Chapter 10

189 20 0
  • Dedicated kay Lynn Enumerables
                                    

Alas otso na at hindi pa din makatulog si Sarah. Nag-iisa lang siya ngayon sa bahay at umalis ang kanyang mga magulang para mag-overnight stay sa isang kapamilya nila. Ang iwan sa kanya ng magulang ay may tutulungan lang daw sila at kailangan nila magdamag andun para matama lahat ng mali. Hindi na siya nagtanong kung para saan yun pero sa background ng mga ginagawa ng nanay niya ay siguradong kulam na naman ang kokontrahin.

Nakahiga siya na suot-suot ang kanyang malambot na pajama at nakapambabaeng sando lang siya sa pantaas. Komportable siya na ganun ang suot pagmatutulog at mabilis itong antukin sa preskong damit at sa malambot niyang kama.

Ang daming pumapasok sa kanyang isip. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang matulog sa sitwasyong yun. Yakap-yakap niya ang unan. Papalit-palit siya ng posisyon. Haharap sa kanan, sa kaliwa, at nakatihaya, lahat yun ay paulit-ulit niyang ginawa. Pilitin man niyang ipikit ang mga mata, hindi pa din siya dinadalawan ng antok.

Madilim na din sa kwarto. May bahagyang ilaw lang na pumapasok sa kwarto mula sa liwanag ng buwan sa labas. Sanay siya na huwag takpan ang bintana na gawa sa glass ng kurtina. Kinapa niya ang kanyang cellphone sa lamesa na nasa tabi mismo ng kanyang kama. Binuksan niya ito at nag-facebook. Basa lang siya nang basa ng kung anu-anong posts.

Naisipan niyang buksan ang profile ni Mike. Ang buong pangalan nito sa facebook ay Mike Fuller. Walang bagong post sa FB. Ang huling post niya ay three weeks ago na nagsasabing 'Off to somewhere no one will know...' Marami iyong likes at comments. May mga comments na dun ng mga taong nagtatanong kung saan siya at bakit hindi na nagpaparamdam. May mga nagtatanong kung nasa US na ba siya o nasa Pinas pa din. Ngunit wala silang nakukuhang reply. Isa lang ang ibig sabihin, kahit isa sa mga kaibigan niya ay walang alam kung saan na ang kanyang boyfriend na hindi man lang nakuhang mag-update sa kanya.

Hinanap niya sa Contacts ang number ni Mike at sinubukan itong tawagan. Ang tanging narinig niya lang ay ang operated voice na nagsasabing unattended ang phone o out of coverage area.

Sa halip, tinawagan niya si Leslie. Nagriring ang phone nito ngunit hindi naman sinasagot ng kaibigan. Dinial niya pa ulit ang number ni Leslie ngunit ganun pa din, walang sagot. Naisip niya na baka tulog na ang kaibigan.

Napagdesisyonan niya na tumayo na lang mula sa pagkakahiga at umalis ng bahay. Nagbihis siya ng maong shorts at nakasando pa din. Nagsuot lang siya ng puting Converse shoes at umalis na ng bahay. Hindi na din niya dinala ang phone.

Isang lugar pa ang kanyang naalala na hindi pa niya napupuntahan. Ang lugar kung saan napagtatambayan nila na medyo malapit sa tinitirhan ni Sarah, ang parke. Dun sila dati pumupunta kung hinahatid siya ni Mike pero ayaw pa ni Mike umuwi. Medyo tago ang parke na iyon mula sa hi-way kaya naging komportable sila sa paggagala doon at maliit lang ang posibilidad na sila ay mahuli.

Nilakad lang ni Sarah papuntang parke. Bukas pa yun hanggang alas dose ng gabi. Pagdating niya sa parke ay nakita niya ang mangilan ngilang tao na nakaupo at nagkakasiyahan lang sa mga bench. Ang mga bench ay nakapalibot sa gilid ng parke. Meron din naman mga taong naglalakad lang. Inikot niya ang parke at inaalala ang mga panahon na magkasama sila ni Mike.

Ang unahan ng parke ay isang malaking stage, kung saan minsan ay nakapanuod sila ng isang show ng mga bata. Sa gitna ay meron ng nakatayong malaking Christmas Tree at preparasyon na yun sa darating na Pasko.

Ramdam na ramdan ni Sarah ang simoy ng pasko, ang lamig ng panahon at ang lamig na kanyang nararamdaman sa puso. Umupo siya sa isa sa mga bench. Patuloy pa din ang pag-iisip ng mga kung anu ano sa kanila ni Mike.

Napapapikit na lang si Sarah at hindi niya namamalayan na may luha nang dumadaloy sa kanyang mukha. May lumapit sa kanya na isang lalaki. Nasa likuran niya ito. Hinawakan ng lalaki ang kanyang balikat. Nagulat si Sarah at napatayo mula sa pagkakaupo. Humarap siya sa lalaki at nakita niya ang isang pamilyar na mukha.

"Hey," ang tawag ng lalaki na sa pagkakatanda ni Sarah ay ganoon pa din ang boses niya. Hindi siya nakapagsalita. Napatulala na lang siya.

"Hey? Okay ka lang ba?" nilapitan siya ng lalaki at hinawakan ang kanyang mga pisngi. "Hey!" nilakasan niya ang boses para makuha ang atensyon nito.

"Ah... ahm..." Doon na napagtanto ni Sarah na ibang lalaki pala ang kanyang nakita. Lumayo siya ng bahagya sa lalaki.  Unang tingin niya ay akala niya si Mike ito. Magkaparehas ang kanilang pangangatawan, ang hugis ng mukha, at pati ang boses.

"Miss, sorry at nagulat kita," ang paghingi ng paumanhin ng lalaki. "Nag-iisa ka na lang kasi sa parke at isasara ko na din to maya-maya baka gusto niyo na pong umalis."

Hindi napansin ni Sarah na naka-upo na pala siya dun ng ilang oras sa kakaisip lang.

"Pasensiya na po," ang ulit na paghingi ng paumanhin ng lalaki at si Sarah ay hindi pa din sumasagot. "Ako po pala si Josh"ang pakilala nito.

Sa postura at mukha ni Josh ay hindi siya mapagkakamalang taga-bantay lang ng parke. Siya ay 20 years old pa lamang. Siya na ang naging care taker ng parke for 3 years. Nag-aaral siya sa umaga at nagbabantay ng parke sa gabi.

Nang narinig ni Sarah ang pangalan ni Josh ay tuluyan na siyang nahimasmasan. "Okay lang po, pasensiya na din po at nakapagreact ako ng ganoon na lang," ang paliwanag ni Sarah.

"Sige po, aalis na po ako." ang sabi pa ni Sarah.

"Sige po, mag-ingat po kayo at gabi na."

Dahil nakapag-ikot na din si Josh, paglabas na paglabas ni Sarah ay isinara na niya ang gate ng parke.

Sinundan nito si Sarah. "Miss, gusto niyo po ba ihatid ko ho kayo? Masyado na po kasing gabi at delikado din ang maglakad ng ganitong oras." ang pag-aalala ng lalaki.

"Ai huwag na po."

"Sige na po, mahirap na po kasi," ang pagpupumilit nito.

"Ikaw bahala," bumigay din si Sarah at pumayag na din na ihatid siya. Hindi niya din naman maikakaila na masyado na ngang madilim sa daan para maglakad at baka kung sino pa ang kanyang makasalubong.

Habang sila ay naglalakad papunta kina Sarah nagtanong si Josh, "Ano nga po pala pangalan niyo?"

"Sarah po," ang malumanay na sagot niya.

Yun lang ang naging conversation nila. Tahimik na silang naglakad hanggang sa makarating sa bahay nina Sarah.

"Dito na po ako. Salamat po" ang pasalamat ni Sarah kay Josh at ipinasok na niya ang susi sa doorknob at binuksan na ang pinto ng bahay.

"Walang anuman. Mag-ingat ingat po kayo paglumabas kayo ng gabi," ang paalala ng lalaki.

Ningitian na lang ni Sarah si Josh na nagsisimbolo ng pasasalamat niya at tuluyan ng pumasok ng bahay.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon