11

19 0 0
                                    

White shirt and a couple tattoos! (september)

"okay kalang?" pagtatanong ni daya sa akin habang nagbabasa kami ng kanya kanyang script, tatlong araw na simula noong huling text text namin ni mad at huling kita ko sa kanya nang gabing yun, mukhang absent siya nung araw na dapat magkaklase kami, iniisip ko tuloy yung huling pagkikita namin.

2 days ago..

Nang malinawan ako kung sino yun si madison lang pala, si madison?! napahakbang ako para lapitan siya dahil nakakapagtataka kung bakit nandito siya sa lugar nila daya.

"maddy?!" sigaw ko at walang reaksyon yung mukha niya, kinatok ko yung bintana ng kotse niya. Thankfully ibinaba niya yung bintana at weirdong nakatingin sakin pero kahit ganun nakangiti parin ako sa harap niya.

"err fuck it!" sabi niya at lumabas siya bigla kaya napaatras ako tapos sinuntok ako sa tiyan.

"the heck?! maddy" sabi ko habang namimilipit sa sakit.

tapos naramdaman ko nalang na nakayakap si mad sa akin. Nagulat ako at nakarinig ako ng sob, holy shit?! si madison ba talaga to? umiiyak? first time to.

"ma-maddy? okay kalang?" tanong ko at hinay hinay kong hinahaplos yung ulo niya.

"sa tingin mo ba?" supladang sagot niya at maya maya itinulak niya ako konti. "pasensya na"

"no its okay" sabi ko at niyakap siya ulit sa di ko malamang dahilan siguro dahil she really need a hug.

"okay na ako" sabi niya at lumayo tsaka tumalikod sabay pasok sa kotse at umalis.

simula nun hindi ko na siya nakita sa school kasi normally dadaan yun every morning sa hallway pero sila patch at vin lang yung nakikita ko, hindi rin sya pumasok at ni isang text na nakakabwesit wala narin akong natanggap kaya napapaisip tuloy ako, what if nag suicide siya? kasi ramdam ko may problema siya, tss hindi ko naman matanong sila patch kasi hindi ko ma timing yung free time nila lalo na ngayon busy sila sa intrams, sporty kasi yung dalawa. Si patch sa tabletennis tapos si vin sa chess.

"haaaaaay!" sabi ko bigla at tiningnan yung phone ko. Wala talaga.

"ayaw mo yang script mo?" tanong ni daya ulit at bagot akong napatingin sa kanya. "tell me dred"

"pwedeng mag relax muna? mahina kasi yung utak ko ngayon" sabi ko at nag nod si daya.

"mabuti pa bibilhan kita ng maiinom" at agad siyang tumayo tsaka lumabas sa club.

teka na realize ko lang nakakaisip na ako ng mga nangyari sa mga nakalipas na na mga araw. psh achievement ba? ibinaba ko yung script ko at tumingin sa mga nagpapractice ng mga lines nila, actually 3 weeks yung paghahanda daw sa role play at yung mga kasama namin dito kahit supporting lang kayod na kayod sa pagmememorize, ako naman kahit lead actor ako chill lang ganun.

"oh cool! nice place wimp!" napatingin ako sa boses na yun, si patch na naka sunglasses parin at si vin na tinitingnan yung mga gumagawa ng mga costumes, napatingin at natakot ang lahat sa kanila kaya napatayo ako at nilapitan sila baka kasi anong gawin nila.

"nandito kayo? patch, vin?"

"kanina kapa namin hinahanap, halika!"

sa wakas at nagkita rin kami, makapagtanong nga about kay mad.

"SI MADISON?!" sabay naming tanong at nagulat kaming tatlo, nagtinginan kaming tatlo at sumenyas na lumabas para dun mag usap.

sa labas.

"weird, hindi namin sabay si mad kahit sayo dred? kasi ikaw lang yung naiisip namin na pupuntahan niya"

nagulat ako sa balita nila kaya tiningnan ko sila ng maigi at nag-aalala yung mga mukha nila.

HEY, MADISON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon