Madison's POV
(special part)Isang himala na dinalaw ako ni clara sa center, medyo natuwa ako at the same time nainis sa kambal ko dahil pinaalam niyang nagpa rehab ako.
"kumusta mad? bakit di mo pinaalam sa akin na gagawin mo to? kay macky ko pa nalaman" umiwas ako ng tingin sa kanya, alam na niya ang isasagot ko na hindi niya naman kailangan malaman.
"anong pinunta mo dito?"
"nandito ako para" napansin kong huminga muna siya ng malalim bago magsalita "hindi ko alam kung paano sasabihin to, anak si edred na aksidente"
nanlambot ang buong katawan ko sa narinig ko galing kay clara, nag jo joke ba siya?
"joke to, right?" sabi ko at kinabahan.
"2 days na siyang hindi pa gumigising simula noong aksidente niya"
"ano? tumawag pa ako sa kanya! hindi, hindi yan totoo" sabi ko at nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Naalala ko , noong gabing bago siya maaksidente hindi niya sinasagot ang tawag ko, tinawagan din ako ni vin para ipaalam na lasing na lasing siya kaya nagalit ako pero pinigilan kong mag mura dahil sa last call ko hindi niya singot, ang akala ko lang gusto niyang mapag isa, kampante akong baka may problema lang siya sa bahay nila kaya hinayaan ko hindi ko aakalaing may masamang balita akong matatanggap ngayon. shit
"Gusto mo bang sumama para maniwala kalang? pinaki usapan ko na ang parents niya na hayaan kang dumalaw ngayon sa kanya"
nagulat ako sa sinabi niyang yun, bakit niya gagawin ang mga bagay nato? tss hindi ko muna inisip pa yun , ang gusto ko ngayon makita ko ang kalagayan ni edred kaya sumama ako sa kanya.
"ahh hello po principal!" narinig kong bati ng kapatid ni edred sa ina ko, hindi niya alam na nakasunod ako kaya laking gulat niya na pumasok din ako, pero wala siyang ni isang salitang sinabi sa akin.
Hinanap ko kaagad si edred, napa iyak agad ako ng hinay hinay akong lumapit sa kanya, maraming sugat ang mukha niya pati mga braso niya, may benda rin yung kaliwang paa niya samahan mo pa yung malaking tube sa bunganga niya, natatakot ako sa larawang nakikita ko ngayon, ganito rin yung dati 3 years ago.
"yo! wimp! bakit??" nasabi ko sa pagitan ng hagulhol ko. Wala na akong paki alam sa mga taong nandito, napahawak ako ng dahan dahan sa kamay niya at iyak ng iyak.
"tama na anak" rinig ko kay clara at hinagod ang likuran ko para mapatahan ako.
napansin ko ang kapatid niyang napa iyak din sa kabilang banda.
"biglaan nalang lahat, nagalit siya sa amin at umalis ng bahay, tinawagan pa namin siya bago mangyari sa kanya to, alam namin dahil to sayo kasi naalala ka niya" sabi ni ava at nagulat ako.
natahimik lang ako at tinitingnan si edred, hinaplos ko yung buhok niya ng dahan dahan. Napansin ko nalang na wala nang tao sa paligid dahil narinig kong bumukas yung pinto.
"sorry dred, hindi mo dapat sinapit to, hindi ko kayang nakikita kang ganito" at umiyak ulit ako. "gumising kana please?" at naalala ko yung dating nangyari sa kanya.
3 YEARS AGO.
after kong makipag break kay edred matapos niya akong mahuling gumagamit ng paborito kong gamot sa kalungkutan ko parang nahiya ako sa kanya, tama nga siya pinagtatanggol niya ako sa iba samantalang ako pinapatunayan ko lang na masama nga akong tao.
"bumangon kana" biglang salita ng kambal ko, naramdaman kong umupo siya sa gilid ko, balot na balot ako ng kumot at ni isa sa kanila ayaw kong makausap. Hindi pa ako nakaka move on sa break up namin ni dred.
BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?