Dear Charo
Papasok na ko ng room
Ng biglang may bumuhos na tubig sa uluhan ko kaya ang ending basang basa ako. May pamalit naman ako charo na damit kaya huwag ka ng mag aalala sakin okay? Di ako magkakasakit ano ka ba Charo HAHAHA.Nakapagpalit na ko
Ng damit ng nakita ko sa labas ng comfort room na nagbabantay si Nash. Kaya ito ako natulala. Tinanong niya ko kung bakit takbong takbo ako papuntang cr. Nakita niya kasi akong nagmamadali. Akala niya sumasakit yung Tiyan ko kaya binilhan niya ko ng gamot. Sasabihin ko sanang di masakit tiyan ko kaso baka magtanong pa kaya tinanggap ko na lang yung gamot niya at ito nakatago na sa mahiwaga kong bag.Si Nash talaga pa-fall
Naglelecture na si Mrs. Fabilano ng dumating ako. Kahiya charo Huhuhu ayoko pa namang nalelate ako. Next time magpapayong ako pagpapasok hihihi matalino yata ito.
Nagquiz kami tapos I got 20/20 yieee galing ko talaga. Biruin mo yun charo kahit late na ko nakahabol pa rin ako sa lesson for today at highest pa ko pero ang sabi mo nga sakin charo huwag akong magmamayabang kaya di ko pinagmamalaki ang aking Score.—Matalino pero di bida bida
Dear Keyshia
Nag cr akong mag isa duh! Alangan namang magpasama ako EDI nakita nila ang ano ko duh! Wala naman akong kaibigan sa room eh saka kayong dalawa lang ni charo ang nakakasalamuha ko sa mundong ibabaw at wala ng iba hihihi. Loyal ako eh.
Nasa loob ako ng girls comfort room ng makita ko sila Kris, Queenie at ang dalawang bruha. Pagkalabas ko saka ko sila nakita. Tinulak nila ako papasok at kinandado nila ang door para walang makakita samin.
Queenie: Ikaw na babae ka! Bida bida ka talaga eh nuh?
*Sabay hila sa buhok ko
“Aray Queenie! Masakit” pag Inda ko
“Talagang masasaktan ka! Galing galingan ka eh nuh?” nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula sa kanya.
“Bakit nyo ba ko inaaway? Di ko naman kayo inaaano ah? Wala naman akong kasalanan sa inyo! Ako na nga tong umiiwas sa inyo para di na ko mapaaway--Ahh” sabay tadyak ni Kris sa aking sikmura.
Napahilata ako sa sahig at iniinda ang magtadyak sa aking sikmura. Di ko alam kung anong gagawin ko basta gumapang ako papunta sa sulok at kinapitan ang aking Tiyan.
Hinaklit ni Alice ang buhok ko at pilit na pinapatayo. Pero di ko kaya dahil sa sakit ng sikmura ko. Pero sadyang malalakas sila. Pilit nilang sinusubsob ang mukha ko sa lababo na puno ng suka.
“Tama na... Ayoko ng away please” pagmamakaawa ko pero di nila ako pinakinggan tapos pinagtawanan pa ko.
Keyshia kayo LAng ni charo ang alam kong tutulong sakin kaso di nga pala kayo nakakalaban kasi bagay kayo na binibigyan ko lang ng buhay sa kathang isip ko.
Di pa sila nakuntento at tinulak tulak nila ako hanggang sa mapaupo ako
“Ano? GUSTO MO PANG MAGING HONORS?” sigaw ni Queenie
Tumango ako.
Sinipa niya ko sa aking dibdiban.
Tang'na ang sakit parang gusto ko ng mamatay Keyshia.“UULITIN KO! GUSTO MO PANG MAGING HONORS?” sigaw ulit nito.
Tumango ulit ako.
Isang malakas na sampal ang ginawad sakin ni Alice.
Kakapitan na sana nila ako ng biglang may taong nagsalita sa labas.
Yung janitor pala Keyshia.. Ligtas na ko HAHAHA
Nagtago muna ako tapos inayos ang sarili na tila ba walang nangyari sakin at Ngumiti ako.
—Nasikmuraan—
As usual pagkauwi ko ay nagtatalo na naman sila.
Ganyan ang scenario lagi sa bahay. Nag aaway ang aso't pusa namin haysss
“Mom!! I'm here! Whaaa Achuchu and mengneng bakit ba lagi kayong nag aaway? Deba mag asawa kayo? Edi dapat di kayo nag aaway? Hmp! Pero love ko pa rin kayo” sabay tapos ko sa kanilang dalawa.
Nakita kong kakalabas lang ni Mom galing kusina. Siguro nagluto siya ng hapunan.
“Oh? Nak nakauwi ka na pala” sabay beso sakin ni Mom.
“Mom? Si Dad? ” tanong ko.
“Hayss Nasa office niya nagtatrabaho, bakit?” tanong niya.
Kinuha niya ang gamit ko at nilagay sa sofa
“Wala lang hihihi”
“Ikaw talaga.. Ano nga?” natatawang sabi ni Mom
“Uhm... Bakit wala pang anak sila Achuchu at mengneng?” tanong ko sabay pout
“Hahaha Nak naman.. Aso at pusa sila di sila pwede okay?”
“Ganun ba Mom? Sayang kala ko kakaiba silang dalawa, support pa naman ako sa love team nila eh. Pero baka mag kaanak sila tapos combination nila deba? Kakaiba nyieeee” sabay yapos ko ulit ng mahigpit sa kanilang dalawa.
“Hayss kaloka ka nak, Tatawagin ko lang si Dad at kakain na tayo okay?”
Tumango ako bilang sagot.
Dear Charo
Ang saya kasi nakapag kwentuhan kami nila mom and dad about sa love story nila. Nakakakilig nga eh. Sarap magpadala ng sulat kay charo ng istorya nila. Kaso baka di naman mabasa ni charo kaya huwag na lang.
—Paano yung kilig? 😆

BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Short StoryAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...