WHAT ARE YOU UP TO?
napadilat ako bigla sa maingay na alarm sa phone ko, agad kong naramdaman ang sakit ng ulo ko, fuck napadami ako ng inom kagabi.
napatingin ako sa buong paligid , natural na hindi ako naka uwi at wala ako sa sariling kwarto. Wala si mad, nasaan sila? Hinay hinay akong bumangon.
2 messages/20 missed calls
"argh!" napahawak ako sa ulo ko at tumakbong papuntang banyo.
pagkatapos kong manghilamos, makapag damit (di ko matandaan kung bakit topless akong natulog) bumaba ako para hanapin yung iba. Natanaw ko agad si patch sa sala na natutulog, napatingin ako sa oras 6:45 am.
"oh? magandang umaga!" bati ni mad sa akin ng makita niya akong pumasok sa kusina.
"same" sagot ko habang hawak ko parin yung ulo ko, mukhang mapapasubo ako sa hang over ngayong araw.
"coffee?"
"yeah sure" napa upo ako at hinintay yung kape na ginagawa para sa akin ni mad.
"alam mo bang umiyak si madison sa akin kagabi?" biglang sabi niya nang ibigay niya sa akin yung kape at nagulat ako.
"teka, teka, teka madison? ikaw si madison?" oh boy, napasapak ako sa sarili kong noo nakalimutan kong may kambal siya at narinig ko siyang tumawa.
"really? akala mo si mad ako , nako nakalimutan mo na agad! si macky to" pangiting sabi niya at umupo sa harap ko.
"sorry macky, masakit pa kasi yung ulo ko" at tiningnan niya ako habang iniinom ko yung kape.
"may sasabihin ako" at tumingin tingin siya sa paligid "ayus! by the way, gusto kita para kay bitchy sissy so dapat bago ako bumalik sa rome gusto kong magkabalikan kayo, okay?"
napakunot yung noo ko sa sinabi niya.
"magkabalikan?"
at bigla siyang napatabon sa bunganga niya.
"i mean gusto ko kayo magkatuluyan"
napatingin lang ako kay macky na parang wala akong maintindihan dahil dinadamdam ko pa yung sakit ng ulo ko ng biglang tumawag si daya sa akin.
"excuse me" at nag nod siya "hello daya?"
"edred nasaan ka? nag-alala na si tita sabi ni ava hindi ka raw umuwi at tsaka i just want to remind you 10am yung play natin"
ah shit, may play pa pala napapikit ako at nang makadilat ako si macky nakatingin ng seryoso sa akin, nakikita ko yung mukhang seryoso ni mad sa kanya.
"ah pauwi na ako daya, tatawag nalang ako sa bahay medyo napa party ako kagabi eh with some friends and dont worry di ko nakakalimutan ang play" sabi ko at nag okay si daya pagkatapos ng tawag namin, ganun parin si macky.
"whos daya? yan ba yung bitch na kinikwento ng kambal ko?"
"ha? bitch? why are you calling daya bitch? excuse me?"
"orayt, so daya whatever her name is, girlfriend mo na ba?"
"magkaibigan kami" sabi ko at uminom tiningnan niya ako ng maigi, mas malala pa pala to kay madison.
"abay dapat lang!" sabi niya at ngumiti.
"hey babe" evan na biglang dumating at humalik sa pisngi niya, cringe
"yeah evan baby, coffee?"
"ofcourse! thanks baby" at tumayo si macky tsaka naman napa upo si evan sa harap ko at seryosong tumingin.

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?