8

35 0 0
                                    

The night out/ Moody maddy.

Saturday!!

"bossing! baka hindi madaling maayos to ng ngayong araw lang" napatingin ako sa sasakyan ko na binangga lang naman ni mad nung isang araw.

"kailan po ba matatapos?" tanong

"baka bukas pa bossing" tumango nalang ako at pumayag na babalikan ko bukas kaya nag taxi ako papunta sa ice cream shop dahil doon kami magkikita ni daya.

habang ine enjoy ko yung inorder kong ice cream may napansin akong familiar na mukha sa kabilang kalsada (burger house) , si madison may kasamang lalaki at masayang nakikipag kwentuhan sa taong yun, iba yung ngiti at saya niya sa taong yun tss whatever ngumingiti din naman siya sa akin ah, weird nga lang. Wtf?! bakit ko naisip yun?

"hey" bati ni daya napangiti ako at tsaka tinawag yung waitress para mag order.

"kanina kapa?"

"medyo? pero okay lang kaysa naman ikaw yung maghintay, soo san tayo?" tanong ko

"kung saan  tayo dadalhin ng mga paa?" at nag ngiti.an kami. Napatingin ulit ako sa kabilang kalsada, palabas na sila ng burger house at nagyakapan, napansin kong hinalikan siya sa pisngi nang lalaki bago sila naghiwalay at pumasok sa kanya-kanyang kotse. Boyfriend niya ba yun?

"edred?? naririnig mo ba ako?" bumalik ako sa katinu.an ng marinig ko si daya, nako naman bakit ba ako nangingi-alam kay mad.

"ye yeah, nasan naba tayo?"

"dumating na yung order natin, anong meron sa labas?" at tumingin siya "gusto mo dun?" pagtuturo niya sa burger house.

"na nako hindi okay na ako dito" sabi ko at kumain sa pangalawang pagkakataon.

nag usap kami about sa e rorole play, medyo naging interesado ako at feeling ko kino convince ako ni daya. pagkatapos namin mag usap at kumain, naglakad kami dahil sinabi ko din sa kanya na wala akong kotseng dala.

"ang sarap kayang maglakad" daya at itinaas taas ang mga kamay, natawa ako ng kaunti at medyo nahiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"youre totally crazy"

"atleast hindi pang mental"

napadaan kami sa isang music store hinila ako ni daya papasok doon. Pero naisip ko si mad ng makita ko yung isang stand ng paramore albums, napangiti ako ng nag sample ako ng music kasi may pa free sample sila with headphones.

np: My heart by paramore

napapikit ako, naalala ko si .. madison. Yung mukha niya, yung ngiti niya, yung mga mata niya.
Nagulat ako at agad minulat yung mga mata ko, fuck? did i just thinking about her?! ibinaba ko yung headphones, hinanap ko si daya at nakita ko siyang tumitingin ng mga magazines.

"oy nadyan kana pala, may napili kaba?"

"meron sana kaso wala sa budget" at natawa siya kaya lumabas kami dun.

tinapos namin ang araw na yun na puno ng kwento at tawanan, hindi na nagpahatid si daya at umuwi nadin ako pababa na ako galing sa taxi sa harap ng bahay nang mapansin kong natayo si vin sa labas ng gate.

"nasan kotse mo?" tanong niya at binalewala ko siya. "don't tell me, galit ka sakin pinsan?"

napatingin ako sa kanya ng tahimik at nginiti.an lang ako.

"okay sorry na? are we chill?"

"vin bakit di mo pinagsasabihan si mad sa mga ginagawa niya sa akin, alam mong magpinsan tayo, alam mong may amnesia ako dapat pinoprotektahan mo ako bilang pinsan mo!" medyo irita kong sabi at naging seryoso siya.

HEY, MADISON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon