Chapter 4

244 23 1
                                    

"Thank God it's Saturday," ang masayang bati ni Leslie sa umaga paggising na paggising. Wala siyang pasok. Buong araw na  naman siya manunuod lang ng TV at matutulog magdamag. Araw to ng kanyang pahinga. Ganoon na ang naging routine niya tuwing Sabado. Kahit yung tiya niya ay di na siya inuutusan. Naniniwala din naman ang tiya niya na kailangan niya din ng kahit isang araw na pahinga pagkatapos ng limang araw na paghihirap sa pag-aaral.

Tumayo na siya at pumunta sa kusina. Isang masaya at nakangiting Leslie ang naaninag ng kanyang tiya.

"Mukhang masaya ka ata ngayon a," ang banggit ng kanyang tiya na nakaupo na sa kusina at nagkakape.

"Hindi naman po. Sabado lang po kasi talaga," ang paliwanag niya. Ang kasiyahan ng kanyang mukha ay nasamahan ng pagkablooming na parang wala lang nangyari kagabi. Na wala siyang nabasa o narinig man lang sa lalaking ayaw na niyang makita.

"Siya nga pala Leslie," tawag ng pansin sa kanya ng tiya nang ito'y nagtitimpla ng maiinom. "Magbabakasyon muna ako sa Negros doon sa lugar ng tiyo Mario mo. Napag-isipan kong pumunta doon para makapagpahinga naman muna ako. Ipapasara ko muna ang shop sa ngayon, at ikaw lang ang magiging tao sa bahay. Pwede mo naman yayain ang mga kaklase mo dito. Pero bawal ang lalaki ha. Bawal" may diin talaga sa pagkakasabi ni Tiya Lucy ng 'bawal'.

"Ah talaga po? Gaano po kayo katagal doon?" Ang tanong niya na parang nag-iba ng kanyang reaksyon.

"Hindi ko pa alam. I'll let you know naman kung ako'y pauwi na. Pero hindi naman siguro ako tatagal dun. Papalagyan ko na lang ng pera ang ATM mo pang allowance mo while I'm there." Dagdag ng tiya.

"Sige po," wala namang magagawa si Leslie sa desisyon ng kanyang tiya. Gusto niya din makapunta sa Negros ngunit hindi pa pwede at may pasok pa siya sa Lunes. At biglang nanlaki ang kanyang mata at parang biglang pinagpawisan nang naalala niya na naman ang lalaki, si Renz, "Paano po pala ang katawan ng lalaki na wala pang naangkin na pamilya?" Ang napapaisip niyang tanong.

"Ah... papaandarin ko muna ang freezer at doon siya ilalagay hangga't sa may magclaim na ng katawan niya." Merong isang freezer na nakatalaga si Tiya Lucy sa katawang hindi pa naangkin ng pamilya para hindi ito masira.

"Po? Sa freezer po?" Gulat na reaksyon ni Leslie. Sa isip niya ang lalaking yun ay hindi pa lubusang patay at siguradong sigurado siya na nakita niyang nakamulat at gumalaw.

"O bakit parang nagulat ka ata?" ang tanong ng tiya. "Wag kang mag-alala pag meron nang magclaim tawagan mo lang si Kuya Roger para ihatid sa ibang furnenaria at doon na ebabalsamo."

"Ah okay po. Sige po." Ang natanging sagot na lang ni Leslie. Iniisip niya kung papaano siya kung mag-isa lang siya sa bahay at tuluyang gumising si Renz at puntahan siya araw-araw. Naalala pa niya ang maputlang mukha ng lalaki na nagpapatunay na patay na talaga yun at ilang araw na ang nakalipas. Kahit ganoon, hindi naman din niya maipagkakaila na gwapo nga naman talaga ang patay na nakita niyang nakahandusay, ni walang bahid ng dugo sa mukha. Yung damit lang na suot suot niya simula ng siya'y pinagsasaksak ang may mga butas at marka ng dugo. Hindi pa yun hinubad ni Tiya Lucy gawa isa yun sa magpapatunay ng pagkatao niya kunsakali na may maghanap at magkompira sa katawan na kamag-anak.

Alas tres ng hapon, nag-ayos na ng gamit si Tiya Lucy at sinarhan na din ang Funeral Shop. "Ang mga susi dito lang sa taas ng ref ha," ang bilin niya kay Leslie.

"Sige po. Ingat po kayo," paalam ni Leslie. Lumabas na ng bahay si Tiya Lucy at tuluyan ng umalis.

Umupo sa sofa si Leslie at nakaharap lang sa TV. Nanunuod ng isang foreign movie. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang pag-alis ng tiya niya ay bigla na lang uminit ang sa may taas ng kanyang dibdib. Ang kwintas na naman ay umiilaw. Bigla niyang naalala ang sinabi ng tiya na ilalagay si Renz sa freezer.

Gulat, takot at pag-aalala ang kanyang naramdaman. Hindi niya alam ang gagawin kung dapat ba niyang ilabas si Renz sa freezer o hayaan na doon at nang matapos na ang kanyang kinakatakutan.

Tumakbo siya patungo sa kusina at kinapa ang susi sa taas ng ref. Hindi siya nagdalawang isip na buksan ang pinto ng shop. Dumerecho siya sa harap ng freezer ng patay at binuksan ito.

Hinila niya ang isang malapad na steel na kung saan nakahiga ang katawan ng lalaki. Hinayaan niya lang nakabukas ang pinto. Nag-antay siya ng ilang minuto ngunit hindi ito gumalaw.

Nilapitan niya ang katawan at inalog-alog,  nagbabakasakali na ito'y gagalaw at magigising. Hindi umepekto at ganoon pa din, walang reaksyon at walang pagbabago.

"Patay! Yun na nga talaga ata siya." sabay kamot ng ulo. Hindi na niya alam ang nangyayari. Iniisip niya na baka nababaliw na siya dahil sa mga nakita at nasaksihan. Naiisip pa nga din niya ang sulat na may pangalan na Renz. "Hoy!" Sigaw niya na nagbabakasakali pa din.

Sa mga oras na yun, nag-aalala na lang siya at nawala ang takot na dati'y naramdaman. Mas umibabaw ang iniisip niyang buhay ang binalitang patay sa saksak.

Inilapit niya ang kanyang mukha sa may ilong ng lalaki para pagparamdaman kung humihinga ba to o hindi. Habang ginagawa niya yun, kinapa niya din ang leeg para pagparamdaman kung meron pa bang pulso.

Bigla na lang may bastang humawak sa ulo niya at tuluyang nagdampi ang mukha nila. Nakanguso ang labi ni Renz na nakalapat sa pisngi niya.

Napamurang sigaw si Leslie at inilayo ang sarili. Pinunasan niya ng sarili niyang damit ang pisngi at nandiri sa nangyari. Hindi niya aakalain na magagawa siyang halikan ng baliw na si Renz na para lang nagpapanggap na patay.

"Ano ka ba?" tanong niya na may galit at konting gulat sabay sampal sa maputlang pisngi nito.

Hindi umimik si Renz at tumayo na lang mula sa kinahihigaan. "Nag-alala ka ba para sa akin?" sabi niya na ngiting aso pa.

"Gusto ko lang masigurado na patay ka o ano," paliwanag ni Leslie, "ano ka ba talaga? Nagkukunwari ka lang bang patay?" Alam niya sa sarili niya na walang silbi ang kanyang tanong, kasi hindi naman pwede sabihin ng mga pulis at reporters na basta basta na lang patay ang tao kung hindi nakumpirma.

"Ano sa tingin mo?" ang sinasadyang pagbalik ng tanong ni Renz.

Hindi na yun kelangan pang sagutin ni Leslie, dahil alam naman niya ang totoo. Ang hindi niya lang mapaliwanag e kung paano nangyari yun.

Sa mismong oras na yun, nasabi niya na matindi pala talaga ang nanay ng kaibigan niyang si Sarah at nakakagawa ng ganun.

"Ano babe, miss mo ko? Gusto mo ba ulit ng kiss" pang-asar ni Renz at nakanguso na inaakmang lapitan si Lesie. Asar na asar na si Leslie. Tumakbo siya papunta sa pinto sabay sigaw, "wag na wag kang aalis diyan. Mamatay ka!"

Ngumiti na lang si Renz at kumaway pa habang sinasara ni Leslie ang pinto ng shop.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon