Chapter 7

253 23 2
                                    

Hinanap ni Leslie ang phone sa kwarto nang narinig itong tumutunog at may tumatawag. Nakita niya na si Sarah ang tumatawag.

"O Sarah, napatawag ka?" ang bati ng kabigan.

"Yayayain sana kita na mamasyal sa mall. Alam mo na lumalapit na ang Early Chritmas Ball natin sa school," ang sagot ni Sarah. "Gusto ko na nga sana bumili ng bago e. Ikaw ano plano mo?"

"Kasi naman Bes e... ang ball na iyan ay kailangan pa ng escort escort. Sa hitsura kong to e may magnanais kayang sumama sa akin?" ang tanong ng kabigan na parang patapos niyang sinabi.

"Naku friend. Konting makeover lang yan. Pak na pak ka na niyan," ang maarteng pagkakabigkas ni Sarah.

"Bahala na friend. O anong oras ba tayo?"

"Ngayon na ngayon na friend. Susunduin na kita diyan. Taxi na lang ako."

"Grabe ka naman kung makapagyaya, agad-agad. O siya mag-aayos na ako."

Binaba na niya ang phone at nagmadali nang maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi siya naglalagay ng lipstick, kahit foundation wala. Pulbo lang talaga ang naging isang pambato niya sa oiliness ng mukha. Ni kahit buhok ay hindi niya maayos ng mabuti gawa sa pagkakulot nito na parang hindi.

Suot suot niya ang puting blouse at blue jeans saka naka-doll shoes. Sa pananamit niya, nagmumukha siya lalong manang. Halatang halata pa naman ang mga eyebags niya na di man lang nakayang takpan ng pulbo. Hindi naman kasi talaga siya marunong magmake-up kaya wala din patutunguhan.

Para sa kanya ay tamang ayos na yun at pwede na siyang umalis. Paglabas niya ng bahay ay napansin niya na bahagyang bumukas ang pinto. At doon ay nahuli niyang sumisilip sa labas si Renz.

Lumapit siya dun sa pinto at saka naman ang palayo at pagpasok pa sa loob ng shop. "Ano ginagawa mo?" ang tanong ni Leslie na nakabewang pa na parang isang galit na magulang sa may nagawang mali na bata.

"Gusto ko lang makakita ng liwanag," ang paliwanag nito.

Sa oras na yun. Binabantayan niya talaga na lumabas si Leslie. Alam niya sa sarili niya na kahit anong oras ay pwede siyang puntahan nito.

"O, ako'y aalis. Dito ka lang at huwag aalis," ang utos ni Leslie.

"Tatagal ka ba babe?" Ngiting tanong ni Renz, "pasalubong ha," dagdag nito.

Lumabas na si Leslie sa shop at hindi na nagsalita pa. Nang sinara niya ang pinto bigla naman umilaw ang kanyang kwintas.

"Leslie ko," tawag ni Renz.

Napaghalataan na ni Leslie na parang umiilaw ang kanyang kwintas pagtinatawag siya ni Renz. "Pwede din kaya na kung iniisip niya ako at tinatawag sa isip niya?" Ang tanong niya sa sarili.

"Hindi ko ilolock to kaya diyan ka lang," ang paalam niya kay Renz.

Tumigil na ang pag-ilaw nito at tuluyan na nga siyang umalis papunta sa kanto at doon na siya magpapasundo kay Sarah.

Isang oras lang ang nakalipas at nasa mall na silang dalawa. Kung saan saan nagpunta. Pumuntang department store, mga stores ng apparel at mga damit. Si Leslie naman ay walang pakialam sa mga nakikitang damit at wala siyang planong umattend sa ball.

Nagtagal din sila sa kakagala sa Mall. Nang tamang pauwi na sila biglang nag-ilaw ang kwintas ni Leslie.

"Bes, ano yang nailaw? Kwintas ba yan?" ang tanong ng kaibigan.

Pilit na itinago ni Leslie ang lutang na lutang na pag-ilaw ng kanyang kwintas. Kahit ang ibang tao sa palibot nila ay napansin ito. Basta na lang na parang may isang bolang ilaw na umandar sa may taas ng kanyang dibdib.

My Dead BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon