Dear Math,Nagpasama sakin si Dindin sa kalaro niyang bata. Nung una nagreklamo ako pero nilakihan ako ng mata ni Mama kaya no choice to be with her tsk!
Habang naglalakad kami puro satsat tong kasama ko.
“Alam mo napakapogi mo Clark, kaso sungit mo hmp! Di ka magugustuhan ng crush mo! Buti na lang di kita crush HAHAHA ”
Gusto ko sanang talapidin ng biglang may nagsalita sa likuran namin.
“Hoy Piggy!” sigaw nito kay Dindin kahit ang lapit niya lang samin.
“Bakit neknek?” Tanong ni Dindin.
Lintik na mga nickname yan
Nakikinig lang ako sa usapan nila at di tumitingin dun sa kausap na mahirap na Baka ma hypnotize ng maganda kong mga mata Haha
“Sino yang pinapasyal mo Piggy? Bagong alaga nyo sa bahay?” Usisa ni Babae na may hawak na teddy bear
Di siya tumingin sakin kahit isang beses man lang kaya no choice kundi sumabat sa kanila. Di man lang naaakit sakin!
“Anong Alaga? ” Tanong ko.
Tumingin siya sakin at napangiwi
“Alam mo Piggy?”
“Ano yun neknek?”
“Pogi sana yung aso nyo kaso nangangahol. Nakakatakot. Una na ko kila Mimay Huh? Yung aso mo iuwi mo na Baka makakagat pa yan bye piggy” sabay kiss niya sa pisngi ni Dindin at tumakbo paalis
Ako mukhang aso? What the f*ck?
—Clark
BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Short StoryAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...