The Wilsons
consist of Alfred and Betty Wilson (parents) Ava Wilson (only sister)
at the Wilson's Residence
kadadating ko lang galing school or should i say kina madison (whatever) nang mapansin kong busy sila mommy at ava sa kusina, kaya napasilip ako at saktong natapos na pala sila sa paghahanda para sa dinner.
"right timing! kuya kakain na" pangiting sabi ni ava sakin at slight ako hing ngumiti.
"magbibihis lang ako saglit" sabi ko at patakbong pumunta sa room ko. Naghanap ako ng komportableng damit, usually plain black tshirt lang ako lagi eh. Bumaba na ako at kompleto na sila, alright? time for question and answer portion dinner.
"masarap ba dad?" sweet na pagtatanong ni ava kay dad.
"ofcourse! niluto niyo eh, pwede na kayong mag tayo ng sariling restaurant mga binibini!" dad at nag wink, tahimik akong napangiti sa kanila habang tumatawa sila.
"ngapala son, kumusta yung party na pinuntahan mo? marami kabang nakilala? naka bond? o naka alam mo na?" papilyong ngumiti si dad sakin, kung alam niya lang mukhang kengkoy yun anak niya dun.
"it's fine dad, nothings special and i dont want to talk about it" sabi ko at kumain.
"okay?" dad at nag shrugged
both mom and ava napatingin sakin like parang hindi sila naniniwala na walang magandang nangyari sa party na yun, which is true naman!
"really brother? hindi kaba na bully dun or something?"
"oo nga anak, akala ko pa naman after nun may mababago sayo" mommy.
"walang magandang nangyari okay? okay naba?" sarcastic na sabi ko kaya napansin kong nag rolled eyes si ava at tumango nalang si mom, alam nilang annoying na sila.
"son, huwag mong kalimutan bukas may pupuntahan tayo at hindi pwedeng hindi ka makakasama"
napatingin ako kay dad, diba friday pa bukas? i thought may appointment ako kay doc gray.
"bakit kuya?" ava at napansin ang pag iiba ng mukha ko matapos sabihin ni dad yun.
"diba sabi saturday? eh may appointment ako kay doctor gray bukas, remember?" sabi ko.
"omg! naloko ka ni doctor gray haha" ava at tumawa, kinuha ko yung cp ko sa bulsa at tiningnan yung araw ngayon, fucking shit?
"makakalimutin kapa rin anak" mom at ngumiti sakin, napahawak ako sa noo ko saglit at tinapos yung pagkain, ang hilig mag trick ni doc kaya pala ang chill niya kanina, so friday ngayon? huh? dapat ngayon yung appointment ko! oh shit, nasobrahan ako sa pagkakalimutin.
"kumusta yung school niyo?" dad
"i'm gonna answer first!" ava at excited mag kwento na parang bata well prinsesa naman talaga siya dito sa bahay.
"this week maraming clubs ang nakikipag agawan sa akin, music, art, dance club etc. tapos yung teacher ko sa history pinili ako para mag represent sa school para sa isang quiz bowl (actually magkaiba kami ng school) at ammm may nanliligaw po sa prinsesa niyo" at pahiya siyang tumingin kay dad.
"ops! anong sinabi ko? study first! wag muna pumasok sa mga ganyannn" dad at pininch ang cheeks ni ava, nag pout si ava.
"but Dave is a nice guy po dad, mom??"
"alam mo nang sasabihin ko iha bata kapa"
"bata? bakit si kuya noon, pwede?"
at napatingin ako kay ava, kaya biglang nag monster look si mom tapos si dad umubo kunwari, may hindi ba ako nalalaman?

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?