Dear Keyshia,May chismis ulit ako sayo hihihi. Wahh para naman akong mangkukulam na nag iimpit ng tawa parang ganito hihihi oh deba? Next time di na natin gagamitin ang hihihi na yan!
Ito na nga yung chismis ko Keyshia atat ka masyado!
Atat na atat di makapag hintay?
So ito na nga.Dumaan na naman si Adam yung crush ko sa harapan ng bahay namin. Grabe habang tumatagal parang gumagwapo siya yieeee.
Alam mo parang gusto ko na siyang pakasalan tas ikikiss *erase *erase bad yun! Keyshia tinuturuan mo na kong humarot! Bad ka!Nakapolo shirt siya tapos naka pants grabe ang pogi na talaga. Kaso may panira! Kasama niya na naman si Piggy the Queen of Baboy! Grabe huhu may kabit si Crush! Pagnaresbakan natin yan keyshia wala ng epal sa love story namin ni Adam.
Di ko inaasahan keyshia na kumatok si Adam sa bahay namin kaya dali dali akong naglipstick at nag pulbos.
Pagkalabas ko napatakip siya ng mata at si piggy naman tumawa ng wagas.
Napingot tuloy ako ni Mama Kasi mukha daw akong clown, tinakot ko pa raw si Adam. Takot pala si Adam sa clown huhuhu di ko knows
Pinaligo ako ni mama at lumabas na para makipaglaro kila Adam at piggy.
Grabe hinawakan ni Adam yung kamay ko tas inakbayan Niya si Piggy huhuhu okay na sana eh may kabit ka pa adam! Isa kang taksil!
Ginabi kami sa kakalaro kaya napagdecide namin na umuwi na. Hinatid nila ako sa bahay yieee si crush talaga concerns sakin. Haba ng hair ko joke!
—Mahaliparot—

BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
ContoAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...