"Kamusta ka na diyan?" Ang hingal na tanong ni Tiya Lucy. Nung narinig niya ang tanong ay doon na niya nakasigurado na hindi pa nakakauwi ang tiya at nabuhayan siyang muli.
"Okay naman po ako dito," ang sagot ni Leslie na kinakabahan pa din simula't simula na nakita niya ang pangalan ni Tiya Lucy na lumabas sa screen ng phone niya, "bakit po parang hingal na hingal kayo?"
Halatang halata talaga sa kabilang linya na hingal na hingal si Tiya Lucy at parang kakatapos lang tumakbo sa ganoong oras.
"Ah.. kasi may pinuntahan kaming bundok," huminga ng malalim ang tiya at nagsalita ulit, "ang layo nang nilakad namin at sobrang tagal ng byahe kaya eto ako ngayon parang inatake ng asthma."
"Ah ganun po ba. Bakit po pala kayo napatawag?" ang tanong ni Leslie. Naisipan niya na siguro ay hindi lang naman natawag si Tiya Lucy sa ganoong oras para mangamusta.
"Ai oo. Napatawag ako kasi gusto ko sanang itanong kung may nakakuha na ba sa katawan ng lalaking iniwan ko diyan?" Ang tanong ng tiya na muling napatigil si Leslie. Muli na naman siya nanlamig at ang balahibo niya sa katawan ay tumayo.
"Ah-ah... yun po ba.. ahmm," hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Iniisip niya kung dapat ba niyang sabihin sa tiya kung ano ang nangyari at siya naman ang may pakana ng lahat sa kwintas at siguradong maiintindihan siya nito ngunit pwede ding hindi. "Ahmmm," hindi niya mabitawan ang mga salita na dapat niyang sabihin.
"O ano? Nakuha na ba?" Ang tanong pa muli ni Tiya Lucy.
"Opo..opo" dalawang beses niya inulit ang salitang opo at hindi alam kung ano pa ang sasabihin.
"Good. So nahatid na sa ibang funeral shop ano?" ang tanong pa ng tiya.
"Opo tiya," yun lang ang tanging lumabas sa kanyang mga labi. Nais man niyang sabihin sa tiya ang totoong nangyari ngunit takot siya na baka hindi nito maintindihan at lalo lang lumala ang mga nangyayari at baka maitigil ang kanyang inaasam na kaligayahan.
"Mabuti naman. Oh siya magpahinga ka na at gabi na. Tawag na lang ako ulit kung uuwi na ako. Ingat ka diyan." Ang paalam ng tiya sa kabilang linya.
"Sige po. Kayo din po. Bye." Ang ganti naman ni Leslie.
Napabuntong hininga si Leslie nang binaba ang phone at napaupo siya sa kama nang nakayuko.
"Ano ba kasi tong pinasok ko. Nakakaloka." Ang sabi niya sa sarili.
"Bakit babe?" Ang tanong ni Renz na ngayon ay nakatayo na sa may pintuan ng kwarto at iniwan niyang nakabukas iyon. Nagulat naman si Leslie sa boses ni Renz nung narinig iyon.
"Kanina ka pa diyan?" ang tanong niya.
"Hindi naman. Narinig ko na lang ang pagpaalam mo sa tiya mo."
"Halika," ang yaya ni Leslie kay Renz na tabihan siya sa kama at ito ay matutulog na.
Naunang humiga si Leslie at sumunod naman si Renz sa tabi niya. Napansin ni Renz na suot suot pa din niya ang kwintas.
"Hindi mo talaga hinuhubad yan sa pagtulog?" ang tanong ni Renz.
"Hindi. Feeling ko kasi parang naging kumpleto buhay ko pagsuot suot ko to." ang tanging sagot niya at niyakap si Renz.
"Hubarin mo kaya muna, baka sagabal yan sa pagtulog mo." ang utos nito.
"Sige na nga. Eto ang unang beses na huhubarin ko to," tumihaya si Leslie at inayos ang pagkakahiga. Inabot niya ang lock sa likuran saka hinubad ang kwintas.
