Lumipas ang unang gabi na humiling si Leslie. Suot-suot na niya ang kwentas na binigay sa kanya ni Tiya Lucy.
"Kamusta pakiramdam mo? Ang bungad na tanong ni Tiya Lucy kay Leslie paglabas niya ng kwarto.
"Ayos na naman po pakiramdam ko," sagot naman niya.
"Buti naman," masaya naman ang tiya at okay na ang pakiramdam ng kanyang pamangkin. Hinihiling na lang din niya na mahanap na at maibigay sa kanya ng kwentas ang inaasam na kaligayan. "Wag ka na pumuntang palengke. Meron pa naman dyan sa ref ng mailuluto," dagdag pa niya.
"Okay, sige po. Wala din po akong pasok ngayon, maghahanda na lang po ako para sa quiz namin bukas. Doon na lang po muna ako sa roofdeck mag-aaral."
"Oh siya ikaw bahala. Bumaba ka na lang kung gusto mo nang kumain at ako'y magiging busy na mamaya sa kabila."
Kinuha na ni Leslie ang kanyang mga aralin sa kwarto at umakyat na sa roofdeck. Ang tiya naman ay nag-ayos na para mag-opera ng mga patay na katawan.
Ramdam na ramdam ni Leslie ang ihip ng hangin. Hindi gaano kainit ang panahon at meron namang maliit na papag sa taas ng bahay kung saan siya komportableng nakaupo.
Bigla siyang may naramdaman na mainit sa may ibaba ng kanyang leeg. Napakamot siya at napansin niya na eto ay dahil sa kwentas. Ang kwentas na kagabi lang ay kulay asul ay naging kulay pula. Ang tingkad nito ay lutang na lutang na parang umiilaw. Hindi na niya pinansin at bumalik na din sa pag-aaral.
Inabutan siya ng gabi sa roofdeck. Matapos niyang magbasa napatingin siya sa kalangitan kung saan ang mga bituin ay kumikislap sa kalayuan. Bigla niyang naaalala na humiling ulit sa kwentas para sa pangalawang gabi.
"Sana po ako'y maging masaya na at magkaroon ng gwapong boyfriend para patunayan sa iba na kahit ganito ako ay meron pa din taong handang magmahal sa akin," bulong niya sa kwentas.
Bumaba na siya at pumasok sa kwarto para magpahinga.
Nagising ng madaling araw si Leslie na parang nilalamig. Ramdam niya ang lamig sa buong katawan na parang basta basta na lang may pumasok na hangin sa loob ng kwarto. Nagmadali siyang takpan ang buong katawan ng kumot ng naramdaman niya na naman ang pag-init ng kwentas. Sa oras na yun, eto ay kulay rosas na.
Dahil sa hindi na siya makatulog. Minabuti niyang mag-ayos na lamang at maghanda para sa pagpasok.
Pagkatapos niyang maligo dumerecho siya sa sala para manuod ng TV. Habang naghahanap siya ng magandang channel, bigla niyang nabitawan ang remote control ng naramdaman niya na naman ang lamig, kasinglamig ng naramdaman niya sa kwarto, yung pinagkaiba lang ay sa batok niya lang ramdam ang lamig na para bang may umihip. Tumayo ang kanyang mga balahibo sa kakaibang naramdaman.
"Isang di kilalang lalaki, natagpuang nakahandusay sa Kalye Santos. Eto ay pinaniniwalaang hinoldap at pinsgsasaksak. Hanggang sa ngayon kinikilala pa din ang lalaki at kung taga saan dahil walang natira ni kahit ID." Yun ang mga katagang narinig niya sa Channel 5. Pinakita pa ang picture ng lalaking nakahandusay sa kalye. Nakaputing polo pa eto na duguan ang kaliwang dibdib at gilid. Kitang kita niya ang mukha ng lalaki na parang naghirap sa sakit.
Ang Kalye Santos ay ang kasunod na kalye malapit sa kanila. Sigurado na doon na naman dadalhin ng mga pulis ang bangkay sa Funeral Parlor ng tiya niya at mananatili na naman dun ng ilang araw hanggang sa may umangking pamilya.
Dahil sa walang magandang mapanuod sa mga oras na yun, tumungo na lang siya balik sa kanyang kwarto at umidlip saglit.
Bigla nagising si Leslie na pawis na pawis at hingal na hingal. Marahil ay dahil sa napanaginipan niya. Nagmadali siyang maghilamos at sipilyo at nagpaalam na sa Tiya.
Pagdating sa unibersidad, ganoong scenario pa din ang nangyari. Mga salitang pagkakantyaw sa kanya ni Michelle. Pero hindi niya ito pinansin at tumabi na kay Sarah.
"Bes, meron akong ikekwento sayo," nanginginig na sabi ni Leslie sa kaibigan. Di malaman ni Sarah ang nararamdaman ng kaibigan, kung eto ba ay natatakot o naeexcite gawa ng kanyang mga mata.
"O ano yun? Bring it on! At mukhang nagmadali ka pa talagang ikwento yan sa akin." Naeexcite na sagot ni Sarah.
"May napanaginipan ako, isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya. Pero sabi niya sa akin: 'Pupuntahan kita. Hahanapin kita.'"
"Ano ba yan bes, normal na panaginip lang pala. Akala ko kung ano e." Sabay tawa ng kaibigan.
"Parang iba kasi talaga ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. Basta."
"Class, prepare your pen and we'll start the quiz in a while." Sigaw ng kanilang prof sa Psychology.
Nag-ayos na ang dalawa pati ang mga kaklase at nag-antay na mamigay ng test papers ang prof.
Pagkatapos ng quiz at ng mga sumunod na klase ay derecho uwi na si Leslie. Excited siyang umuwi dahil gumagabi na at ngayon na niya gagawin ang kasunod at huling hiling para maibigay na sa kanya ang kanyang inaasam.
Nagmadali siyang nag-ayos at kumain pagkauwi na pagkauwi. Wala doon ang kanyang tiya at baka nasa kabila pa at nagtatrabaho.
Alas siyete na ng gabi, hawak hawak na niya ang kwentas. Nanginginig ang kanyang mga kamay na wari'y kinakabahan.
"Sana po ay magkaroon na ako ng gwapong boyfriend na makakapagbigay ligaya sa akin at nang mapatunayan ko sa iba na ako'y karapatdapat mahalin," bulong niya sa kwentas.
Tinitigan niya eto ng ilang minuto after niyang humiling pero walang nangyari. Nag-antay pa siya ng nag-antay hanggang sa nakatulog.
Alas tres na ng madaling araw ng yakap na yakap ni Leslie ang kanyang unan at takip na takip na din siya ng kanyang kumot. Bigla na lang niyang naramdaman ulit ang lamig sa buong katawan. Hindi nakatulong ang kumot at tumayo na lang siya para patayin ang electric fan para kahit papano ay uminit ng kaunti.
Nabigo siya sa inaakalang eepekto at tutulong sa pakiramdam niya. Tuloy-tuloy ang lamig at biglang lumiwanag ang kanyang kwentas na kulay rosas pa din.
Hindi niya alam ang pakiramdam niya sa mga oras na yun at bigla na lang may humawak sa kanyang braso na sobrang lamig. Takot na lumingon siya sa gilid niya at doon niya nakita ang lalaking nakaputing polo.
Tinapi niya ang kamay nito at pumalayo patungo sa dulo ng kama. Sigaw siya ng sigaw na nakatakip ng kumot.
"Leslie! Leslie! Ano nangyayari dyan?" Sigaw ni Tiya Lucy sa kabilang kwarto na gulat na gulat sa narinig na pagsigaw ng pamangkin.
Pumasok si Tiya Lucy sa kwarto niya at nilapitan ang pamangkin. Pumisik ito sabay sabi, "May lalaki ho. May lalaki ho," sabay turo sa may pintuan.
"Ano ba sinasabi mo. Baka nanaginip ka lang. Wala naman o. Matulog ka na ulit. Wag mo kalimutang magdasal bago matulog." Payo ng tiya.
"Sige po. Pasensiya na po." Umalis na si Tiya Lucy at siya naman ay di alam ang gagawin. Alam niya sa sarili niya na hindi simpleng panaginip lang ang nangyari. Naramdaman niya ang lamig ng kamay ng lalaki at kitang kita ng dalawang mata niya.
Dahil sa takot at kaba, tuluyan na siyang nakabalik sa pagtulog pagkalipas ng isang oras.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...