Chapter 11

216 21 0
                                    

Kinabukasan nagkita si Leslie at Sarah sa unibersidad na kanilang pinapasukan. Sa gate pa lang ng school ay nagkabatian na ang dalawa. 

"Iba na talaga ngiti mo bes araw-araw a, sigurado ka bang wala kang ikekwento sa akin?" ang ngiting tanong ni Sarah sa kaibigan habang sila ay naglalakad patungo sa classroom. May mga dalang libro si Sarah.

Malaki ang kanilang school. Isa ito sa mga pinakamalaking school sa buong Pilipinas. Pagpasok na pagpasok sa gate ay dudungaw ang isang istatwa sa gitna at sa likod nito ay may maliit na fountain na pinapaandar tuwing hapon.

"Ano ka ba bes, di ba pwede maging ganito na lang mood ko araw-araw? Nakakatulog lang talaga ng maayos," ang alibi ni Leslie. Totoo naman talaga na nakakatulog siya ng maayos. Ilang gabi na na nagkakatabi sila matulog ni Renz. Kagabi kung saan si Sarah ay hirap na hirap sa pagtulog si Leslie naman ay yakap na yakap si Renz habang nakadantay ang ulo nito sa dibdib.

Lumalala na nga ang nararamdaman ni Leslie na ayaw na niyang matapos yun. Ayaw na niya mawala si Renz sa buhay niya at ngayon lang siya naging masaya ng todo. Sa tuwing hihiga siya katabi si Renz pilit niya dinadama ang pintig ng puso nito ngunit wala siyang maramdaman at marinig. Naging tanong din yun sa sarili niya kung papaano siya mamamahal ng isang tao na ilang araw ng patay at hindi tumitibok ang puso. Ang nagbibigay lang sa kanya ng garantiya na posible ang mga nangyayari ay ang kwintas na nanggaling kay Tita Teresa. May mga beses na gusto niyang halikan si Renz at binabalikan niya ang mga beses na naramdaman nito ang lambot at halik. Nandiri man siya minsan sa unang halik sa kanya ni Renz pero hindi niya maikakaila na sa kay tagal niya naging NBSB ay may naramdaman siyang espesyal.

"Yung totoo bes? Maayos lang tulog mo? E bakit ang eyebags mo di maalis alis?" ang biro ni Sarah.

"Walangya ka bes. Alam mo naman since birth yan. Siguro ng nasa tiyan pa ako ni inay ay pagod at puyat na ako." ang pagsakay naman ni Leslie sa biro ng kaibigan. Nagtatawanan silang dalawa at habang naglalakad ay nakatingin si Sarah kay Leslie. Hindi niya kita ang dinadaanan ng biglang nakabangga siya ng isang lalaki at nahulog ang kanyang mga dalang libro.

Tumawa lang si Leslie. "Ayan kasi bes, ano ang pinaiiral?" Yumuko at akma ng dadamputin ni Sarah ang mga nahulog na libro ay nagkatinginan naman sila ng lalaki na dadamputin din ang mga nahulog.

"O Sarah, ikaw pala. Pasensiya ka na at nagtetext ako, hindi kita napansin." ang paliwanag ng lalaki.

"Okay lang Josh, eto kasi ang kaibigan ko kwento ng kwento," sabay turo kay Leslie. Tumayo na silang dalawa at binigay ni Josh ang mga libro kay Sarah.

"Magkakilala kayo?" ang tanong ni Leslie.

"Hindi bes! Tinawag niya ko sa pangalan ko diba? Ikaw talaga iba ka din mag-isip e." Tawanan na naman silang dalawa na parang mga bata lang na walang problema. Napangiti na lang si Josh sa dalawa.

"Eto nga pala si Leslie, kaibigan ko." Ang pagpapakilala ni Sarah kay Josh. "Eto si Josh," ang pakilala naman niya kay Sarah.

Iba ang tingin ni Leslie sa mga mata ni Sarah, mga tingin na nanunukso.

"Dito ka pala pumapasok?" ang tanong ni Sarah kay Josh.

"Opo. Scholar kasi ako dito," ang sagot ni Josh.

"Oh siya sige. Salamat and see you around," ang paalam ni Sarah. Hinawakan niya ang braso ni Leslie at sabay naglakad ng mabilis.

Kumaway na din si Leslie kay Josh habang sila ay nagmamadaling umalis. Ang reaksyon ni Sarah ay parang nadadala sa tukso ng kaibigan.

"O bakit ka ba nagmamadali?" ang tuksong tanong ni Leslie, "type mo bes?"

"Hoy hindi ah," ang pagdepensa niya sa sarili, "bilisan mo na nga dyan at baka ma-late pa tayo." Binitiwan na ni Sarah ang braso ni Leslie ng nakalayo na sila sa kung saan nila nakita si Josh.

Umupo sa isa sa mga bench si Josh na kaharap ng classroom nina Sarah. Wala pa siyang pasok sa umaga. Alam niya kung saang classroom nina Sarah. Ang hindi alam ni Sarah ay crush na crush siya ni Josh. Dati rati pa siya nakikita nito sa Unibersidad, kahit sa mga gabing magkasama si Sarah at ang kanyang boyfriend na gumagala sa parke. May mga oras na sinusundan nito si Sarah ng di niya alam sa school.

Noong gabi na nakita niyang mag-isa lang si Sarah ay grinab niya ang opportunity para makausap ito. Naging successful naman siya sa paghatid nito. Hinding hindi nakapag-girlfriend si Josh since birth at simula't simula si Sarah na ang naging apple of the eye niya.

Ang nangyaring pagkakabangga niya ay sinadya niya para mapansin siya ni Sarah at malaman nito na sa iisang unibersidad lang sila napasok. Napansin niya kanina na busy silang nag-uusap ni Leslie at hindi siya nakatingin sa dinadaanan kaya nagkunwari itong nagtetext.

Sa pagkakaupo ni Josh, nag-aantay siya sa paglabas ng magkaibigan sa classroom. Hawak-hawak niya ang nakuhang panyo kanina nang pinulot niya ang mga dalang aklat nito. Nung umakmang damputin ni Sarah ang mga gamit at nagkatinginan ang magkaibigan na si Leslie at Sarah ay saka niya itinago ang panyo.

Paglabas na paglabas ng mga estudyante mula sa classroom ay tumayo agad siya. Pumunta siya ng malapit sa pinto. Paglabas ni Sarah at Leslie ay inapproach agad nito, "Sarah," ang tawag pansin niya dito.

"Ehem bes, CR na muna ako," ang panuksong sabi ni Leslie at umalis na agad.

"Panyo mo pala, hindi ko napansin na nasa sa akin pala," ang pag-alibi nito at sabay abot ng panyo.

"Salamat," kinuha agad ni Sarah ang panyo at medyo nabigla siya sa pagpunta ni Josh dun. "Kanina ka pa ba dito?" tanong pa niya.

"Ai hindi... nadaanan ko lang ang classroom niyo. Kakalabas ko lang mula dun," turo niya sa isang classroom sa dulo, "buti na nga lang at tyming din na awas niyo na," ang pag-alibi pa niya.

"Ahh. Ahh. Ganun ba," ang pautal na sabi ni Sarah, "Oh siya sige... Alis na ako ha. Salamat ulit," ang pagpaalam ni Sarah.

Nag-aantay si Leslie na nakaupo sa bench sa harap ng CR na malapit sa classroom nila. Ngiting ngiti si Leslie nang nakita na papalapit na ang kaibigan.

"O paano ba yan? Sinusundan ka?" ang tukso ng kaibigan.

"Ano ka ba? Wala yun no. Ibinigay lang sa akin ang panyo?" Namula ang mga pisngi ni Sarah. Masyado lang siya nadala sa mga tukso ng kaibigan.

"Ibinigay ba? Ahhh...," kunwaring nag-iisip at ang daliri ay nasa ulo, "kaya pala alam niya kung saan tayo? At alam niya kung anong oras awas natin? O baka inantay ka kanina pa? Stalker ata bes," ang dagdag pa ni Leslie.

"Oi grabe ka," palambing na hinampas nito ang braso ni Leslie, "kakalabas niya nga lang daw at nadaanan lang classroom natin," ang paliwanag nito.

"Tama na ang pagiging defensive bes, nakakahalata na ako,"

"Nakakahalata ng ano?" ang pagtataka ni Sarah.

"Wala, o tara na. May lakad ka ba?" ang tanong ni Leslie.

"Wala naman," Wala silang pasok ng hapon tuwing Martes.

"O siya sige umuwi na lang tayo." ang yaya ng kaibigan.

"Tara," sabi ni Sarah sabay naglakad na palabas ang dalawa.

Paglabas ng dalawa sa unibersidad ay may sumulubong sa kanilang batang kalye. Ang bata ay may dala dalang bouquet of roses. Natigilan silang dalawa nang tumigil ang bata sa harap nila. Namula ang dalawa at nagkatinginan.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon