CATCHING FEELINGS (september ends)
buwan ng sports ngayon dito sa school namin at ang lahat ay naghahanda para sa ibat ibang events, lalo na ako sinasanay ko ang sarili ko para sa play dahil malapit na kaming magpeperform, medyo si daya yung nagiging kasama ko paminsan naman nagkakaroon din ako ng time kay madison.
"nasa final script na tayo guys so! let's do this kaya natin to!" daya at tumingin sa akin "so, bukas ulit maagang practice okay? thank you sa araw nato at see you tomorrow guys!" at nagsitayu.an na ang lahat para magsipag uwi.
lumapit agad si daya sa akin tsaka kinurot yung pisngi ko.
"okay kalang?"
"yeah? bakit mo natanong?"
"siguro iniisip ko lang na hindi ka okay" at napatawa ako.
"ngapala, konti nalang dred matatapos nadin natin yung script"
napangiti ako, hindi ko ineexpect sa sarili ko na magiging natural ako sa ganitong bagay, tama nga si daya magaling ako pero ang problema ko lang at nadidinig ko sa mga kasama ko, hindi ako marunong makipag halubilo, tahimik lang ako sa sulok kapag hindi pa nagsisimula yung practice tapos kay daya lang ako nakikipag usap, parang na we-weirdohan sila sa akin pag hindi ako naka karakter.
"pwede ba tayong kumain?" nasabi ko sa kanya.
"niyayaya mo ako?" pangiting sabi niya.
"hindi date i mean kain lang" sabi ko at napakamot ako.
"ano kaba, wala naman akong ibang iniisip dred" at hinila na niya ako, ang cute ni daya.
habang naglalakad papalabas ng school nakita ko sa di kalayu.an si madison sa isang bench tahimik siyang nakaupo habang nasa tabi niya yung di derek na parang tina try na kausapin siya. Napalunok ako ng makita ko ang kapatid ni daya kaya mabilis akong naglakad para di ako makita ni mad.
thankfully, nakadaan kami ng ligtas. Nang makalabas na kami sa school (actually maraming mga fast food chain sa labas ng school) naisipan namin sa isang pancake house kumain.
"yun lang po, salamat" rinig kong sabi ni daya sa kumukuha ng order at ngumiti siya. Nakatingin lang ako kay daya sa mga oras nato kaya di ko mapigilang hindi magtanong kung may boyfriend naba siya.
"ngapala, hindi mo pa nasasabi or na she share sa akin kung may boyfriend kana ba? or wala?"
"hmmm may nakikita kaba?" sabi niya at napakunot yung noo ko at bigla siyang tumawa.
"anong? hindi kita maintindihan?".
"dred, kung may boyfriend ako nakikita mo sana ako sa school na may kasama hindi sana ako sumasama sayo" pangiti niyang sabi at nag nod nalang ako. Bigla niyang kinuha yung kamay ko.
"wow? may tattoo ka? totoo to?" tanong niya habang tinitingnan yung wrist ko.
"yeah? hindi naman nakaka wow, maliit lang naman yan"
"ang cute kaya, alam mo na appreciate ko yung mga taong may mga tattoo, si kuya kasi ang dami niya. Yung dad namin ang naka impluwensiya sa amin sa mga ganyan"
"so may tattoo ka?"
"wala, ayaw ko para sa sarili yun lang" at napangiti ako sa kanya.
"may itatanong lang ulit ako"
"ano yun?"
"yung kuya mo ba, alam mong nanliligaw siya kay mad?"
"ahh hindi, nalaman ko lang nung araw na nagka usap kayo ng kuya ko? Fuck! di ko alam si mad yung mga trip niya"

BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomansDo you want to be with that person again from your past?