"O ayan na," binitin niya sa kanyang daliri ang kwintas na hinubad at pinapakita kay Renz.
Wala siyang narinig mula kay Renz. Tumagailid siya ulit na kaharap si Renz. Nakapikit ang mga mata nito. Sarado ang bibig at hindi umiimik. "Hoy Renz. Aba tinulugan ba naman ako!" asar na sabi ni Leslie. Inaalog alog niya si Renz para magising ito ngunit wala pa ding imik ni kahit isang galaw lang ng mga daliri.
"Hoy Renz. Renz. Renz." Paulit-ulit niyang inaalog ang katawan nito ngunit wala pa ding imik.
Sa bawat pagtanggal ni Leslie ng kwintas ay nawawala ang bisa ng mahika nito. Kung sino man ang humiling sa kwintas ay siya lang makakasuot nito para magpatuloy ang ano mang hiling na hiningi mula dito.
Kinabahan si Leslie. Tinignan niya ang kwintas at doon niya nakita na nawalan ng kulay ang kwintas. Ang dati na kulay rosas ay isa na lang parang tubig na nasa loob ng crystal.
Nagtaka siya ngunit hindi siya nagdalawang isip na isuot ulit ito at baka yun ang naging dahilan nang pagkawalang malay ni Renz. Inaabot niya ang lock sa likod at isinara sabay niya nakita ang pagpanumbalik ng kulay ng laman ng pendant.
"O bakit di mo pa tinatanggal?" Agad na humarap si Leslie kay Renz nang narinig niya itong nagsalita.
"Ahh. I guess hindi pwede," ang tanging nasagot niya sa tanong. Hindi alam ni Renz na nawalan siya ng malay. Sa bawat tanggal nito ni Leslie para kay Renz ay mga oras lang yun na tumigil at wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari, parang isa lang panaginip na hindi nangyari.
"Sige na nga. Wag na nga."
Niyakap ni Leslie si Renz nang mahigpit habang pinipilit na niya ang sarili matulog, "I love you Renz," sadyang lumabas sa kanyang bibig ang mga katagang yun. Isipin niya man na wag sabihin tinulak pa din talaga ng kanyang puso ang kanyang ninanais sabihin.
Napangiti si Renz at ginantihan ng yakap si Leslie sabay sabi, "I love you too babe," akmang hahalikan niya ito sa noo at bigla siyang napatigil. Naalala niya na hindi nga pala pwede at baka siya ay maging isang bulok na katawan na lamang at walang saysay sa buhay ni Leslie.
Natapos ang gabi ng kombinasyon ng saya at lungkot. Saya na sa wakas ay inamin na din sa sarili ni Leslie na mahal na niya si Renz at sinabi na ito. Ang gabi na puno din ng lungkot dahil sa nabawasan na naman ng isang guhit ang laman ng kwintas at alam na nila ang ibig sabihin. Hindi na sila pwede magkiss dahil kung ganun, mawawala na ang bisa ng mahika. At ang isang bagay pa na kanilang nadiskubre ay bawal tanggalin ang kwintas at ito ay magsasawalang buhag kay Renz.
Bago pa matuluyang nakatulog si Leslie ay may mga tanong na hindi niya alam ang sagot. Kung hanggang kailan at gaano katagal ang saya na kanyang nararamdaman. Kung kailan uuwi si Tiya Lucy na alam niya sa sarili ay siguradong malalaman din ang kanyang tinatago. Kung paano niya sasabihin sa kaibigan na ang boyfriend niya ay patay na at naging may buhay lang dahil sa kwintas na galing sa nanay niya. Hindi man niya nasagot ang mga tanong na yun, at least andun lang si Renz yakap-yakap niya at kasama niya buong gabi.
BINABASA MO ANG
My Dead Boyfriend
Teen FictionLife after death, sadyang meron ba? Si Leslie na puno ng pangarap, pag-asa at pagsisikap ay ginawa ang lahat para mapakita sa ibang tao na kahit sa hitsura at katayuan niya sa buhay ay may nakatadhana pa din na kaligayahan para sa kanya. Paano kun...