C#10

149 3 0
                                    


Dear Math,

           Isasagawa na namin ang plano. Na invite na ni Dindin so neknek sa kasal kasalan na gaganapin sa likod bahay nila Dindin. Itong si nek nek tuwang tuwa at nakipag besohan pa kay Dindin kasi tunay niya daw na kaibigan si Dindin dahil siya ang ginawang maid of honor into

Nasa likod bahay na kami Math.
Nag aayos na para mimiya. Ako ang kunwaring groom tapos si Dindin ang bride pero di siya ang papakasalan ko kundi si Neknek.

Nakita Kong tuwang tuwa si neknek sa di kalayuan. Naka T-shirt lang naman siya at short na maikli Damn!

Nang seseduce ba sya? Takte!

Nagsimula na ang ceremony tapos unang naglakad si Neknek tas sinundan nila Pekneng-neng, Mimoy, Mimay, at iba pa

Nakita kong naglakad na rin si Dindin papunta sakin ng bigla akong nakita ni Nek nek tapos

“Itigil ang kasal!” sigaw niya

Mission complete hahaha

Like what I think before ito nga ang mangyayari

Ang dami nilang pinag usapan tapos bigla na lang sinabi ni nek nek na

“Di ako magpapakasal sayo! Kay adam lang ako! Kay adam lang ako magpapakasal!” sigaw nito

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinigaw niya

Kay adam lang daw siya magpapakasal? At sino ang lalaking yun? Pinagpalit niya ko?

Galit na galit ang mukha ko nun pero pinakalma ako ni Dindin

“Sino ba si Adam?” inis na tanong ko

Tumingin sya sakin

“Di mo kilala?” patay malisya niyang tanong

Di na ko nagsalita pa at umalis na dun

Pinagsusuntok ko lang naman yung pader ng kwarto ko ng pumasok si Mama

Pinakalma ako ni mama dahil baka dumugo na ang kamao ko.

“Bakit ba nak?” tanong ni mama

“Wala” galit na sabi ko

“Sabihin mo na sakin baka matulungan kita” tanong niya na nag aalala

“Gusto kong pakasalan Si Maria” sabi ko tapos tinawanan lang ako

Maria kasi tawag ni mama kay neknek

“Bata pa kayo hahaha di pa ito ang tamang oras at panahon para dyan. Saka darating din naman ang panahon na kung para sa isa't isa nga kayo? Ay kayo talaga wala ng makakapigil pa dun. Pero sa ngayon wag mo na munang padaliin ang pangyayari kasi baka mawalan siya ng pakialam sayo. Kaya kung ako sayo hihintayin ko yung tamang panahon para pakasalan ang taong mahal na mahal ko” sabay yakap sakin ni mama

So lesson learn Listen to your mother

 

                                      —Clark

Diary ng MatalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon