#08

193 3 0
                                    


Dear Keyshia,

            Ang saya saya ko kasi ako ang maid of honor sa kasal ni Piggy. Siya kasi ang ikakasal sa laro naman duh! Di ko kilala yung groom eh kaya ito kinukulit ko siya para masabi niya pero sabi niya lang ay “Mamaya na neknek hihihi Surprise kasi yun enebe kenekeleg me ”
Sasampalin ko na sana siya sa kahibangan niya para magising ng biglang pumasok si Mich yung  twin ko na di ko kamukha HAHAHA we're different yiee.

Bihis na Bihis siya ng magandang damit samantalang ako naka t-shirts na puti lang at nakashort ng maikli para maakit si Adam joke!

Harot mo keyshia!

Nagsisimula na ang seremonya sa likod bahay nila piggy.

Naglakad ako sa nakalatag na kulay pulang tela na halatang pinuslit kang ni piggy sa loob bahay nila. Magna si piggy/Dindin.

Naglakad na rin si piggy habang hawak ang Rosas na pinitas lang namin sa may garden nila HAHAHA.

Ngiting ngiti ang baboy grabe. Di ko maimagine.

Ang pari namin ay si Teklong at ang musician namin ay si Pekneng-neng. Ang sasama ng palayaw buti nalang nek nek yung akin maganda ganda pa.

Nakita Kong ang groom ay si Adam at natatawa ito habang nakatingin kay Piggy.
No!!! Ako dapat ang papakasalan niya!

“Itigil ang kasal!” sigaw ko kaya napahinto silang lahat at napatingin sakin.

“Paano nyo nagawa sakin to? Ako ang tunay na asawa ni Adam! Hindi ka na Niya pwedeng pakasalan pig---dindin!!!” reklamo ko

Yung tingin nila sakin Keyshia parang nagtatanong

“Sino si Adam?” tanong nilang lahat.

“Yung groom!” sigaw ko

Nagtawanan silang lahat.

“Wala namang groom eh” sabay tawa ni Teklong.

“Nagkasalan pa kung walang groom Si Dindin?” tanong ko.

“Hindi naman si Dindin ang ikakasal duh” maarteng sabi ni Mimay, isa sa kalaro namin.

“Eh di sino?” Tanong ko

“Ikaw! Hanu ka Bha BhE” sabay akbay sakin ni Mimay.

“Sinong groom?” tanong ko

Keyshia di ka matutuwa na malalaman mo

Next time ko na kaya sabihin sayo yung kasunod? Para kasing nakakatakot eh

Sige na nga dahil mapilit ka sasabihin ko na

“Ako”

Napatingin ako sa nagsalita at Si Mimoy pala ang groom ko. Yung may Crush sa akin na uhugin huhuhu. Tulo pa sipon niya tapia pinunasan niya ng Laylayan ng damit niya. Whaaaaa isa itong horror hindi kasal.

“No!!!! Si adam lang papakasalan ko!” sigaw ko

Ang ending umiyak ng umiyak si Mimoy kasi di ko daw tinupad yung dream niya na magpakasal sakin. Ew ew ew kaya duh

Yolk! Maarteng yuck yan hihihi narinig ko kasi kay Adam yun nung nag aaral siya ng itlog ng manok tas nandiri yata siya kaya sinabing yolk.

“Sino ba kasi yang adam na yan!” galit na sabi ni Adam

Whaaaa di niya alam na siya si adam? Ay oo nga pala di niya pala name yun

“Uh? Di mo kilala?” patay malisya kong sabi

Matalim niya kong tiningnan at umalis na lang bigla.

“Hala? LQ?” sabat ni Piggy.

“Ewan? Problema nun?” tanong ko

“Crush ka nun eh di mo alam?”
Sabi ng mga kalaro namin

Nagulat ako tas napailing.

“Hindi ko alam eh”

“Now you know na nek nek?”

Tumango ako.

                       —Crush ng crush ko

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon