Chapter 9

206 20 7
  • Dedicated kay Ciejay Santos
                                    

Pag-uwi ni Sarah derecho agad siya sa kwarto. Ang bahay nila na up and down, malaki at malapad. Masasabi talagang may kaya sila, ang tatay niya kasi ay anak ng datu sa Davao kaya meron siyang dugo ng Muslim at dugo ng mahaharlika.

Ang sala nila ay may maraming nakapaskil na picture frames sa dingding. Pagpasok na pagpasok ng sino man sa bahay nila ay makikita agad ang kanilang family picture. Yun yung pinakamalaking larawan sa buong bahay. Nakapaskil yun malapit sa hagdan paakyat. Magaganda ang palamuti ng bahay. Ang chandelier na agaw atensyon ang pagka-ginto nito. Ang puting sofa na tingin pa lang ay ramdam na ang lambot. Ang mga bulaklak na nakalagay sa vase at nakapatong sa center table ay ubod ng ganda, pinaghalo halong daisy, rosas, orchids at iba pa. Naka-arrange ang mga ito para maging kaakit-akit tignan.

Nasa taas ang kwarto ni Sarah. Pag-akyat mismo ay ang unang pinto na makikita. Sa dulo naman ay ang kwarto ng kayang nanay at tatay. Tatatlo lang ang kwarto sa bahay nila. Ang isa ay guest room na nasa baba.

Pagpasok niya sa kwarto ay pansin ang pagkakaiba ng kanyang reaksyon. Mapapansin din ang mga wallet size pictures na naka paskil sa dingding ng kwarto niya. Mahilig kasi magselfie si Sarah kaya ang mukha niya ay parang wallpaper na ng kanyang kwarto. Yung ibang pictures ay magkasama sila ni Leslie, meron din may kasama siyang lalaki, kasama niya nanay niya, at ang tatay niya. Nag-iisang anak lang si Sarah kaya lahat ng mga gusto ay palaging napapasakamay.

Hinubad lang nito ang suot suot na high heels at tumalon na sa kama. Nakatitig lang siya sa kesame na parang nag-aantay ng may mahulog mula doon. Parang ang mga titig niya ay sadyang nakadikit lang doon.

Alam ng mga nakakarami ay isang masayahin at puno nang pagmamahal si Sarah Abdul. Pagnakita siya ng mga tao ay palagi itong nakangiti. Pakiramdam nga ni Leslie ay ang lungkot lungkot niya pagkasama ang kaibigan dahil sa mga ngiti nito kahit ano man ang mangyari. Happy-go-lucky din na maituturing si Sarah. Ang hindi alam ng mga tao ay ilang linggo lang ang nakalipas ay nagsimula ang hindi niya inaasam, ang maging malungkot at ang pagpilit na pagsuot nito ng maskara ng isang Sarah na masayahin.

Maraming tinatago si Sarah sa kanyang sarili. Siya ay isang babaeng masekreto. Kahit sa kaibigan niya ay hindi niya kinukwento ang mga sekreto, o kung makapagkwento man ay hindi din detalyado. Tulad nang sasabihin niyang may crush siya pero hindi niya sasabihin kung sino. Marami pang hindi alam si Leslie tungkol kay Sarah.

Isa sa mga tinatago niya ay ang pagkakaroon ng boyfriend. Ang alam lang ni Leslie ay may nanliligaw sa kanya nung first year sila. Hanggang doon lang ang ikenwento sa kaibigan. Hindi din alam ng pamilya na may boyfriend ito dahil hindi niya dinadala sa bahay at siguradong malalagot siya sa mga magulang nito pagnalaman. Ang kasunduan kasi ng mga magulang niya ay ibibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya pero hindi siya magboboyfriend hanggang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya naman more than 2 years silang patago na nagdadate at gumagala kung saan-saan ng boyfriend niyang si Mike.

Si Mike ay isang fil-am, maganda ang pangangatawan, gwapo, matangos ang ilong, magaganda ang mga mata at ang mga labi. In short, total package na parang artista. Siya ay isang estudyante sa kabilang unibersidad na pinapasukan nina Sarah at Leslie. Mag-isa lang na naninirahan si Mike sa isang condo sa Maynila. Ang mom niya ay nasa abroad at kasama ang kanyang dad. Ang plano ng mga magulang niya ay magtapos muna siya nang pag-aaral sa Pilipinas at saka siya dadalhin sa US. Nag-iisang anak lang din siya at katulad ni Sarah lahat ng hinihingi niya ay binibigay sa kanya.

Tulad ng iba, meron din silang funny moment kung papaano nagkakilala. Nagmamadali si Sarah nung time na yun papunta sa school at kailangan niyang mag-taxi na. Text pa siya ng text kay Leslie at inaalam nito kung nasa classroom na nila ang prof. Si Mike ay nagbabantay din ng taxi na masasakyan at busy-ing busy ito sa paglalaro ng PSP niya. Nung may tumigil na taxi sa gitna nila, nagmadali na tumakbo si Sarah na agawin ito kay Mike at akmang bubuksan na ang pinto ay siya naman din ang paghawak ni Mike sa kamay niya. Napatigil silang dalawa at nagkatinginan. Parang sa pelikula lang na ang babae ay nabighani sa nakatagpong lalaki at ganoon din naman si babae. Hindi nila napansin na meron din pala isa pang mang-aagaw at tinapik ang mga kamay nila sabay sakay ng taxi at humarurot naman agad ang sasakyan.

