"Hai... another tiring day," ang tanging nasambit ni Sarah nang humiga siya sa kama pagpasok na pagpasok niya sa kaniyang kwarto.
Naging isang mahabang araw iyon para sa kanila ni Leslie at parang pagod na pagod siya sa pakikinig ng lecture sa sunod-sunod na klase buong maghapon.
Marami pa siyang poproblemahin at marami pa ding bagay na iniisip. Isa na doon ay ang isusuot niya sa ball sa Sabado na sana ay makapaghanap agad sila ni Leslie.
Sunod ay ang pagyaya sa kanya ni Josh. Hindi niya alam kung dapat ba siya maging masaya at niyaya siya ni Josh o dapat niya bang ikalungkot yun dahil sa halip na si Mike ang kanyang makakasama ay sasamahan pa siya ng iba, sa taong kakakilala niya lang. Kahit pa na kakakilala lang ni Sarah kay Josh naging magaan naman ang loob niya dito. Hindi niya din maikakaila na mukhang mabait naman yun.
Sa pag-iisip niya kay Josh at sa ball hindi niya mapigilan ang mapaluha, nanaig pa din talaga ang lungkot na kanyang nararamdaman dahil hindi si Mike ang kanyang magiging escort. Patuloy pa din ang pagbalik ng mga bagay na kanilang ginagawa, ang magaganda at nakakakilig na ngiti at titig ni Mike, pati na ang mga mahihigpit na yakap at maiinit na halik.
Nais niya man kalimutan ang lalaking di nagparamdam ng iilang araw na, ay hindi niya din naman magawa. Meron pa din siyang pag-aasam na makita si Mike. Saka niya naalala ang bracelet na binigay sa kanya ng kanyang ina.
Napaupo siya sa gilid ng kama. Hinubad niya ang bracelet at inilapit ito sa mukha nang matitigan ng maayos. Kahit simple lang ang bracelet dahil sa chain nito, nagbigay ganda naman ang pendant na hugis luha. Hinawakan niya ang pendant at ramdam niya ang lamig ng krystal.
"Paano kaya kung gamitin ko ito? Gusto ko ng mga kasagutan sa mga tanong na nakakabahala sa aking pag-iisip."
Maraming katanungan ang gusto niyang sagutin ngunit ang mga tanong na ito ay masasagot lamang ng iisang tao, si Mike. Bakit iniwan siya? Bakit hindi man lang nagparamdam o nag-iwan ng message kung ano ang naging dahilan at baka maintindihan niya naman? Hindi na ba siya mahal ni Mike? May nagawa ba siyang mali o naging big deal ba talaga para kay Mike ang huling iringan nila at nakuha niyang iwan si Sarah? Yun lang ang sa mangilan-ngilang tanong.
Sinuot niya ulit ang bracelet, pinahiran ang mukha na kani-kanina lang ay may dumadaloy na luha. Inilapit niya ang kamay sa kanyang baba. Nakatapat ang pendant ng bracelet sa kanyang labi at sabay bulong ng mga salitang, "Gusto ko ulit makita si Mike, para masagot niya ang mga tanong na nakalutang sa aking isip."
Ibinaba niya na ang kamay at sabay naman umilaw ang kanyang bracelet ng kulay asul. Para sa kanya importante na masagutan ang kanyang mga tanong ngunit hindi niya alam kung mapipigilan niya ba ang sarili sa pag-iyak pagnakita si Mike. Ayaw niya magmukhang bigo, magmukhang kaawa-awa. Gusto niya din iparealize kay Mike na kahit wala siya ay kaya niyang mabuhay at maging masaya.
"Sarah!" ang tawag ng boses na pamilyar sa kanya mula sa labas ng kanyang kwarto, ang kanyang ina.
Minadali niyang punasan ulit ang pisngi sa paninigurado na walang bakat ng luha at ayaw niyang makita iyon ng kanyang nanay. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama, "Po?" ang tanong niya sa sigaw ng ina.
"May naghahanap sayo sa baba. Bumaba ka na diyan at nag-aantay siya sa sala." sabay baba na ang kanyang nanay balik sa sala.
Bahagyang nagulat si Sarah sa narinig. Wala naman siyang ineexpect na bisita o wala naman nagtext o tumawag sa kanya na pupunta ngayon. Naisip niya na baka si Leslie at siya lang naman ang nag-iisang pumupunta doon sa kanilang bahay. Ngunit naisip niya din na sa ganoong oras na alas siete ay hindi na pumupunta si Leslie unless mag-oovernight siya. Na hindi naman ginagawa ni Leslie pag may pasok kinabukasan.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...