C#03

180 3 0
                                    


Dear math,

             Nagpapasama na naman si Dindin papunta sa bahay ng mga kalaro. Kaya no choice na naman kundi sumama but before it.

Nagpapogi muna ako sa salamin Math, para maaakit na sakin yung nagsasabing mukha daw akong aso? Like what the hell?
Nagpahid ako ng gel sa buhok ko at nagsuot ng damit na kala mo mayaman pero mayaman naman talaga.

Mukha na kong artista hmm? Ano ka ngayon babae

Nandito na kami ngayon sa bahay nila Mimay. Kanina ko pa hinahanap yung babae kaso wala pa rin siya

“Sino ba hinahanap mo Clark? ” tanong ni Dindin.

Kinunutan ko lang siya ng noo

“Ay English ba gusto mo wait... Who... Ano nga wait alam ko English dun eh.. Nakalimutan ko. Bahala ka nga dyan Clark ” sabay pinagpatuloy niya ang paglalaro ng Manika

“Hoy kayong lahat!” Sigaw ng paparating na batang babae.

Napasmile ako ng makita siya. What? Smile!

Nakatakip siya ng mga mata

“Y-yung mga Manika nyo! Ang papanget! Parang mga taga ibang planeta! Ilayo nyo yan! Itapon nyo! Siguraduhin nyo na di ki makikita yan. Okay?” sigaw niya ulit

Di ba sya napapaos kakasigaw

Nakita kong lahat ng mga laruan nilang manika ay pinag tatabi sa kanya kanyang lagayan at tinago sa di talaga makikita ni Babae

“Takot kasi siya sa manika..” bulong sakin ni Dindin

“Takot sa manika? HAHAHAHA ” sabay tawa ko

“Nakatago na ba lahat?” tanong niya

“Oo” sabi ng mga kalaro niya

“Hoy ikaw! ” turo niya sakin

“Oh ano?” tanong ko pero di ko mapigilan ang pag tawa ko.

“Bakit ka natawa! ” sigaw niya na naman.

“Takot ka pala sa manika eh” asar ko sa kanya

“Ako takot! Sino nagsabi!” sabay sugod niya sakin pero bigla kong nilabas yung manikang tinatago ko kanina pa sa likod ko. Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya

Umirit siya ng napakalakas at ang tinis tapos biglang nahimatay.

                                   —Clark

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon