New user

301 5 0
                                        


Dear Keyshia,

        Ikaw na Bahala magsekreto lahat ng nalaman natin huh? Ayoko kasing mag alala sila mama at papa sakin. Alam mo namang masaya silang namumuhay kaya huwag nating palungkutin Keyshia.

           Dinala ako ni Tita Emilia
Sa hospital dahil bigla nalang akong mahimatay sa daan. Namimili kasi kami ng bagong diary ng bigla na lang daw akong tumumba sa sahig.

            Pumasok si Tita Emilia sa silid ko na umiiyak. Tinanong ko siya kung bakit pero umiiling lang siya. Di ko na pinilit kasi baka mas lalo siyang umiyak. Kaya niyakap ko na lang siya.

            Isang araw narinig kong nag uusap sila Tita Emilia at ang doctor ko. Narinig kong “May brain cancer po si Maria. Di na po ito maaagapan pa. Malala na kasi. Pero manalangin tayong tumagal pa ang buhay niya.” at tuluyan ng lumandas ang luha sa aking pisngi.

Di na daw ako tatagal? Keyshia ayoko! Gusto ko pang mabuhay! Keyshia! Gumawa ka ng paraan! Keyshia!

        Nung araw na yun ay gumawa ng paraan si Tita para makalabas kami ng hospital. Kila Tita kasi ako nagbabakasyon kaya sya lang ang kasama ko.

“Tasha.... Ito pala yung hawak hawak mo bago ka nahimatay sabay pahid ng kanyang luha na lumandas sa kanyang mata.

Inabot niya sakin ang kulay blue na may paro-parong desenyo at may pagkakahawig sila ni Keyshia.

Ngumiti ako at nagpasalamat kay Tita pero puro iyak lang siya ng iyak. Ano kayang papangalan ko sa bago nating kaibigan keyshia?
Paroparo? Tapos mahilig mag char sila bekie kaya Charo, Charo na lang name niya hihihi

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon