Chapter 19

161 10 7
                                    

Umuwi si Leslie na may ngiti sa mukha. Ang kanyang mga mata na kumikinang sa ligaya. Sa saya na sigurado ay makakamit na niya ang gustong mangyari, ang makita ng lahat na sa hitsura niya ay may isa pa ding lalaki na handang tumayo sa tabi niya at samahan siya sa isang ball. Bagamat meron pa din naman konting pag-aalala sapagkat hindi isang normal na tao ang kanyang ihaharap sa lahat.

Binuksan niya ang pinto. Hindi iyon naka-lock dahil si Renz ay doon na nakatira at palaging naiiwan sa bahay. "Renz, I'm home!" ang masayang sabi niya nang pagpasok niya ng bahay ng nakayuko at inaabot ang sapatos para hubarin iyon habang nakatayo.

"E-e-em," boses na pamilyar sa knya na kunwaring nililinis ang lalamunan.

Natigilan siya. Binitawan niya ang sapatos na nahubad sa kanang paa niya. Nanlamig ang kanyang katawan. Tumayo ang kanyang balahibo sa braso at batok. Kilala niya ang boses na yun at siya na lang ang pagbanggit niya ng pangalan. "Tiya Lucy?" Umayos siya ng tayo pagkatapos mahubad ang isa pang pares ng sapatos at nakita niya ang tiya na nakaupo sa sofa na ang mga braso ay nasa harap ng kanyang dibdib na parang isang magulang na galit sa anak na may nagawang kasalanan.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" ang masungit na tanong ni Tiya Lucy. Ang mga kilay niya ay nagsasalubong sa galit. Nakatitig lang siya kay Leslie habang tinitignan ang gulat at takot na mukha niya.

"Ah.. tiya, ka-kasi p-po..." hindi niya alam ang dapat sabihin. Nangangatal siya.

"Nag-aantay ako," ang mas mahigpit na sabi ni Tiya Lucy.

Hindi talaga mabuo ni Leslie ang mga salita. Lumapit siya kay Tiya Lucy. Dumerecho siya sa harap nito at bigla na lang lumuhod sa kanya na nakayapos ang mga braso sa hita nito. "Pasensiya na po tiya. Pasensiya na po."

"Tumayo ka nga dyan." Hinawakan ni Tiya Lucy ang kanyang mga braso at pilit na pinapatayo. "Tumayo ka at ayusin mo ang pagsagot sa mga tanong ko."

Tumayo si Leslie na nakayuko pa din. Ang luha niya na dumaloy na sa pisngi dahil sa takot at kaba. "Opo." Ang tanging lumabas sa kanyang labi.

"So si Renz pala," ang banggit ng pangalan ni Tiya Lucy, "Renz! Lumabas ka na diyan ng kwarto." Humakbang paatras si Leslie papalayo sa Tiya at hindi niya kayang harapin ang tiya ng malapitan. 

"Ah..eh.. siya po ang naging resulta ng paghiling ko sa kwintas." ang nakayukong sabi ni Leslie. "Siya po yung pinatay sa saksak na walang nagclaim bago kayo umalis."

"Ano?!" Napatayo si Tiya Lucy. Nagulat sa narinig mula kay Leslie. Ang mga mata niya ay nanlaki at nagulantang ang kabuuan niya. Lumapit si Tiya Lucy sa kinatatayuan ni Leslie. Hinawakan niya ito sa dalawang braso at iniyugyog. "Sigurado ka ba?" Ang tanong ng tiya na ngayon ay tunog nag-aalala. Nanginginig din ang mga tuhod ni Leslie na sumasabay sa pag-alog ng tiya sa kanya.

"Opo, simula po nung umalis kayo ay lapit na siya ng lapit sa akin." Nakayuko pa din na sabi ni Leslie.

"Ano ba kasi hiniling mo, ha?" ang nag-aalalang tanong ng tiya.

"Ang maging masaya po ako. Ang at least magkaroon ng gwapo na boyfriend na maipagmamayayabang ko sa iba,"

"Naku! Bakit ganito? Hindi tama to." Ang tanging nasabi ng tiya na mukhang alalang-alala para sa pamangkin. Hindi niya na din mismo alam ang gagawin. Dumerecho siya balik sa sofa at umupo. Lumingon siya sa likod at dun nakatayo si Renz. Saka niya na lang napansin ang kaputlaan nito na nagpapatunay na dati na itong bangkay.

Lumapit si Leslie sa kinauupuan ng tiya at umupo sa tabi nito.

"Pasensiya na po tiya. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. For these past few days, nahulog na po ako at napamahal kay Renz."

Nanlaki ulit ang mata ng tiya. Akmang magsasalita ngunit napatahimik na lang at nanlumo ang kanyang mga mata na tipong may malaki silang problema na hinaharap na walang solusyon. Parang may kung ano bang alaala ang pumasok sa isip niya na hindi niya mapigilan magreact ng ganun ganun na lang.

"Ah... alam ko na. Tawagan natin si Teresa." ang desidido niyang sabi. Kahit alam na ni Leslie na ang tanging solusyon kung paano tapusin ang lahat ng iyon, hinayaan niya pa din na tawagan ang nanay ni Sarah.

Pagdial na pagdial ni Tiya Lucy ng number ni Teresa ay inilapit agad niya ang cellphone sa tenga at maiging nag-aantay ng makakasagot.

"Hello?" ang sabi ng sa kabilang linya.

"Teresa?" ang tanong ni Lucy.

"O ako nga. Sino to?"

"Si Lucy to." ang pagpakilala niya. Umayos siya ng upo, yung tipong may kakausapin siyang seryoso. Bago pa magsalita si Teresa ay inilagay niya ito on speaker para marinig mismo ng pamangkin.

"O Lucy, kamusta ka na? Sana okay ka na."

"Okay naman ako. May problema tayo. Naaalala no yung kwintas na binigay mo sa akin?" ang tanong niya.

"A yun ba? Diba binigay mo na yun kay Leslie?" Ang pagkompirma niya.

"Ha? Paano mo nalaman?"

"Kasi tumawag din siya dito sa akin ng nakaraan. Nagtatanong kung paano matatapos ang kung anong nangyari gawa ng kwintas."

Ibinaling ang tingin ng tiya mula sa cellphone kay Leslie. Napayuko na lang si Leslie, "Opo tiya, alam ko po."

May dismaya naman na reaksyon na nakita si Leslie kay Renz na nakikinig din sa pinag-uusapan ng tatlo. Nalungkot siya sa narinig na ninais din ni Leslie ang mawala siya sa buhay niya. Napayuko na lang siya at tumalikod ngunit nakatayo pa din doon.

Tinignan lang siya ni Leslie na parang gusto humingi ng tawad. Gusto niya ipaliwanag ang lahat pero hindi ngayon.

"Sabi ko sa kanya ay tanging ang laman lang ng kwintas ang makakapagtapos ng lahat. Pag yan ay naubos, tapos."

Natigilan ang lahat. Natahimik ang lahat at walang umimik. Nagkatinginan lang si Lucy at Leslie.

"Bakit ano ba ang nangyayari?" ang tanong ni Teresa.

"May maling nangyari, pero naging masaya naman si Leslie." ang pagpaliwanag ni Lucy.

"Ganun naman pala. Go with the flow lang kayo. Alam mo naman na it always comes with a price. Diba nga yung kay Mario..." hindi na niya napagpatuloy ang sinabi dahil biglang nagsalita si Lucy.

"O sya yun na lang. Salamat." at tinapos na ang tawag.

Nagulat naman si Leslie sa narinig. 'Diba nga yung kay Mario' mga salitang tumatak sa isip niya. "Ano meron kay tiyo Mario?" Tanong niya sa sarili. Ang sabi sa kanya ng tiya niya ay basta na lang inatake sa puso ang Tiyo Mario niya kaya nawalan ng buhay. Pero bakit parang may tinatago sa kanya ang tiya.

"O ano na plano mo Leslie. Alam mo naman pala bakit hindi mo pa tapusin?" ang sabi ng tiya.

"Ka-kasi po a-ayaw ko po at mahal ko na si Renz," ang sagot niya. Napalingon si Renz sa kanya at nagkatitigan ang dalawa. Ang mga mata nila na nanunuyo sa isa't-isa. Ang katawan ni Renz na pinipigilan niya ang sarili lumapit at gustong gusto niyang yakapin si Leslie

"Hai," ang tanging lumabas sa bibig ni Lucy at napayuko na lang ito. Lumapit siya kay Leslie at niyakap na lang ito. Ang lungkot sa kanyang mga mata at pag-alala ay namumuo pa din.

"Sana hindi ka matulad sa nangyari sa akin," ang dagdag pa niya.

"Ang alin po?" tanong ni Leslie.

"Ang kunin sayo ang taong mahal mo," tumulo ang luha ni Lucy sa likod ng pamangkin habang yakap yakap pa din ito. Mas lalong humigpit ang yakap niya nung binanggit ang mga salitang yun. Clueless pa din si Leslie at hindi alam kung ano ang sinasabi ng tiya. Hindi niya mapagtanto ang mga sinabi ni Teresa at ng kanyang tiya at kung paano iyon naging katulad ng kay Tiyo Mario.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon