Chapter 13

180 19 3
                                    

"Ah.. a-ano? Na-sa ha-harap ka ng ba-bahay?" Ang pautal-utal na tanong ni Leslie kay Sarah. Pilit niya man pakalmahin ang sarili ngunit hindi niya magawa.

"Nakakaabala ba ako? May kasama ka ba? Nasurpresa ba kita?" Sunod na sunod na tanong ni Sarah.

"Ah.. kasi... ahm... hindi naman bes... at wa-wala naman a-ako kasama ngayon. Bihis lang ako." ang kabang kaba na sagot at dahilan niya.

Binaba na niya ang telepono. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto at bumalik ng sala. Sumigaw siya ng malakas, "wait lang bes ha,"

"Sige lang bes," ang sigaw din ng kaibigan.

"Halika dito," ang pabulong na sabi niya kay Renz, "wag ka nang magsalita. Tahimik ka lang."

"Si..." hindi na naipagpatuloy ni Renz ang tanong niya at nasa labi na niya ang daliri ni Leslie, senyales na tumahimik na siya. Hawak hawak ni Leslie ang braso ni Renz habang naghahanap sila nang matataguan niya.

Pumasok sila sa kwarto. Bigla niyang naalala na pwede doon pumasok si Sarah kaya lumabas din sila.

Dumerecho sila sa kusina na hawak-hawak pa din ang braso ni Renz na parang isang bata lang na sunod sunoran. Wala silang mataguan. Natataranta na siya. Binuksan nila ang pinto sa kwarto ni Tiya Lucy at pumasok.

"Doon ka muna... doon ka," ang utos ni Leslie kay Renz habang tinutulak nito pababa ng kama, "magtago ka muna dyan sa ilalim ng kama."

Hindi na nakapagsalita si Renz at dumapa na ito sa sahig at pumasok sa ilalim ng kama."O huwag kang lumabas ha. Diyan ka lang." ang paalala niya kay Renz.

Inayos na niya ang sarili at sinuklay gamit ng kanyang kamay ang buhok. Bahagya siyang pinagpawisan sa paghahanap ng matataguan ni Renz. Dumerecho na siya sa pinto ng bahay habang pinupunas ang kanyang pawis gamit ang kanyang mga kamay. Pagbukas ng pinto, doon niya nakita si Sarah na nakatalikod at humarap agad.

"Mainit ba sa loob bes at mukhang pawis na pawis ka?" ang pagtataka ng kaibigan.

"Halika na nga sa loob," ang yaya ni Leslie.

Dumerecho na ang dalawa sa sala at pinaramdaman ni Sarah ang palibot, hindi mainit, maaliwalas sa pakiramdam.

"Bes," ang tawag pansin niya kay Leslie nang dumerecho ito sa kusina para kumuha ng juice. "Hindi naman mainit ah. May ginagawa ka ba?"

"Ai... wala naman," hindi alam ni Leslie kung ano ang kanyang sasabihin.

Bumalik si Leslie sa sala na may dala-dalang pitsel at baso, "O juice," ang alok niya kay Sarah nang dumerecho na ito sa pag-upo. Inilagay niya ang binitbit sa center table.

"Salamat," lumingon lingon si Sarah para malaman kung ano ang ginagawa ni Leslie bago pa siya pumasok. Wala siyang nakitang kakaiba kaya namilit pa, "ano ba talaga ginagawa mo? May kasama ka ba?" Kinurot nito si Leslie, "ikaw ha... baka may kasama ka at tinatago mo lang sa akin." ang pagtutukso pa nito.

Hindi naman alam ni Leslie kung paano magreact, pero nakuha niya pa din ngumiti, "ano ka ba bes, wala no. Alam mo naman ikaw agad makakaalam."

"Sabi mo yan ha. Siguraduhin mo lang na ako, dahil kung hindi..." panakot ni Sarah, "you'll be one of my enemies..."

"Enemy agad?" Medyo nakakabawi na si Leslie sa paghinga at medyo maayos na ang kanyang pakiramdam. Hindi na din siya  kinakabahan masyado.

Hindi pa din mapakali si Sarah at sa tingin niya talaga ay may tinatago ang kaibigan. Tumayo siya at lumakad patungo sa kwarto ni Tiya Lucy.

"Ano ba hinahanap mo? Wala nga ako kasama e." ang pagpaplastik na reaksyon ni Leslie.

"Wala naman bes, may titignan lang ako."

Binuksan ni Sarah ang pinto at bigla siyang lumuhod at binaba ang katawan para makita ang baba ng kama. Medyo namutla at ibang iba ang reaksyon ni Leslie. Nag-iisip na siya ng dahilan sa kaibigan kung paano niya mapapaliwanag ang lahat. Iniisip na niya kung paano niya sisimulan, kung dapat ba siyang magsimula sa pagbigay ng Tiya Lucy niya ng kwintas na galing sa nanay ni Sarah, o... Hindi niya alam. Nanlaki ang kanyang mga mata nang ibinaling ni Sarah ang kanyang tingin kay Leslie pagkatapos niya tignan ang kung ano meron sa baba ng kama. Ang mga titig ni Leslie ay parang nagpapakaawang aso.

"Done," ang basta na lang na sabi ng kaibigan. Wala siyang nakita. Wala kahit ni isang bagay sa ilalim ng kama.

"O ano? Ayaw maniwala?" ang pasimpleng tanong niya at narealize niya na wala nga talagang nakita si Sarah sa baba ng kama.

"Asan kaya siya? San kaya siya nagtago?" ang tanong niya sa sarili. Habang hindi pa nakatayo si Sarah ay siya namang pag-ikot ng tingin niya sa kwarto, at wala siyang nakita.

"O tara na bes," tumayo na si Sarah at hinawakan ang braso ng kaibigan at naglakad sila patungo sa sala.

"Pasensiya ka na bes ha," ang hinging paumanhin ni Sarah, "kaw naman kasi ang weird mo these past few days."

"E... meron pa bang mas we-weird sa akin?" pilit siyang ngumiti. Hindi niya maikakaila na nanlamig talaga siya kanina nang biglang bumaba si Sarah para tignan ang baba ng kama.

Tumawa na lang si Sarah at sabay sabi, "ahm.. wala na?" Pinilit na din ni Leslie ang sabayan ang kaibigan sa pagtawa.

Isang buong hapon na magkasama ang kaibigan na nanuod lang ng iba't ibang movies sa bahay nina Leslie. Inabot na sila ng gabi nang nagpaalam na si Sarah.

"O bes, uwi na ako ha. Gabi na e," ang paalam ni Sarah.

"O sya, hatid na kita sa labas," tumayo na ang dalawa mula sa pagkakaupo at dumerecho na palabas ng bahay.

"O dun na ako mag-aantay ng taxi sa kanto," ang sabi ni Sarah.

"Gusto mo samahan kita habang nag-aantay ka dun?"

"Huwag na. Ako na lang," lumakad na siya papalayo patungo sa kanto para mag-antay ng masasakyan pauwi.

Si Leslie ay bumalik na sa loob ng bahay. Ni-lock niya ang pinto at agad nagmadali na pumasok sa kwarto nina Tiya Lucy. "Renz?" Ang pabulong na tawag niya sa loob ng kwarto na hinahanap pa din ito. Inikot na niya ang tingin sa loob ng kwarto ngunit hindi niya ito makita.

Lumapit siya sa cabinet para tignan ang gilid nito, ngunit walang nakatagong Renz doon. "Renz?" Pabulong pa niyang tawag. Bigla na lang bumukas ng bahagya ang pinto ng cabinet at biglang may humawak sa kanya sa hita. Bigla siyang napatalon sa kinatatayuan.

"Buti naman at nakapagtago ka ng maayos," ang sabi ni Leslie.

Ngumiti lang si Renz. "Nararamdaman ko kasi na parang may mali, na parang dapat ko pang itago sarili ko sa hindi ako madaling makita. Para bang may kung anong pwersa ang nagpumilit na magtago ako. Basta ang hirap ipaliwanag."

"Ganun ba?" ang pagtataka ni Leslie.

"Oo e. Sumilip ako kanina sa pinto ng cabinet habang pumasok kayong dalawa. Parang pamilyar sa akin ang mukha ng kaibigan mo. Ano nga ang pangalan?" Tanong ni Renz na akmang nag-iisip.

"Sarah," sagot ni Leslie na nagtaka na din sa mga sinasabi ni Renz.

"Sarah.... hmmm...." nasa baba ni Renz ang kayang mga daliri na seryoso sa pag-iisip, "parang nakita ko na talaga siya, di ko lang matandaan kung saan at kung papaano."

Naiisip ni Leslie na baka nga nagkita na sila dati ni Renz ng mga panahon na buhay pa ito, bago pa nangyari ang lahat sa kanya.

"Tigilan mo na nga ang pag-iisip na yan, tara na sa sala," ang yaya ni Leslie.

Pumunta na ang dalawa sa sala.

Walang matandaan si Renz. Lahat ng mga bagay na nangyari sa kanya bago siya namatay ay hindi niya maalala. Lahat, kahit ang kanyang pangalan. Parang nagkaroon siya ng bagong utak at memorya na nagsimula lang magfunction nung nagising ito.

Noong unang araw na nagising siya ay may nakita siyang nakasulat sa papel na may pangalang Renz, kaya iyon ang napag-isipan niyang gamitin dahil pinilit niyang alalahanin ang lahat ng tungkol sa kanya ngunit walang lumalabas. Ang tanging naiisip niya lang ay ang imahe ni Leslie. Ang salitang Leslie na basta na lang pumuno ng isip niya.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon