagawa ng pamilya nila." Napatigil siya at tumingin kay Leslie, "alam mo na man siguro ibig kung sabihin kung ano ang gawain ng pamilya niya diba?"
"Opo," ang sagot naman ni Leslie.
"Dahil din sa gusto naming magkaboyfriend, kung anu ano din ang kanyang ginawa. May mga oras na palpak talaga. Yung tipong sa halip na lumapit sa amin ay tuluyang lumalayo." Napangiti si Tiya Lucy na parang isa yun sa mga nakakatuwang alaala ng buhay niya.
"Ilang lalaki ang aming pinaglaruan, alam mo yung manyika na ginagawa ng mga mangkukulam?" Ang tanong ng tiya kay Leslie.
"Voodoo doll po?"
"Oo. Yun nga. Gumawa din siya nun at kung kani-kaninong buhok ng lalaki ang ginagamit at kung anu ano ang ginagawa niya sa mga yun." Napangiti na naman siya ulit.
"One time, ung prof namin ang ginawan niya ng ganun. Tapos habang nasa klase ay tinutusok tusok niya ang pwet ng manyika ng karayom at siya namang pagpisik ng prof namin sa harap ng klase na parang sinundot nga sa pwet."
Napangiti din naman si Leslie sa narinig. Mukhang nakakatuwa ang pagsasama ni Teresa at Lucy nung mga dalaga pa sila.
"Isang araw, nakita namin ang tiyo mo at ang girlfriend niya na sweet sweetan sa school habang naglalakad. Magkaakbay, minsan naman ay tumitigil sa gitna ng quadrangle para magkiss, minsan naman nakaholding hands. Mukhang hindi namin nagustuhan ang pair up ng dalawa kaya kung anu ano ang napag-isipan namin ni Teresa."
Maiging nakikinig si Leslie at eto na ang inaantay niyang kwento tungkol sa tiyo.
"Plano namin pabuwagin yung mag-jowa. Si Tere naman ay kung anu ano na mga libro at notebook na ng pamilya nila ang hinalungkat. Hanggang sa may nakita siyang paraan kung paano mapaghiwalay ang dalawa."
Handang handa si Leslie sa kung ano ang kasunod na marinig. Tinignan ni Tiya Lucy ang pamangkin at napatigil. "Ano ipagpapatuloy ko pa ba?"
"Opo opo." Ang desididong sagot ni Leslie.
"Oh siya kuha mo muna ako tubig masyado ka atang nag-eenjoy sa pakikinig at ako ay namamalat na ang lalamunan." ang pabirong sabi ng tiya.
"Tiya naman e. Sige po wait lang." Tumayo si Leslie at dumerecho sa kusina. Nagmadaling kumuha ng tubig sa loob ng ref at bumalik agad sa sala kung saan nakaupo si Tiya Lucy.
"Eto na po." Iniabot ni Leslie ang baso na may lamang tubig sa tiya. Kinuha iyon ng tiya at agad-agad niya itong ininom hanggang sa maubos.
"Okay," ang kuha ng bwelo ng tiya. "So ginawa na ni Teresa ang kailangan niyang gawin. Tulad daw ng ibang paraan ay kailangan niya gumawa ng isang potion. Hindi niya talaga kabisado ang gagawin kaya hala sige mix lang siya ng mix ng mga kung anu ano base sa nakasulat sa libro."
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...