the pool party ft. ang kambal (special chapter)
"congratulations everyone!!" bati ni daya sa lahat sa may backstage "especially sayo dred" at napansin kong napatingin ang lahat sa akin, goodness! bakit kailangan pa akong mamention.
"you look good sa costume mo!" patuloy na sabi niya ng lumapit siya sa akin, napatingin ako sa mask na hawak ko , medyo na concious ako sa suot ko sa buong play, bukas na naman ulit.
"okay lang ba yung acting ko kanina?" tanong ko at pinisil niya yung pisngi ko ng mahina.
"ofcourse! kahit na bulol ka dun sa isang part na lumundag ka sa ere, atleast napatawa mo yung mga nanonood, i'm still grateful and honored na naging part ka sa play nato dred" at niyakap niya ako kaya napangiti ako.
papunta na kami sa dressing room para makapagpalit dahil narin naiinitan na ako sa spiderman costume ko nang biglang may batang lumapit sa akin at niyakap ako.
"kuyaa king!!" sigaw ni eilish kaya nagulat ako at tuwang tuwa na kinarga siya.
"eilish!! sinong kasama mong pumunta dito?"
"nandito ako" napatingin ako sa boses na yun nakita ko si mad na titig na titig sa akin tapos napansin kong napangiti siya.
"woow!! bagay din po pala sayo maging spiderman kuya king!! ang galing mo po kanina! yung may building tapos tumalon talon kayo!!" masayang sabi ng bata kaya natuwa ako kasi ang cute niya mag explain.
"talaga? bagay sakin?" at isinuot ko yung mask "eh ito ba? bagay din?"
"noooo" at pinilit niyang kunin sa akin kaya napapikit ako at napatawa yung bata kaya natawa ako, narinig ko rin napatawa si mad kaya nagkatinginan kami at napansin kong namumula siya kaya lumapit ako sa kanya.
"honestly you look dumb...and cute" mahinang sabi niya kaya napangiti ako, bakit ang ganda niya ngayon?
"kuya king"
"yes eilish?"
"pwede bang e kiss ni spiderman yung ate queen ko?"
biglang nanlaki yung mga mata namin ni mad at sabay na napantingin sa bata na cute na tumatawa habang nakatabon yung bunganga sa dalawang palad niya.
"baby , saan mo natutunan yan??"
"source!!" sigaw nang bata at natawa ako, parang mini mad din eh.
"kuya??" napaharap ako para tingnan si ava.
"oh ava?" sabi ko at ibinaba na si eilish.
"kaninong?? bata yan??" tanong niya at bigla siyang itinuro ni eilish.
"kuya kadin po niya?"
"baby halikana" hinila ni mad si eilish at nagulat ang kapatid ko ng makita niya si mad, siguro dahil nag iba na yung buhok ni mad o hindi ko lang alam kung bakit.
"what are you doing here?" galit na tanong ni ava kay mad at napansin kong iniwasan siya ni mad at kinarga si eilish.
"inaaway nyo ba ang ate ko?"
"ate??" ava at tiningnan ako.
"anong problema ava kung nandito si mad? kaibigan ko siya?"
naramdaman kong hinawakan ako ni mad sa braso para patigilin ako sa pagsasalita kaya napatingin ako sa kanya.
"sorry, kailangan na nga pala namin umalis ni eilish.. bye dred, tara na eilish" at lumakad sila, napansin kong maiiyak si eilish.
"teka mad! maddy!!" pagtatawag ko pero dere deretso na si mad na lumakad hanggang sa narinig ko na ang pag iyak ng bata at nawala na sila.
BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?