C#05

176 2 0
                                    

Dear Math,

            Lagi na kong sumasama kay Dindin pag maglalaro siya.
Si Dindin pala ang president nila sa group nilang ginawa.

President : Dindin
Vice : Mimay
Treasurer : Mimoy
BM : Patpat
Escort : Kaizer
Muse : Neknek

Sinabi kasi niya sakin. Ang tinatanong ko lang naman kung anong katungkulan ni Neknek pero sinabi niya na lahat!
Epal din si Dindin eh nuh?
Kailangan ko tuloy makinig ng mabuti sa kanya para malaman kung anong position ni Neknek

“Pwedeng palitan yung escort?” tanong ko kay Dindin.

“Di pwede, Gwapong gwapo kasi si Neknek Kay kaizer kaya wala tayong magagawa. ” Pailing iling na sabi sakin ni Dindin

Sabihin mo sakin Math! Deba mas pogi ako kay kaizer?

Nakita kong nagsusubuan sila ni neknek ng cookies na niluto ng nanay ni pi--dindin nu ba yan! Piggy na rin tuloy matatawag ko kay Dindin

May black eye nga pala ako gawa nung pagkakasuntok sakin ni Neknek kahapon at ngayon.

Napatingin sakin si Neknek tapos kinuhit niya si Pekneng-neng yung assistant niya. Tapos may sinabi siya dun tapos nagpatango tango lang siya.

Ngumiti siya sakin kaya natulala ako. Grabe sh*t ito na yata pinakamasayang araw na nangyari sakin

“Asong! Halika dito bilis!” pagtawag niya sakin

Ako? Asong? Tang'nang yan

Math? Payag ka nun? Tinawag akong ganun? Di niya ba alam na famous ako tapos gaganunin niya lang ako?

Agad akong lumapit sa kanila ni Pekneng-neng.

“Why?” masungit kong tanong

Inirapan niya ko

“Wag mo ko English-in! You didn't know na Hono--- Ah nothing You didn't know na Crush ka ni Pekneng-neng? ” sigaw niya sakin

Natawa ako sa sinabi niya

“ HAHAHA manhid siguro ako?” kibit balikat kong tanong.

Aambahan na Niya sana ako ng suntok ng biglang nadapa si kaizer habang hinahabol yung pusa nito.

Nanlaki ang mga mata ni Neknek at biglang tumakbo sa gawi ni Kaizer

“Hey! Are you okay kaizer?” biglang naging mahinahon ang boses nito bigla.

“Ah! Masakit yung pagkakadapa ko Eh..” Inda ni Kaizer

Math dapat matindi pa yung pagkakadapa niya para nalumpo na! Tsk!

“Dalhin natin si Kaizer sa Clinic area natin! Pakicall narin ang aking mga nurse! Sabihin nyo emergency! Bilis!” sigaw ni nek nek

May mga dumating na iba pang bata at tulong tulong silang binuhat si Kaizer papunta sa isang bahay bahay na may nakalagay na Clinic Area, Place for Cure your pain.

Nakita kong hiniga nila si Kaizer dun at dumudugo yung tuhod niya. Matindi siguro pagkakadapa niyan Haha buti nga.

“Cotton!” sigaw ni nek nek na naka pangdoctor ang peg.

Inabot sa kanya ng mga assistant niya

“Isopropyl Alcohol”

“Water”

“Gasa”

“Tape!”

“Scissors ”

“Blah blah blah balh!”

Di ko na maintindihan yung mga sumunod. Kasi para talaga sila ng professional na doctors.

“Ihatid nyo na si kaizer sa kanila” sabi ni nek nek ng mahinahon at lumabas na.

Sinundan ko siya papunta sa changing clothes area : Changes yourself is the best things that you made but it's so hard to way back to the olders you
Yan ang nakalagay

Bakit parang mga matured na silang mag isip?

                                   —Clark

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon