THE LONG WAIT IS OVER
3 years ago i was with this woman na matagal ko nang hinahanap, as i take a look of those pictures i can see how happy i was with her, kinuha ko ulit yung mga litrato at hindi ako nagkakamali sa mga taong nandoon, si patch, vin, macky, evan at lalong lalo na si mad. May isang group photo kami pero may isang tao akong hindi ko kilala ang nasali dun pero sa ibang mga litrato nandoon siya.
Nakikita ko sa bawat litrato na magkasama kami ni madison, inlove kami. Napahawak ako ng maigi sa mga yun at napaluha ng kaunti, alam nilang lahat ang tungkol sa akin at sa amin ni mad, niloko ako ng mga taong to. Napatayo ako at nagbihis, kinuha yung group picture tsaka lumabas ng kwarto.
Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ako ni ava sa may sala.
"san ka kuya?"
bigla namang bumukas ang pinto saktong kararating lang nila mom at dad tapos napatingin sa akin, napapahid ako ng mabilis sa mga mata ko para di mahalatang nagpipigil ako sa emosyon ko. Alam din nila to.
"edred? okay kalang?" si mom at tiningnan ako.
"anak may problema ba?" dad at nagtaka sa mga pagtitig ko sa kanila isa isa..
"kilala niyo ba si madison?" tanong ko sa kanila medyo nagulat si ava at napatayo, napahawak si mom sa braso ni dad.
"anak, wa wala kaming kilalang madison"
"talaga ma?!" at lumakad ako para bumalik sa kwarto , kinuha yung box tsaka dali daling bumaba para itapon sa harap nila yung mga bagay na nandoon.
"mom?" ava at naging worried yung boses niya.
"bakit kailangan niyong magsinungaling?" tanong ko.
"son, we can explain this" dad at kalmado
"saan mo nakuha ang mga to?" mom at napa iyak.
"see?! umamin rin kayo! ano pabang tinatago niyo bukod dito?! sino ba si mad sa buhay ko?! bakit pinagdadamot niyo sa akin to?!"
"kuya!" ava at niyakap ako tsaka umiyak "ginawa lang namin to para sayo, please wag kang magalit" naiiyak na sabi niya at inalayo ko yung sarili ko.
"really? hindi ako magagalit? alam mo rin pala to? kaya ba ayaw mo kay mad?"
"bakit dred? nagkikita na naman ba kayo ng babaeng yun?!"
napatingin ako sa kanila like? wow ang galing! ano bang alam ko para magalit sila sa amin?!
"sumasakit ang ulo ko" nasabi ko at lumakad para lumabas ng pigilan ako ni dad.
"son, please hindi mo kailangan magalit sa amin makinig ka sa mom mo"
at inilayo ko yung kamay ko.
"no dad, gusto kong umalis sa ayawt sa gusto niyo! i need answers"
"masasagot namin yan kung hindi ka aalis"
"talaga? ilang beses ba akong nagtanong sinagot niyo ba ako? at kailangan niyo pang ilihim sa akin ang lahat ng to?! anak niyo ako diba?"
"oo kaya makinig ka sa amin ng mama mo" dad at hinawakan ulit ako, napatingin ako kina mom at ava na parehong umiiyak.
"i can't" sabi ko at pinilit na kumalas sa pagkakahawak niya, dali dali akong pumasok sa kotse ko at nag drive. Napaiyak ako, kinontak ko si mad pero walang sumasagot. Napaisip ako ng gagawin at sasabihin at itatanong ko habang malakas na nagmaneho patungo sa bar, si vin ang naisip kong kausapin.
"edred! napapunta ka?" masayang bati ni vin sa akin, napatingin ako sa bagong babae niya kaya pinaalis niya muna yun at seryoso akong tumabi sa kanya. Tahimik lang ako kaya ipinagtataka niya.

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?