Linggo. Isang araw pa na pahinga para kay Leslie. Isang araw pa para magsaya bago ang Lunes na simula na naman ng pag-aaral niya. Paggising niya ay nag-ayos na agad siya ng kama. Buhaghag pa ang kanyang buhok na di man lang nakuhang mag-ayos. Komportable naman siya na lumabas ng ganoon sapagakat siya lang mag-isa sa bahay.
Nililinis pa niya ang kanyang mga mata habang naglalakad patungo sa lababo para maghilamos. Lumampas na siya sa hapagkainan at ng may kakaiba siyang napansin. Lumingon siya para masigurado kung tama nga ang nakita niya.
Meron na nakahandang pagkain sa mesa. Laking gulat niya. "Tiya, nakauwi na po ba kayo?" sigaw ni Leslie na sa halip ay dumerecho ng kwarto ng tiya para hanapin. Ngunit wala siya doon. Tinawag niya pa ulit ng pasigaw ngunit walang nasagot.
"Sabi ni tiya sasabihin niya daw sa akin kung pauwi na siya," nagtataka na nagkamot ng ulo ang dalaga. "Hindi kaya si..." napatigil siya, "si Renz kaya ang may pakana nito?" tanong niya sa sarili.
Dumerecho na siya sa lababo para maghilamos. Humarap na din siya sa salamin para mag-ayos ng buhok. Naglagay pa ng pulbo sa mukha na parang inaayos ang sarili dahil may bisita. Hindi niya napapansin ang kanyang ginagawa. Basta na lang siyang nag-ayos na parang may pumepwersa sa kanya.
Umupo na siya sa hapagkainan. May nakahandang pritong hotdog, itlog at tinapay at may mainit pang kape. Sigurado siya na kakaluto lang ng mga yun dahil mainit at nausok pa.
"Wala naman kaming biniling hotdog at itlog a. At may tinapay pa. Hindi din naman nakapaninda si tiya." Nagtaka tuloy si Leslie kung paano nakahanda si Renz ng ganoong pagkain kung di galing sa ref nila. "Takte naman o..." napaisip na naman siya, "di kaya bumili pa siya sa tindahan?"
Dali-dali siyang pumunta sa shop. Naalala niya na hindi niya pala nilock ito at posible talaga na lumabas si Renz. Hindi naman niya matawag ng pasigaw si Renz at baka marinig siya ng kapitbahay at magtaka.
Pagpasok na pagpasok, nilapitan niya agad ang nagkukunwaring tulog na si Renz. Nakahiga siya sa dati niyang pwesto.
"Hoy Renz, bakit ka lumabas. Ano ba ang pinagagawa mo? Pinapahamak mo ba sarili mo? Alam mo ba kung ano ang pwedeng sabihin ng iba? Paano kung maghinala sila at magulat. Tignan mo pa yang suot mo, di mo man lang ba naisip na baka magtaka sila at ikaw ay may mga marka ng dugo. Tignan mo yang mukha mo ang putla putla," dakdak niya kay Renz sabay pahid sa dumi ng nasa mukha nito. Si Renz ay nagkukunwari pa ding tulog.
"Hoy Renz! Sagutin mo ko," nanggalaitang sabi ni Leslie.
Binuksan ni Renz ang kaliwang mata na nakatitig kay Leslie sabay ngiti. "Sagutin kita? Oo na nga. Magpapakipot pa sana ako." biro ni Renz na kung ngumiti ay wagas at ngayon ay mulat na mulat na ang mga mata nito.
"Loko ka ba," sabay hampas sa dibdib ni Renz. Umakmang tumalikod at umalis si Leslie ngunit hinawakan siya sa braso ni Renz.
"Gusto lang naman kita paghandaan ng pagkain, di ba pwede yun?" palambing na sabi ni Renz.
"Kung lalabas ka din namang ganyan, hindi pwede." Meron pa ding diin sa pagsalita ni Leslie na may halong pag-aalala at galit.
"Hindi na po mauulit," dagdag ni Renz, "patawad po."
"Oo na! Siguraduhin mo lang talaga. Kung hindi, naku! Dalawa tayo ang magiging patay..." sabi ni Leslie, "wag mo na akong idamay please." Pabirong dagdag niya.
Ngumiti na lang si Renz. "Nagustuhan mo ba ang handa ko?" tanong niya kay Leslie na hawak hawak pa din niya ang braso.
"Oh siya kakain na ako. Salamat," pagalit na boses ang pagkakasabi ni Leslie. Lumakad na siya palabas at bumalik sa bahay saka kumain ng umagahan.
Isang oras pa lang ang nakakalipas, bumalik si Leslie sa shop. "O, mga damit yan ni tiyo dati. Pinili ko ung maliliit ng magkasya naman sayo. Itago mo yan diyan sa tabi ang suot suot mo at kailangan mo pa yan pagdating ng tiya." pautos na sabi ni Leslie.
"Salamat babe!" Kita ni Leslie sa mga mata ni Renz ang kislap ng kanyang mga mata. Nabighani siya sa ngiti na kanyang nakita sa mga mata nito. Hindi niya maikakaila na tunay na gwapito naman talaga ang nang-aasar sa kanya.
"Tigilan mo nga ako sa pa-babe babe mo diyan. Walang tayo."
"Ang harsh naman ng baby ko," tuloy pa din ang pangungulit nito, "parang narinig ko na ang linya na yan ah... sa English nga lang, 'There was never an us'," paloko niyang sabi na sinusunod ang isang artista sa pelikula.
"Oh siya, ako'y babalik na ng bahay. Hindi ko to ilolock pero wag ka nang basta bastang lumabas," ang utos nito.
"Opo," sagot nito na nakangiti at naghubad na ng damit. Bago pa man maisara ni Leslie ang pinto nasulyapan niya ang katawan ni Renz na may mga marka ng saksak sa gilid at sa dibdib. Meron pa iyong mga bahid ng dugo.
Tumakbo siyang pumasok sa bahay at kumuha ng isang bimpo at bumalik agad sa shop.
Inabot niya ang bimpo kay Renz, "O eto, maghugas ka ng katawan mo," utos niya na boses malumanay na parang nag-alala bigla. Hindi niya gusto ang nakita, ang mga marka ng sugat ni Renz bago siya namatay. Naawa ito. Kinuha nama ni Renz ang inaabot na bimpo.
"Salamat," sa mga oras na yun, unang beses niyang hindi nakitang nakangiti si Renz. May lungkot sa kanyang mga mata na pilit nitong pinapasigla pero bigo siya na itago yun kay Leslie. Hindi na nagtanong ai Leslie at mukhang alam na niya ang sagot. Kitang kita niya ang maluha luha nitong mata habang pinapahiran ng bimpo ang kanyang katawan.
Hindi naman mapigilan ni Leslie ang pagtitig sa matipunong pangagatawan ni Renz. Ang katawan na tipo'y nag-ggym ng ilang taon.
"Oh babe, wag masyadong tumitig sa patay kong katawan, baka lalo kang mainlab niyan," ang pabirong sabi ni Renz na nanumbalik na naman ang mga ngiti sa labi at mata.
Napahiya namang tumalikod si Leslie, "loko ka," yun na lang nabanggit niya pangiting lumabas sa shop.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...