TO MAKE A CHANGE
Nagmamaneho na ako papunta sa clinic ni doctor gray nang biglang nag vibrate yung phone ko, si daya tumatawag.
"hi dred pwede ba tayong magkita?" medyo wala sa mood na bati niya, nagtaka ako kaya umu-o ako.
"sige ahh pagkatapos kong pumunta sa clinic"
"clinic? may nangyari ba sayo?" pag aalala niya
"ahh wala naman, family friend namin na doctor may pinapabigay si mom"
"ah okay, sige ingat ka dred"
nakangiting doctor ang naghihintay sa akin sa table niya, weird.
"kumusta?" bati niya nang maka upo ako.
"well hindi naging maganda yung pakiramdam ko kagabi kaya naisipan kong pumunta ngayon"
"okay? so, anong masamang balita ang dala mo?" tanong niya habang naglalaro sa ballpen niya.
"still, yung babae sa isip ko"
"hayy nako kid, nagpapasakit lang nang ulo yang past mo"
"sinabi mo pa" sabi ko at huminga ng malalim "bakit ba blurr yung mukha niya? kung pwede namang makita ko, laging boses lang yung naririnig ko and to make it worst ka boses niya pa yung babaeng kilala ko sa school" sabi ko at si madison yun.
"alam mo, kung sino yung huling nakasama mo naka usap or naisip mo sa last day na hindi kapa na aksidente yun din yung taong matagal mong maaalala ulit or makalimutan mo na forever pero sa case mo, maaaring maalala mo ang taong to hindi pa ngayon, kukulitin niya nga lang muna ang isip mo sa ngayon pero anytime pwedeng magfla-flashback lahat at makakaalala kana ulit sa takdang panahon"
sinong huling nakasama? naka usap? naisip? may idea kaya sila mom sa araw na na aksidente ako?
"by the way, nakahanap ka naba ng mga lumang bagay na pwedeng makapagbalik ng hinay hinay sa ala-ala mo?"
"hindi pa naman doc, di pa ako sure kung tinago o tinapon naba ng parents ko yung mga lumang gamit ko"
"try mong maghanap ng mga bagay na pwedeng maging dahilan para may maalala ka kahit konti sa past mo" nag nod lang ako, pagkatapos kong makipag usap ay gumawa siya ng konting test sa akin , nagbigay ng mga pwede kong gamot at umalis na dun, dumiretso naman ako sa labas ng bahay ni daya para sunduin siya.
"sorry medyo natagalan" sabi niya at pinagbuksan ko siy ang pinto ng kotse tsaka sumunod at nagmaneho, huminto lang kami sa isang park at napa upo sa mga bench dun. Medyo tahimik kami sa isat isa ng magsimula siyang magsalita.
"pasensya kana sa kuya ko kahapon" at nag nod lang ako "kahit ako hindi ko maintindihan yung kuya ko pero kuya ko parin siya eh kahit"
"kahit?"
"nalululong na siya sa drugs ngayon, dred pwede mo ba akong tulungan?"
"tulungan saan?"
"nakita ko siya kagabi kasama si madison, hindi ko napigilan ang sarili kong sundan sila at pumunta sila sa isang club tsaka nakita ko kung paano nakipag deal si kuya at madison sa isang tao, pa sekreto nilang kinuha yung bagay na yun at alam ko kung ano yun pumasok sila sa isang vip room, hindi na ako nakapasok naisip kong ginamit nila yun sa loob at pag uwi niya sa bahay wala na siya sa katinu.an" at umiyak si daya kaya agad ko siyang niyakap, shit? si mad? kagabi? parang, kaya pala! kaya pala ganun ang mood niya!
"huwag kanang umiyak, ano bang gusto mong gawin ko?"
"alam kong makikinig si mad sayo, will you please tell her to stay away from my brother? may sakit yung mommy ko at di ako makakapayag na nasa ganung sitwasyon ang kuya ko tapos malalaman ni mom baka lalong" at umiyak siya ulit.

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?