Natawa silang dalawa sa nangyari. At doon sila nagkakakilala. "Do you mind if we'll have coffee?" sabay turo sa Starbucks na nasa likuran lang nila.

"Not at all," sagot ni Sarah. Sabay na silang pumasok na cafe na yun. Pansin sa pisngi ni Sarah ang pamumula, medyo may hiya na nasisiyahan.

"Isn't that you're off for class?" ang tanong sa kanya ni Mike.

"Ah.. e.. Oo," ang utal na sagot ni Sarah. Bigla niyang naalala na nagmamadali nga siya papasok at siya ay late na. "Guess, I'm late already, at hindi kami pinapapasok ng prof pag ganun," ang kanyang alibi.

"Ah ganun ba. Buti naman. Ako aabsent na lang." ang pasimpleng sabi ni Mike. Akala niya ay mapapa-english talaga siya sa lalaking yun.

Nagsimula sila mag-usap ng mga kung anu-ano. Kung ano ang kurso ng bawat isa, kung saan sila nakatira. Text ng text sa kanya si Leslie at nag-aalala ang kaibigan at ang tanging nireply niya ay 'Di na ako makakapasok'.

Naging masaya ang kanilang first date, nasundan pa ito ng pangalawa, pangatlo, pang-apat, panlima, hanggang sa nanligaw si Mike at naging sila. Lahat ng mga date nila ay sadyang sekreto. Alam naman ni Mike na hindi pwede malaman ng pamilya ni Sarah.

3 weeks ago, nagkaroon ng problema si Mike sa grades niya sa school at nalaman iyon ng kanyang mga magulang sa States. Napagalitan siya at sinabihan siya na icucut daw ang kanyang allowance into half hanggang sa mapatunayan niya na worth siyang bigyan ng ganun kalaking allowance ulit.

Dahil nagtampo si Mike sa kanyang pamilya, nagdesisyon siya na wag pumasok ng isang linggo at mag-out of town mag-isa papuntang Laguna. Plano niyang magtrekking sa Tagaytay at kung saan pa pwede. Niyaya niya si Sarah pero alam naman niya na hindi pwede.

Maayos siyang nagpaalam kay Sarah ngunit hindi ito payag kasi gusto niya na mag-aral ng maayos ang kanyang boyfriend. Nagka-iringan silang dalawa. Nagalit si Sarah sa kanya at ganoon din si Mike na iniisip niya na hindi man lang siya sinusuportahan ng girlfriend sa kanyang mga desisyon. Pagkatapos nun ay wala nang narinig si Sarah kay Mike. Ang tanging alam niya ay mag-a-out of town siya. Tinatawagan niya ito ngunit unattented na ang phone. Nag-alala si Sarah sa mga panahong yun ngunit walang mapagkwentuhan dahil sa tago nilang relasyon. Yun na ang huling rinig niya sa boyfriend.

May araw din na pinuntahan niya ito sa unibersidad kung saan pumapasok si Mike ngunit ang sabi ng dean ay tuluyan na daw na hindi pumapasok si Mike. Ilang araw na ang nakakalipas at wala pa din balita si Sarah.

Kaya tuwing pag-uwi nito sa bahay ay palaging derecho sa kwarto at natutulala lang sa kesame. Ramdam na ramdam niya pa din ang lungkot. Iniisip niya na baka tuluyan na nga siyang iniwan ni Mike, walang pasabi. Iniisip niya ang kanyang mga naging pagkukulang at alam niya sa sarili na kahit minsan ay hindi ito nagkulang at yun lang ang pag-ayaw niya sa desisyon ng boyfriend na wag pumasok ng isang linggo at mag-out of town mag-isa. Minsan iniisip niya na lang na tuluyan na siyang kinuha ng kanyang pamilya at inuwi sa US para doon na lang mag-aral. Sa dami ng pumapasok sa kanyang isip, hindi niya mapigilan ang mapaluha gabi-gabi. Inilalabas niya na lahat ng lungkot bawat gabi,at kailangan niyang maipinta ang mga ngiti sa labi paggising na paggising sa umaga hanggang sa school.

Pag-uwi niya nung Sunday na gumala sila ni Leslie. Lumapit siya sa nanay niya at doon humingi ng tulong. Sinabi niya na lang na kailangan niya ng bagay na makakapagbigay katuparan sa gusto niyang mangyari. Hindi naman nagdalawang isip si Teresa at binigyan ito ng isang bracelet. Isang bracelet na gawa sa silver na may pendant na hugis luha. Ganoon din ang mga kundisyon  tulad ng kwintas ni Leslie, ang humiling ng tatlong beses sa magkakasunod na gabi.

Ang gusto niyang ihiling ay ang makita muli si Mike. Ngunit iniisip niya kung yun ba ang maganda gawin o magiging disaster lang ulit tulad ng huli nilang pagkikita. Naisip niya din na baka ayaw na sa kanya ni Mike at baka dahil sa bracelet ay mapilitan lang na magkaroon ng chance na magkita sila ulit. Ang gusto lang naman niya malaman ay kung bakit basta basta na lang siya nawala at hindi man lang nagpadala ng kung anong mensahe. Gusto niya malaman kung ano ang nagawa niyang mali bakit tuluyan itong lumaho sa kanyang buhay.

Ang tanong na palagi niyang tinatanong sa sarili mula ng binigay sa kanya ang bracelet ay kung hihiling ba siya o tuluyan na lang isama sa ala-ala niya ang pagiging parte ni Mike sa buhay niya.

"Makikita ko pa ba siya? O hanggang ala-ala na lang?," ang tanong sa sarili.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon