DETENTION IS REAL!! (August)
Parang bumalik sa normal ang lahat, pagkatapos nung pajama party kina patch pagkagising ko wala na si mad. Umuwi ako sa bahay at takang taka sila lahat dahil inumaga ako at hindi pa nakapagpaalam, alalang alala si mom nun pero si dad okay lang sa kanya.
Ilang days din ang lumipas na hindi ko nakakausap gaya nung party si mad, as usual weirdo siyang nakatingin sa labas ng bintana pag sa classroom, makikita ko sa mga sulok kasama si patch at vin na magyoyosi, magtatawanan sa may bench habang may binully at yung nakakapanibago umiiwas siya ng tingin sakin sa hallway at nawala yung 1 minute staring habit namin. Nagtaka ako pero binalewala ko kasi sino ba ako para magtanong kung bakit siya ganoon sakin, isa pa di ko naman siya kaibigan (yung parang official na magkaibigan/formal na nagkakilala) at yung nangyari sa pajama party, pinilit kong kinalimutan yun.
Kaya feeling mag isa ulit ako, gaya ng dati normal akong laging mag isa, kumain, sa library, sa tranquil area at kahit saan. Balik ulit sa normal lahat. Nasa cafeteria ako ngayon mag isang kumakain habang may binabasa, nakita kong namimili sila mad at yung dalawa sa may counter, umiwas ako at naglagay ng headphone.
np: Vulnerable by secondhand serenade
"hi edred!"
isang babaeng hindi ko kilala pero kilala niya ako ang biglang umupo sa aking harapan habang nilapag niya yung tray niya, inalis ko yung headphone ko at seryosong tumingin sa kanya.
"bagay!" biglang sabi niya at inilahad niya yung kamay niya sign for a handshake "I'm Daya Lopez, from Drama Club at ikaw si edred wilson diba?"
tahimik akong tumango at tiningnan yung kamay niya, naiilang ako kasi maganda siya. Ahem
"don't worry! germs free!" sabi niya sabay pakita nung maliit na sanitizer sa bag niya kaya napangiti ako, nagulat ako sa expression ng mukha niya.
"woaa bagay nga sayo! yung ngiti, yung buhok, yung buong itsura mo!" sabi niya at hindi ko siya maintindihan.
"hindi kita maintindihan? ano bang sinasabi mo?" at napakain ako.
"pwede kabang sumali sa drama club namin? kasi kulang kami ng leading man and ahh yung character kasi bagay sayo, i mean yung mukha mo" medyo awkward na sabi niya at parang namumula siya kasi titig na titig ako sa kanya habang nagsasalita.
"bakit ako? andami namang iba dyan at bakit mo ako kilala?"
"source!" ngumiti siya sakin, naalala ko si mad ah shit, napalunok ako nakakaalala ako ng maliit na detalye.
"o okay? pero bakit nga ako" tanong ko, pero na amaze parin ako sa isip ko kanina kaya medyo napangiti ako.
"nagbabakasakali lang na baka pumayag ka ayun sa source ko, 3 years ago nakuha mo yung role ni romeo sa romeo and juliet dun sa dating school na pinag aralan mo, nasa record mo yun!"
at biglang nanlaki yung mata niya.
"i mean" at umiwas siya sakin.
"pa paano mo nabasa sa record ko? wag mong sabihing.." gulat na tanong ko.
"ssshhhh, sa atin lang to ha, may bestfriend is a hacker so she hacked the school website at tiningnan namin yung record ng files mo, hindi lang naman ikaw yung tiningnan namin eh marami rin, pero ikaw yung mas fit sa character"
ohhh i have an idea. Kahit di ko alam na meron akong talent na ganun at ngayon ko lang nalaman, nagpa as if akong alam ko para hindi mahalata ni daya na nakalimutan ko na ang skills na yan at isa pa interesado ako sa bff niyang hacker, baka naman matingnan ko yung record ni mad.

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?