Encounter

1.8K 12 0
                                    

Dear Charo,

First of all at hindi huli sa lahat
Papakilala ko muna si Charo sa inyo. Si Charo po ay Name ng diary ko. Pinangalan ko yun sa kanya kasi pangarap ko talagang mabasa ni Charo Santos yung story ng buhay ko pero sa kasawiang palad huhuhu di niya parin nababasa sayang yun pre! Mala wattpad pa naman ang story ng buhay ko xoxad :D

So next to next level

————————————————

Dear Charo mah'friend,

             Charo alam mo ba?
Syempre di mo pa alam kasi sasabihin ko palang sayo. Unang pasok ko palang sa school, Ang dami ko ng friends yieeeeeee give me a high five Charo! So yun nga ang dami ko na ding taga hanga, Grabe famous pala ako HahAha ngayon ko lang na knows toh!

            Alam mo Charo? Uyy
Ang Lande na agad ng kaibigan kong si Rica kasi naman nakita niya daw ang ultimate crushiee niya. Dinedescribe pa niya sakin kung ano itsura parang ganito

Rica : Yung crush ko napakaangas saka Ang ganda ng mga mata niya parang mga bituin na nagniningning sa kalangitan yieee Matipuno din tapos mapanga

             Kinikilig pa siya dyan
Charo ipagdasal mo ko huhuhu magkakasala yata ako sa friend ko. Parang crush ko nasa ang crush niya kasi naman sa dami dami ng sasabihin bakit dinamay pa ang mapanga? Eh alam nyo naman si ako, pagmapanga ka lang tas napaingiting mo... Papakasalan na kita hihihi

           Pero erase erase Charo
Bawal yun deba charo? Ayokong maging kabit ng kaibigan ko sa crush niya kaya nagbasa na lang ako ng wattpad

         Ito pa may chismis pa ko sayo Charo hihihi ang dami ko talagang alam. Ang chismosa ko na tuloy

          Pero Charo sa susunod na lang kasi nandito na teacher namin eh. Bye bye Charo ingats mamaya na ulit natin ipagpatuloy ang ating chismisan.

   

               —————Matalino🌌
        Short for------

“Good morning everyone! ” Bungad ng guro namin sa unang subject

Agad kong itinago si charo sa aking mahiwagang bag.

Nagsitayuan kami upang bumati at magbigay galang sa nakakatanda

“Good morning Ma'am---Ma'am anong name nyo?” sabay sabay naming tanong

“You may now take your seat.
I'm Mrs. Yshera Fabilano, TLE teacher. If you have a problem please spill it out”

“Okay Mrs. Fabilano” sagot namin. Syempre nakaupo na kami kanina pa duh! Commonsense na lang yun!

“Di muna ako mag-start ng klase dahil uubusin natin ang oras ko sa pagpapakilala nyong lahat. Okay ba?” mahinahon na sabi ni Mrs. Fabilano

Nagsitanguhan naman agad kami. Grabe!!! USO pa pala yung introduce yourself?

Okay charo naririnig mo naman yata ako deba? Practice muna ako huh? Malayo layo pa naman ang bangkuan ko kaya may time pa ko para maghanda

Hello? Ako po si Maria Tasha Lin Novalia a.k.a Matalino
Ek ek ek!
Masyadong common na

Next

Wasssuppp everyone yowww?

*Erase para naman akong tanga niyan*

Bahala na nga

“Hello po?!!!!!!!! Ako po shi! Naomi! Chavez!” sigaw nung kaklase ko sabay upo na parang walang nangyari

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon