Dear Math,Di ko pinansin buong araw si neknek ni hindi nga namin siya sinali sa laro na bahya bahayan tapos siya ayun nakatunganga lang naman sa may bintana habang nakatingin saming lahat. Yung mata niya parang ang lungkot. Parang gusto ko siya isali pero di pwede. Galit pa ko sa kanya
Pati alam Niya na crush ko siya eh. Nakakahiya kaya! Di naman yan marunong magcrush back!tsk!
Tiniis ko ang lahat para lang iwasan siya buong araw.
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila at madilim na kasi gabi na eh!
Pinagbuksan niya ko ng Pintuan at kitang kita ko na parang nag aalala siya
Mangiyak ngiyak na yata ako sa oras na toh kasi di ko kayang iwasan siya tang'na masakit
Tinanong niya ko kung bakit nasa galaan parin ako at di umuuwi. Niyakap ko sya ng mahigpit kala ko itutulak niya ko tapos sasapakin pero hindi
Hihahatid niya daw ako samin para daw di na ako patakot sa multo. Di naman ako takot sa multo sadyang over thinking lang ang isang to. Pero natuwa ako ng tinawag niya kong Honey. Kinilig ako sa part na yun Hehehe
Hinila ko siya papunta sa gubat kung saan naaabutan ko ang paglabasan ng mga alitaptap.
“Ang ganda...” Paghanga niya sa nakikita niya
Tumingin ako sa kanya at ngumiti
“Ang ganda nga....talaga... Pero mas gumaganda habang tumatagal” Sabi ko
Nakita niyang nakatingin ako sa kanya kaya napangiwi na naman siya.
Pumikit ako at ninanamnam ang paligid ng makatanggap ako ng malakas na sapak
“Ano bang trip yan? Kung inaantok ka na sana sinabi mo nang naihatid na kita!” sigaw niya
Tumawa ako sa sigaw niya I miss her louder voice
“Wala pumikit ako kasi gusto kong namnamin ang bawat sandali” sabay kapit ko sa kanyang balikat
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya ng sobrang malapit.
Yung nakakaduleng na“Crush kita...” sabi ko sabay siil ng halik sa malambot niyang labi. Tang'na ang sarap! Ang tamis!
Agad kong tinulak ang sarili ko paalis sa kanya kasi di ko na alam ang gagawin ko. Nasa edad na ko kung saan pwede na kong makagawa ng malaking kasalanan. Kaya pinigilan ko ang sarili ko.
Nakita kong nakahiga na sa damuhan si Neknek kaya agad ko itong ginising pero di ko magising kung kaya't dali dali ko siyang binuhat kahit ang bigat niya. Dinala ko siya sa bahay nila at sinalubong kami ng nanay niya
“Ayy naku Clark pasensya ka na sa anak ko tinulugan ka, ako na bahala sa anak ko, salamat Clark”
Sabay kuha niya kay Maria
—Clark
BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Krótkie OpowiadaniaAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...