"ayaaan" napatingin ako daya ng biglang ayusin niya yung kwelyo ko.
"thank you" pangiting sabi ko. Hinalikan niya ako sa pisngi at saktong may biglang nag flash sa amin.
"oyyy ang sweet!" pang aasar ng kapatid ko habang may hawak na camera.
"ano ba ava baka mailang si daya" sigaw ko.
"haha okay lang, hindi ko naman sineseryoso dred" daya at tinapik ako "congratsulation!"
"Dreeeeed" patakbong sigaw ni zon at kasama niya si vin, napangiti ako sa kanila sa wakas ga-graduate na kami ngayong araw.
"oy ang cool bakit formal na formal kang tingnan samantalang ako" vin at tina try ayusin ang kwelyo at tie niya.
"hmmm teka! okay lang sayo, ayusin ko?" pag ooffer ni daya, medyo nailang si vin pero pumayag parin siya.
"congrats zon!" ava at ngumiti si zon sa kanya ngapala may nalaman ako sa dalawang to. Tiningnan ko sila ng masama kaya namula sila pareho, wag kayong touchy!! amp
"nasan naba sila mom?" tanong ko.
"papunta na kuya, pumasok na kaya kayo sa loob" kaya nagsipasukan na kami sa venue ng graduation namin.
Masayang masaya ako sa araw nato, may nakuha din akong mangilan ngilan na awards, nakikita ko sa parents ko na proud na proud sila pero habang nakatingin ako sa mga taong pumapalakpak sa akin may hinahanap ang mga mata ko sa kabubu.an ng paligid, nagbabakasakaling nandyan siya nakangiti sa akin at tuwang tuwa na makita ako diti sa stage pero wala, walang madison sa araw nato.
Hindi siya bumalik. Siguro matatagalan bago siya bumalik pero ang lungkot lang ng buhay ko dito. Kumusta na kaya yun, nakapagtapos din kaya siya? dapat sana sabay kami eh tss sana iniisip niya rin na may taong naghihintay sa kanya dito, baka gusto niyang magka amnesia ako ulit para lang umuwi siya tsk.
GRADUATION BALL
"so anong plano mo?" pagtatanong ko kay vin.
"ewan? baka tatanggapin ko yung offer na bakanteng position sa company ng mom ko, mag u-undergo ako ng training for 6 months sa new york kaya baka maiwan muna kita dito dred"
"ikaw zon?"
"mag ma manage ng ilang branch sa clothing line business namin, you know may ilang celebrities na nakipag partnership for their own merchandise style medyo magiging busy din ako sa pag-aaral kung paano e ra run yung negosyo"
"astig!" vin "eh ikaw dred?"
"di ko alam, ayoko sa company ng dad ko gusto kong mag focus sa art, magkaroon ng sariling art school"
"kung ano man yan dred, support kami sayo lagi" vin at tinapik ako.
"salamat"
"siguro nga nagpipinta ka" patawang sabi ni zon at naalala ko si madison, yung panahong pinatatanong niya kay zon kung nagpipinta ba ako natawa ako kaya nagtaka sila.
"wala may naalala lang ako" sabi ko.
"si mad?"
at nag nod ako, alam nila kung gaano ko ka miss ang mad na yun. Biglang tumunog ang phone ni zon at napansin kong nagulat siya at tiningnan kami ni vin.
"si patch" nasabi niya at inagaw ni vin ang phone niya sabay tap ng answer sa video call.
"broooo!" vin at itinaas ang phone para humanap ng angle para makita din kami ni zon sa screen.
"guys!! kumusta??!" bati niya, naka shades parin eh kaya natawa ako "congrats sa inyo! mauuna lang kayo ng konti sa akin malapit nadin ang graduation namin!" masayang sabi niya "dred!! ahem! hi zon, akala ko di mo sasagotin eh"
"hey yo dude!" zon at inagbayan ako "ang gwapo namin no?"
"tsk, sila lang , maganda ka" patch at itinaas niya yung shades niya sabay kindat, nagtawanan kami ni vin.
"teka sinong namin?" naalala ko na sabi niya kanina, medyo nagulat yung itsura niya.
"di mo alam? magkasama sila ni mad dyan!" zon
"nako!" vin at napansin kong napakamot, si patch na ibinalik ang shades niya at zon na napatabon sa bunganga niya. Tiningnan ko silang lahat ng masama.
"alam niyo kung nasaan siya?" nasabi ko at inagaw yung phone kay vin "akala ko ba nasa rome siya? kailan siya nag states??!" at napansin kong nalungkot yung mukha ni patch.
"vin siguro ikaw na bahala mag explain sa pinsan mo" patch "sorry edred, sabi niya kasi wag naming ipaalam sayo hays zon naman kasi"
"pati ba naman ikaw zon!" nasabi ko at tiningnan si zon.
"i gotta go, enjoy your day guys!" patch at dali daling nag out, may itatanong pa sana ako ng nawala na siya kaya ibinalik ko kay zon yung phone niya.
"matagal naba to? vin,zon??"
nagtinginan ang dalawa.
"sorry edred, argh ang daldal ko talaga" sabi ni zon sa sarili niya "kasi naman eh, di ko alam anong dahilan ni mad para di sabihin sayo eh tanungin mo si vin, mas close sila" bigla niyang siniko si vin.
"di ko din alam, 5 months ago lang din namin nalaman na nasa states na si mad at matagal na siya dun si patch lang yung nagsasabi eh hindi ko pa din nakakausap si mad kahit sa vcall ni patch basta okay siya dun at iisang school lang sila ni patch dun"vin
di ako makapaniwala kaya tumayo ako dun at lumabas ng hall, gusto ko nang umuwi. Sinundan ako nila zon at vin pero di na ako nakinig sa kanila at tuloy tuloy na pumasok sa kotse ko , ano ba to? lagi nalang mad? napadaan ako sa school at napahinto, naalala ko yung lugar kung saan pumupunta si madison para magpinta, inalis ko yung tie ko at bumaba ng kotse tsaka pinuntahan yun kahit medyo madilim, nakikita ko parin yung mga gawa niya sa abandonadong silid na yun lalong lalo na yung marka ng kamay namin, napa upo ako tiningnan yun maigi.
"ang sama mo talaga! sabi mo babalik ka? kahit kailan talaga madison, nang iiwan ka" nasabi ko sa sarili ko, napatingin ako sa bintana buti nalang maliwanag ang sinag ng buwan.
Napapikit ako, naniniwala parin ako sa atin maddy. Huminga lang ako ng malalim at tiningnan yung marka ng kamay, inilagay ko yung kamay ko sa pader na yun.
"hey madison,ayaw kong mag promise mad pero nakakasiguro akong nandito ka lagi sa puso ko" at napangiti ako.
end.
A/N: i need a fucking break 😂 just wait for the book 2 🤔
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.