Clark POV***
Nahanap ko si Neknek sa Laguna pero huli na ang lahat. Nahihirapan na siyang huminga at may tumutulo na ring luha sa kanyang mga mata. Nung naibigay ko sa kanya yung diary niya na si keyshia ay sobrang saya niya. Parang lumiwag yung buong paligid niya ng makita ang diary niyang nawala noon. Lubos niya akong pinasalamatan dahil pinasaya ko daw sya sa huling sandali. Kala niya daw di niya na makikita si Keyshia pero ito at naibigay ko sa kanya.
Si Keyshia na lang pala ang hinihintay niya bago siya bawian ng buhay. Dapat pala ay di ko binigay si Keyshia sa kanya para tumagal pa ang buhay niya pero di pwede dahil kitang kita ko na ang hirap at pagod ni Maria/Neknek sa kanyang mukha. Nahihirapan na rin siyang huminga kaya sa ayaw at sa gusto ko ay ibibigay ko talaga si Keyshia para mawakasan na ang kanyang paghihirap sa mundong makasalanan.
Narito ako sa kung saan inilibing si Maria. Nagdala rin ako ng regalo at bulaklak sa kanya dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob para lang mabisita siya dito. Ayoko kasi siyang makita na nahihimlay sa ganitong katahimik na lugar. Umupo ako at saka pumikit upang namnamin ang bawat sandali.
“Anong trip yan? Matutulog kang nakatayo? Sana sinabi mong antok ka na para naihatid na kita sa inyo!”
Naalala ko tuloy ang sinabi niya kaya napamulat agad ako.
“Daddy!!!”
Tawag sa akin ng limang taong gulang na lalaki kasama ang kapatid niyang kambal.
Napatingin ako sa kanilang tatlo kasama ang babaeng natapatan ang pagmamahal ko kay Maria.
Napangiti ako kaya sinuklian niya iyon.Kinalong ko ang panganay kong anak at nasa tabi ko naman ang dalawa pa. Nanatiling nakatayo Si Golden/Dindin. Siya ang tinatawag na The Queen of Piggy ni Neknek/Maria noon.
“Maria...... Patawad dahil di ko na natupad ang mga pangarap mo para sa atin. Pero Salamat rin dahil kung di Dahil sayo wala ang tatlong batang ito sa harapan mo. Ang Kalong kong batang lalaki ay si Prince Ali.... Pinangalan ko sa gusto mong ipangalan sa anak mo. At ang dalawa naman na anak ko ay si Sunny at si Summer....... Sorry dahil sa iba ko nagawa yung gusto mong gawin ko sa iyo.... Pero lagi mong tandaan... Minahal kita na halos kimatay ko na. Mahal kita....... Mahal kita” sambit ko at napangiti na lang
Tumayo na ako at inalalayan ko ang mga anak ko. Tumingala ako para makita ang maaliwalas na kalangitan. Alam kong masaya ka na dyan. Mahal na mahal kita.....
Wag kang mag-alala sa mahal mong naiwan mo sa mundong ito. Mamahinga ka na....
WAKAS.........

BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Historia CortaAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...