Dear Math,
Pray for my sin Huhuhu.
Pinalo ako ni Mom kanina pag-uwi ko. Ambilis namang kumalat ng chismis.Nasa kwarto ako ngayon at binabantayan ang natutulog na babae. Neknek pala palayaw Niya tsk! Binuhat ko siya pauwi samin kasi baka mapagalitan ako ng Mama niya, ayokong mapagalitan. Kaya ito binabantayan ko siya tulad ng sabi ni Mom.
Antayin ko daw magising kung gisingin ko na lang kaya?
Pinagmasdan ko siya Math, Ang cute niya pala tapos ang amo ng mukha nya like Angel. Haba ng pilik mata niya at ang pula pula ng labi niya Math. Matamis kaya yun? Baka kumain siya ng apple? Ang daya niya naman di namimigay.
Napatayo ako dahil ang lakas ng TV sa sala. Naabutan kong nanonood si Dindin dun at takte! Barbie yata pinapanood niya.
Dali dali kong pinatay yung TV
“Huhuhu Favorite ko yun eh! Bakit mo pinatay yung TV???? Sleeping beauty na eh!” sigaw niya sakin.
“Ano ba! What the hell are you doing! Watching God'damn! Barbie? Don't do it again! When she is here! Okay!” galit na sabi ko sa kanya
Math di ko naman sinasadyang sigawan si Dindin eh.
“Sorry... ” mahinang sabi ko sabay may sumuntok sa mukha ko like what the hell!
Inis kong tiningnan kung sino ang gumawa nun, gising napala siya
Tiningnan niya ko ng masama at nagbabanta
“Bakit mo sinisigawan si Piggy? Huh? Ako lang ang pwedeng sumigaw sa kanya! Di mo dapat sya ginaganyan! Babae siya! Di patas yun kasi lalaki ka sya babae! Once Na sigawan mo pa sya reresbakan ka na namin ni Keyshia! ” sigaw niya sakin kaya natameme ako nun Math.
“ Let's me explain... ” mahina kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Huhuhuhu Ayokong may nagagalit sakin.
“Sige explain it! Bakit ganyan buhok mo? Parang hinimod ng kalabaw? Baliw ka na ba?” sigaw niyang tanong
“Ah! Pwedeng hindi sumigaw? Inform lang kita” sabay ngiti ko
“Eh pake ko?” sabi niya sabay irap sakin
“Okay... Nanonood kasi si Dindin ng barbie eh baka kasi pagnaabutan mo mahimatay ka na naman” sabay kamot ko sa ulo ko
Isang malakas na sapok ang natanggap ko mula sa kanya.
“Bakit mo pinatay ang tv? Favorite namin ni Piggy eh! Ikaw tung baliw! Tabi tabi! Tabi nga! Manonood na kami! Ikaw piggy huwag ka ng umiyak baka sapakin din kita!” sabay tulak niya sakin at binuhay ang TV saka nanood na sila ni Dindin.
Takte! Kala ko takot siya sa barbie?
—Clark

BINABASA MO ANG
Diary ng Matalino
Short StoryAko? Matalino daw ako sabi nila? wews chismis lang yun nuh! saka di naman ako matalino eh.... pero baka nga matalino Ako deba? walang kokontra! Maganda daw ako? Wews Mga chismosa/so!!! Cute ako duh! nakikinig na nga lang kayo sa chismis Mali Mali pa...