EDRED'S UNCONCIOUS MIND
"ano yung naririnig ko sa tropa na pinopormahan mo daw si madison?" salita ni vin habang nakatingin sa computer. Natahimik ako sandali. Ilang buwan na ang nakalipas at naging tropa ko narin ang tropa ng pinsan ko, hindi kami magkapareho ng school na pinapasukan pero sinusundo nila ako sa school ko kapag nag ka cutting classes ako o uwi.an medyo naging b.i sila pero na enjoy naman ako lalong lalo na kapag nandyan sila kasama ko si madison. Gusto ko si mad at alam kong gusto niya rin ako kasi pagdating sa akin iba siya.
"ahh totoo yun, sa katunayan kami na nga"
"ANO?! HANEP!" biglang sigaw ni vin.
"shhh, baka madinig ka nila mama" nasabi ko at napakamot.
"okay okay, ewan ko lang ha? kung seryoso yang si madison sayo pero okay naman sya" napakunot yung noo ko sa sinabi niya may hindi ba ako nalalaman?
"anong ibig mong sabihin?"
"magulo lang kasi yang si madison, kahit kami hindi namin maintindihan ugali non"
napangiti ako kay vin.
"baka naman kasi di siya komportable sainyo"
"wow? inlove ka boy?" at itinulak ako ni vin kaya nag cause yun ng pabirong suntukan.
kinagabihan.
as usual itatakas na naman ako ni vin sa bahay, maghihintay yung kotse ni mon sa labas pero ngayon iba, si madison yung driver kaya nasa harap ako naka upo at si vin hindi maalis alis ang tingin sa amin mula sa likuran habang nakasablay yung mga kamay niya sa inuupu.an namin.
"kaya pala this past few months medyo naging distant kayo sa amin at parang may sariling mundo, kayo na palaaaa"
napatingin saglit si madison sa akin.
"sorry maddy , kailangan ko lang sabihin kay vin"
"maddy huh?" vin at inasar kami.
"may magagawa paba ako spidey, malalaman at malalaman lang din naman ng tropa" sabi ni mad at seryoso lang na nakatingin sa daan.
"spidey huh? ang labo , ang panget ng tawagan niyo" vin
at natawa ako pati narin si mad.
"well iba kami bro" madison at kinindatan ako. Napangiti ako sa ginawang kindat na yun ni mad, napatigil yung kotse at nasa paboritong bahay ulit kami.
"ngapala, may dumating bigla kaya magpapa inom si patch" madison ng makakababa kami.
"sino?" vin
"si macky"
"talaga?!" vin at dali daling pumasok, napatingin ako kay tsaka lumapit sabay hawak sa kamay niya, napansin kong napapangiti siya.
"sino si macky?"
"malalaman mo rin kapag nasa loob na tayo" sabi niya at napatingin sa mga kamay namin.
"ba bakit? ayaw mo ba? bibitiwan ko" sabi ko at dahan dahan na binibitawan ang kamay niya ng,
"don't you dare?" sabi niya at namumula kaya agad agad kong hinawakan ulit ang kamay niya kaya magkahawak kamay kaming pumasok dun, nagulat nalang ako ng may isang kamukha ni madison ang sumalubong sa amin.
"oh? so its you!" pangiting bati niya at naguluhan ako saglit, she never talk about this thing to me.
"meet my twin her name is macky, sorry ngayon ko lang naalala may kambal ako" madison at nag pout yung kamukha niya, magkaiba nga lang sila ng buhok, blue yung sa kanya at gray tong si mad.
BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?