THE BOX OF MEMORIES
Inalalayan nina evan at uncle richard si madison papuntang kwarto niya dahil sa kalasingan, pagkatapos kasi nang sayaw kanina bigla nalang siyang nawala ulit sa mood at uminom ng uminom hanggang natapos yung party, napatingin ako sa kanila sa itaas ng may biglang humawak sa balikat ko.
"thank you" at nanlaki yung mata ko sa boses na yun.
"po?" nasabi ko kay principal clara.
"ang sabi ko iho thank you" at napapilit ako ng ngiti at the same time kinabahan.
"nako! para san po? wala naman akong ginawa"
"i can see how happy my daughter whenever shes with you at hindi ko nagagawa yun sa kanya, kaya thank you for being with her now" medyo nahiya ako at napangiti "gusto karin ni mama para sa kanya"
mabait naman pala si miss clara akala ko pa naman.
"sana mag tuloy-tuloy nato iho, the past few years was hard for her hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang yan kasi medyo nawala sa direksyon eh buti nalang hindi sinuku.an ng kambal niya" nasabi ni miss at nag nod lang ako "marami ba syang nasasabi sayo tungkol sa akin?"
"ahh" pagdadalawang isip ko "hindi po mahilig mag share ng kung ano si mad eh, ang alam ko lang hate niya kayo kung magtatanong naman ako ng bakit e che change topic nya lang ang usapan"
isang mapait na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni miss clara.
"wala akong magagawa, sige na magpahinga kana at kung pwede iho, paki alagaan ang lasing kong anak" at natawa siya ng kaunti kaya natawa din ako.
"sige po" at umakyat ako para pumunta na sa kwarto, nagulat ako sa mga dissapointed na mukha nila evan at uncle ng makalabas sila ng kwarto.
"dred hinahanap ka, ayaw matulog eh" evan at napakamot.
"mukhang nabaliw na naman sayo ang pamangkin ko" at natawa ako, umalis na sila at pumasok sa loob, nakita ko si mad na magulo ang buhok at nakaupo sa dulo ng kama.
"maddy!" nasabi ko, inayos yung buhok niya, kinuha yung suot na sapatos niya.
"dred?" biglang salita niya at niyakap ako.
"matulog kana okay? lasing kana eh" sabi ko at binuhat siya para ihiga. Inayos ko yung pagkakahiga niya at pinunasan ang mukha ng maligamgam ba tubig, pasalamat ako at hindi malikot na lasing ngayon si madison.
i can see how happy my daughter whenever shes with you..
napangiti ako sa thought na yun, natutuwa ako kasi ako yung isang dahilan na nagpasaya ng isang tao. Hinalikan ko si mad sa noo.
"goodnight" nasabi ko sa tulog na lasing pagkatapos gumawa ng higaan sa sahig para makapagpahinga narin ako.
kinabukasan.
napasilip ako kina madison at lola na seryosong nag uusap sa isang silid.
"nakikinig kaba?" macky at mabilis akong umayos.
"hindi ko naman naririnig, pinagalitan ba siya?"
"bakit naman siya pagagalitan ni lola?"
"nakita siyang lasing na lasing ni lola kagabi ako nga yung nahiya sa inasal niya, tawang tawa siya tapos pinaghahalikan sa pisngi si lola at andami niyang sinabi"
"anong pinagsasabi niya?" tawang tawa na tanong ni macky sa akin.
"basta" nasabi ko at sumilip ulit ng sandali.
"alam mo hindi pa kami napagalitan ni lola, lagi ko kasing pinagtatakpan si madison sa mga kalokohan niya lalo na sa bisyo niya, ang alam lang ng lola namin umiinom kami pareho pero moderate lang" napangiti ako kay macky.

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?