Dear Math,
Nandito ako ngayon sa may tapat ng bahay nila neknek. Anong ginagawa ko Math? Syempre nakatambay lang naman.
Nakita kong lumabas yung nanay ni neknek tapos nakita ako. Dali dali akong naglakad paalis ngunit bigla akong tinawag ng nanay niya. Hala? Math help! Nalaman na Niya yata kung bakit nahimatay si neknek? Luh!!!!!!
Huminto ako at hinarap ko ang nanay niya
“Ikaw ba yung batang--”
“Sorry po Tita.. Sorry kasi dahil sakin natakot si neknek tapis nahimatay pa sya sorry po”
Tinawanan lang ako ni Nanay niya.
“Hahaha ikaw talaga ikaw ba si Clark?” tumango ako bilang sagot
“Ako dapat ang magsorry sa ginawa ng anak ko sayo. Pero napingot ko na naman siya. Alam kong sya may gawa niyang black eye mo” turo niya sa mga mata ko.
Napangiti na lang ako sa kanya
Mabait pala nanay ni neknek kaso amazona lanag talaga si Neknek. Di ko maimagine na pag naging asawa ko si neknek lagi akong gulpi.
Lumipas ang ilang araw lagi na kong dumadaan sa harapan ng bahay nila neknek para makita niya ang kapogian ko kaso mukhang deadma lang ng Nanay nyo.
Minsan pag dadaan ako nakikita ko siyang nakasilip sa may bintana tapos mapapatingin sakin. Edi kinikilig ang Nanay nyo kasi nakita ako HAHAHA.Pero no effects pa rin sa kanya! Math pano? Wala na bang pag ASA ang kapogian ko?
Pero isang araw naisipan kong puntahan siya para makapaglaro kasama si Dindin.
Ang tagal tagal niya Grabe tapos bigla siyang lumabas na puting puti ang mukha tapos kalat kalat yung lipstick kaya napatakip ako ng mukha hindi sa takot Ako huh! Kasi ayokong makita siyang ganun ang itsura tsk! Pero tong kasama ko wagas kung makatawa.
Piningot sya ng nanay niya at pinaligo muna bago makipaglaro samin. Di naman ako nag ayang makipaglaro talaga eh. Gusto ko lang makita sya. Dahilan ang talaga yung laro Hehehe sorry naman math!
Habang tumatagal math mas lalo syang tumatagal.
Napansin ni Dindin na lagi akong sumusulyap kay Nek nek
“Gusto mo si neknek nuh?” sabay sundot niya sa tagaliran ko.
Namula yata ako tsk! Bakla
“Huh? Secret okay? Please?” pakiki usap ko dito
“Sige sige kaso may kaizer na sya deba?” alalang tanong niya sakin.
“Weh? Parang kapatid niya nga lang ituring yun? Try natin pagselosin?” Pagmamalaki ko
“Sige sige great idea!” masayang sabi niya.
Inakbayan ko si Dindin at saktong napatingin sya sa dako namin.
Binato niya yung balde na may lamang tubig tapos kiniss sa pisngi si Kaizer. Kaya biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Tang'na ako nga magpapaselos ako pa ang nagselos lintik!
Ngumiti pa siya sakin ng mapang asar
—Clark
BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Historia CortaAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...